Chapter 8

3 0 0
                                    

Jeri's pov

"Babe, tara magsimba tayo." Yaya ko kay Juley.

"What?! Babe naman e, wala naman sa usapan na magsimba tayo, tutal babe, diba sabi mo sasamahan moko magshopping and magpapa manicure and pedicure ako diba?" Sabi ni Juley.

"Pwede naman magsimba muna tayo babe tapos dun tayo mag shopping and pumunta sa salon. Besides, Sunday pa naman ngayon." Sabi ko kay Juley.

"K." Ang sagot naman niya.

Spoiled brat kase tong si Juley e. Ang layo ng ugali niya kay Rina, tanga ko bat ko ba kase iniwan si Rina edi sana kami pa ngayon.

Umupo kami ni Juley sa may bandang likod.

Nang offertory na ay parang kilala ko ang babaeng nakablack na tshirt, mahabang buhok kahit na nakaupo ito.

Lumingon siya sa may bandang direksyon namen ni Juley at umiwas ako agad ng tingin, nang tumingin na siya sa altar ay bigla ko naman nakita si Cecil, at tinuro ang direksyon namen.

"Babe, may problema ba?" Sabi ni Juley.

"Babe, wala." Sabi ko naman.

Nang tapos na ang misa ay parang napansin ko na nagmamadali sila Rina kaya naman tumakbo ako sa direksyon nila habang iniwan ko si Juley.

"Tita, bless po." Ang sabi ko kay Tita Ciam.

Inabot naman ni Tita Ciam ang kanyang kamay.

"Hi, Rina." Ang bati ko naman kay Rina habang she's looking out of nowhere.

"Hello" Sabi ni Cecil.

Agad agad hinili ni Rina palabas si Cecil at si Tita Ciam.

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko lang pala si Juley.

Umalis na rin kami ni Juley sa simbahan.

Habang naglalakad kame papunta sa SM upang mag shopping,

"What was that for, Jeri?!" Sabi ni Juley.

Diko siya pinansin.

"Alam mo Jeri, kung mahal mo pa si Rina sabihin mo lang, kase diko naf'feel na mahal mo ako e." Sabi ni Juley.

Diko pa rin siya sinasagot.

"Jeri ano ba?!?!" Sumigaw na si Juley kaya lahat ng tao nakatingin na saamin.

"Shit naman Juley. Oo, mahal ko si Rina. Mahal na mahal, noon." Sabi ko.

Shit Jeri, shit!!! Bakit mo sinabi yon???? Akala ko ba mahal mo pa rin si Rina hanggang ngayon?!

"Aww, babe! I know you love me, so let's go." Sabi ni Juley.

Wala akong nagawa. Diko pinaglaban si Rina. Ang tanga tanga ko. Sinayang ko yung babaeng minahal ako ng sobra,  sinayang ko yung babaeng gagawin lahat para sa akin. Ang tanga tanga ko. Diko alam na nasasaktan ko siya. Bullshit. Gago ako.

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now