Chapter 5

14 1 0
                                    

Hinatid muna ako ni Nikka sa bahay at nang bumaba nako sa kotse nila ay nagpasalamat ako sa kanya.

Pumasok nako sa bahay at diretso ako agad sa kwarto para kumuha ng damit pampalit at nakapag shower nako.

Pagkatapos kong magshower, kinuha ko ang aking phone dahil gusto kong icheck ang aking social media, inopen ko ang aking phone at laking gulat ko dahil,

200 notifications, 60 messages at 150 friend requests. Di ako makapaniwala dahil may nagrecord palang video dun sa nangyari kanina sa Starbucks at maraming nagcomment, like at share.

"Ex bf and new gf  VS  ex gf and best friend" yan ang title nung vid. Grabe hah? Ex gf talaga? Tutal ex nya ko at ex ko rin siya.

May kumatok sa pinto ng aking kwarto at pumasok ang aking kapatid na si Cecil at ang aking mommy dala dala ang kani kanilang phone.

Pinakita nila sakin ang video, akala ko nga magagalit sakin si mommy pero proud pa daw siya dahil kaya ko daw harapin ang aking ex kahit sinaktan nya daw ako haha.

"Nak, proud na proud ako sayo dahil ang tapang tapang mo." Sabi ni mommy.

"Oo nga ate, idol talaga kita." Sabi naman ni Cecil.

Si papa? Nasa ibang bansa OFW siya :).

Tumayo naman ako kung saan ako nakaupo "Syempre ma and sis, may times talaga na kahit mahal mo yung isang tao at sinaktan ka, kailangan mo pa rin ipagtanggol ang sarili mo, dahil kundi, magmumukha ka lang tanga at sa isip nila kahit anong gawin nila sayo okay lang sayo dahil mahal mo ang nanakit sayo ng ilang beses, kaya dapat matapang kang harapin siya/sila. Wag ka dapat magpa api." Sabi ko.

Pagkatapos kong sabihin yon, nag group hug kame :)

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now