Oo. Aaminin ko. Andito pa rin, andito pa rin yung sakit na iniwan niya. Tandang tanda ko pa ang mga salita na binitiwan niya nung nag-hiwalay kami. Tandang tanda ko pa rin ang sinabi niyang, "Rina, tapusin na natin to. Nakakasawa na, ayoko na. Palagi na lang tayo nag-aaway. Wala rin mapupuntahan itong relasyon natin." O diba? Ang sakit diba???
*boooooogggggshhhhh*
"Ayyyy jusko" nasabi ko sa aking pagkagulat.
Dumating ang aking kapatid na si Cecil.
"Ate, kain na tayo." Ang sabi niya.
"Cecil naman e, sinira mo nanaman ang emote ko haaay. O sya, bababa na lang ako pag gusto ko nang kumain. :)" sabi ko.
>at nag fake smile ako para di halata na lumuha nanaman ako<
"Nakooo ate, halata naman na mahal mo pa si Jeri e." Sabi ni Cecil sabay takbo.
Nakooo!!!!! Binanggit niya pa talaga ang pangalan ng iniiyakan ko ngayon hah. Lagot sakin yan pag pinuntahan ko siya mamaya sa baba.
Baba na nga ako para kumain, nagutom na kasi ako e hehe
YOU ARE READING
The One That Got Away
Teen FictionIniwan ka naba sa ere? Umibig ka naba tapos nasaktan? Masakit pa rin ba? Nahihirapan kapa ba? Itong storyang ito ay tungkol sa mga na-iwanan, nasaktan at sa mga hirap mag move-on.