1

71 9 0
                                    


"Uy Sha. Para kang tanga jan . Sabog ka na naman?" Sambit ng kaibigan kong mukhang impakta na patawa tawa pa .

"Pwede ba? Manahimik ka jan . Kumain ka nalang . Magtatime na maglalocker pa tayo" bulyaw ko sakanya.

Nakakainis naman kase e. Lagi nalang nila ako inaasar na sabog o kaya lutang o kaya nakashabu . :"<

Hindi ba nila ko mahal huhu. Hindi nila nakikita kagandahan kong taglay . Nakakatampo .

"Kanina pa kami tapos. Ikaw lang tong nakatulala jan eh. Ano na naman ba iniisip mo?" Anong ano?! Sino bes. Sino!

"Mali naman kasi tanong mo . Kundi sino. SINO ba ang iniisip mo sha?"

Itong magsyotang to . Gusto ba nilang magbreak ng twentitri? Para may karamay ako?

Wait. What? Karamay ako? Duuuh! Di naman ako brokenhearted. At hinding hindi ako magluluksa sa walang hiyang lalaki na yon na akala mo gwapo eh mukha namang tukmol . Wala akong pake kung iniwan niya ko . Duuh! Bat ako mabibitter at maghihiwalay rin naman tong dalawang to!

Diba hindi?! HINDI AKO BITTER AT HINDI AKO BROKENHEARTED! UKINAM.

"Tara na nga! Pag ako di nakapagpigil . Kakainin ko kayo e!" Sabi ko sakanila sabay irap . Ke firstday firstday . Pinag iinit ulo ko!

Pagkalagay nila ng gamit nila sa locker dumeretso na kami sa taas.

Wala pang lessons . Syempre 1st day . Kaya nilagay na namin yung mga books at nb namin para di hassle.

Knowing this school? Ang teachers dito sarap ibalik sa sinapupunan ng kanilang ina . Napakasama!

Sakto namang pagpasok namin sa room ay pumasok narin ang aming guro . Yung hahawak ng section namin .

"Goodmorning class" bati ng guro . Di ko siya kilala . Hindi niya kami nahawakan last year.

"Goodmorning Mrs. Sanchez" bati ng iba. Yung iba patawa tawa pa. Walang respeto . Tss

"Ang section niyo ang nakatataas sa lahat . Aware naman siguro kayo don . Pinagsama sama namin ang lahat ng studyanteng may mataas ang average . Dito rin kami kukuha ng ipanglalaban sa ibang school . Kaya dapat maging model kayo sa iba. Ipakita niyong magagaling kayo . Gusto ko kayo lahat kukuha ng award . Magaling kayo at matalino . Nakukuha niyo?" Paliwanag nito .

Ganto ba talaga ? Nakakalaki naman ng ulo to . Di porket nasa 1st section ganto na. May time parin na matatalo kami . Hays. People nowadays. Mga kaisipan talaga. See? Napakacompetitive.

Pinaggrupo kami at inassign sa kanya kanyang gawain para mapaganda ang room namin .

Namumukhaan ko mga kagrupo ko pero di ko alam pangalan nila. Friendly naman ako kaso di masyado .

Nagschedule narin kami ng kung ano ano . Tulad ng pagpapakilala . Officers . At palitan ng teachers . Probably next week pa ang lessons. Kaya hayahay na muna ngayon .

"Jamie. Sasabay kaba sakin?" Tanong ko sa impakta kong kaibigan .

"Hindi e. Gagala pa kami ni Chris. Hehehe" bahala kayo jan! Walang poreber! WALAAAA!

"Ok." Singhal ko sakanya. Mapapairap ka nalang talaga. Nakakainis!

Inayos ko na ang gamit ko . Para makalayas na sa lugar na ito . Umakyat ako para maglocker.

Wala naman akong kukunin eh . Nagkataon lang na nandun ang classroom niya .

Pag akyat ko . Ni isang studyante wala na akong nakita. Ganto ba talaga sila kasabik umuwi?

Kinakabahan ako . Baka may mumu :"< magpakita na naman sakin yung bata wahhhh!

When i see your face
Its not a thing that i would change
Coz your amazing
Just the way you are

Wha-wait? May tao pa! Ang ganda ng boses. Ang lamig sa tenga. Apat ang room dito sa taas. Di ko alam san nanggagaling .

"SHANEA!"

You are MineWhere stories live. Discover now