9

23 2 0
                                    

"Ahhhh! Nakakainis naman ehhhh!" Sigaw ko sa aking sarili na tila nag eecho sa buong kwarto .

"Anak!" Mami. Hindi na ko nag abalang tumayo para buksan ang pinto dahil kusa itong pumasok .

"Bakit po mami?"

"Bakit ka nasigaw? Anong nangyare?"
Bakas dito ang pag aalala.

"Kasi mi! Si jamie di parin ako pinapansin" sinimangutan ko siya. Hindi ka iiyak sha. Hindi talaga kahit mahigit isang buwan ka ng di pinapansin ng bestfriend mo .

"Ah eh ganon ba? Gusto mo tawagan ko siya at papuntahin dito?"

"Hindi na po kailangan mami ganda"

Napatingin kami pareho sa pintuan. WAaaaaaah si jamieeeee! Di na nagpatumpik tumpik pa tumakbo na ko sakanya para yakapin . Hindi ko na napigilang maluha . Ghaaad amisyu mah bespren

"Aray naman. Baka kumalas buto ko sayo" binatukan ko siya. Si mami naman iniwan muna kami .

"BAKIT BA HINDI MOKO PINAPANSIN?!" Sigaw ko sakanya.

"Teka easy ka lang besti . Eto na nga kekwento ko na"

Pumwesto siya sa sentro na animoy maraming makikinig . Kinwento niya nga ang lahat . Ang tungkol kay evan at adam .

Kinwento niya na kilig na kilig daw siya samin ni adam . Ang dami na nga daw nagtatanong sakanya kung bakit si adam lagi kong kasama at hindi siya. May mga nagtatanong rin daw kung kami na daw ba.

"Tsaka kahapon . Kung di lang dumating si Mrs. Monterral tatakbo na sana ako sayo dahil sa sobrang kilig sabay paghahampasin ka" ganto talaga eh noh? Girlssss why? Ang hilig manakit pagkinikilig .

Eh kase naman yung kahapon hmmmp!

Flashback ..

Hinarang ko yung paa ko para matumba si adam . Kaso di ko inaasahang mapapaikot siya at tutumba siya saakin .

Isa? Dalawa? O tatlong pulgada nalang yung layo ng mukha namin sa isat isa.

Tinulak ko na siya bago ko pa siya mahalikan. Este bago pa siya mahulog ng tuluyan .

"Sha ano ba yan? Hindi mo naman ako kailangan patidin para mahalikan ka" *smirks*

"A-ang kapal n-ng mukha mo! U-umalis ka na nga!" Sigaw ko sakanya.

Buong klase nakatuon ang atensyon samin . Shanea very wrong tsk .

End of flashback

"Waaahhh. Ang cute niyo talagang tignaaaan!" Sabi nito with matching hampas hampas pa .

"Sana mas nauna mo nalang siyang nakilala kaysa sa asungot mong ex." Dagdag nito .

Naalala ko pa noon . Kilig na kilig pa to saming dalawa ni evan . Naging ganyan lang naman siya simula nung pag aaway namin lagi ni evan .

Humiga ako sa kama para alalahanin yung mga masasayang araw na magkasama kami .

Same level lang kami ni evan pero magkaiba ng section . Nakilala ko siya dahil kaibigan niya yung kaklase ko at nagkasabay kami pauwi .

Flashback

Mag isa lang akong umuwi galing sa school ng makasabay ko yung dalawa kong kaklase kasama yung mga kaibigan nila.

"Sana hindi ko sila makasabay sa jeep" pero mapaglaro ang tadhana . Sumakay rin sila kung san ako nakasakay .

Hindi ko pa sila masyadong close pero nakakausap ko naman sila room . Familiar yung mga kaibigan nila dahil nakikita ko ito araw araw sa tapat namin .

"Hi! Kaklase mo pala si John" Sabay lahad ng kamay sa harap ko .

Tinignan ko lang ito . Hindi ko naman siya kilala at wala akong interes sakanya. Buong byahe kinukulit niya ako . Nakakainis.

Pagdating ko sa bahay . Nagbukas ako ng facebook ng may nakita akong friend request.

Evan mills

Sino naman to? Chinat ko siya para malaman kung sino siya. Chineck ko yung picture niya. Laking gulat ko siya pala yung lalaking nangungulit sakin sa jeep

Flashback ends

Napapangiti parin ako tuwing naaalala ko hays. Simula nung araw na magkachat kami . Tuloy tuloy na yun . Ako pa mismo ang unang nagchachat sa kanya. Kahit walang saysay yung sasabihin ko .

Uy! Ang ganda ng gupit mo
Evan ang cute ko
Heeey . Ang galing mo
Ano fave mong number sa electric fan?
Anong fave mong number sa orasan?

Mga ganun ba . Hanggang sa sinabe niyang gusto niya ko at ganun din naman ako . Kaya naging kami .

Nung una tinataguan ko pa siya pero nung tumagal araw araw na kaming magkasama .

FB (flashback)

"By . May ginagawa ka?" Tanong nito sakin.
"Wala po . Ikaw ba?"

"Meron . Ang mahalin ka" why so corny . Pero kinilig ang ate mo sha.

FBE

Why so pafall evan ? Meron pa. Ang di ko makakalimutan sa lahat .

FB

"Baby baby! Gayahin mo ko " sabi nito sakin .

"Sige! Ayusin mo lang ha?"

"MA"
"MA"

"LI"
"LI"

"IT"
"IT"

Maliit? Tinignan ko siya ng masama. Alam ko na. Inaasar na naman ako ng hinayupak .

"Oh bakit? Dali na!"

"SI"
"SI"

"SHANEA"
"EVAN!"

Pagtapos non . Naghabulan kami hanggang sa mapagod

FBE

I missed everything about him . The way he gets mad when he missed me. The way he becomes happy when im around him .

Everything as in lahat.

FB

Nagswimming kami kasama ang aking mga kaibigan . Close na siya sa mga kaibigan ko . Bakasyon ngayon .

"Baby dali tara yakap ka sakin tas sabay tayong tutumba sa tubig" una ayaw ko dahil natatakot ako . Pero napilit niya rin ako .

"Woooh ang saraaap. Isa pa babyy" aya ko sakanya. Tinawag niya si chris at jamie para gayahin kami. "Relationship goals" daw.

"Ang sarap diba? Wag kang matakot pag kasama ako . Hindi kita hahayaang mapahamak" sabay ngiti nito . Binigyan ko siya ng matamis na halik bilang paglalambing.

Sa oras na yon . Duon ko naramdamang safe ako kapag kasama siya.

FBE

Masaya naman kami e. Kaso nakakapagod din palang maghabol . Hindi naman ako aso pero anong magagawa ko? Nagpalamon ako sa pag ibig.

FB

"Byy please naman oh! Last chance na please. Balikan mo lang ako" pagmamakaawa ko dito .

"Shanea ayoko na talaga. Maawa ka sa sarili mo . Hindi ka aso para maghabol . Marami pang iba jan"

"Sabe mo evan babalikan mo pag mahal mo? Hindi mo na ba ko mahal?"

"Mahal kita alam mo yan pero tama na."

Sabi nito bago ako iniwan.

FBE

Gabi gabi akong umiiyak dahil sa pag iwan niya sakin . Hindi ko matanggap .
Kaya nung pumasok kami . Siya agad ang hinahanap ko .

Evan mills malapit na mawawala kana sa sistema ko ng tuluyan .

You are MineWhere stories live. Discover now