8

31 3 2
                                    

Jamie PoV

Ang tagal naman ni Shanea. Nagpaalam lang siyang mag ccr pero hanggang ngayon wala pa.

Tumayo nako at papunta na sa cr ng makita ko si evan . Ano kayang ginagawa niya dito? Oh well. Public na kainan nga pala to. Great jamie just great!

Susundan ko sana siya kaso andaming nakaharang sa daan . Parehas cr lang din naman ang punta namin magkikita rin kami .

Malapit nako ng may marinig akong boses na kilalang kilala ko . "ARAY NAM-" wtf! Shanea!

Dali dali akong pumunta sa cr. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko!

"WALANG HIYA KA!" Sigaw ko sabay sabunot kay evan!

Sino bang di mag iinit ang ulo kung makita mong naghahalikan yung bestfriend mo at yung ex niyang manloloko!

Iniwan ko na silang dalawa bago pa man kami dagsain ng tao.

"Jamie sandali!" Tawag sakin ni shanea. Mabuti naman at sinundan niya ko . Kung hindi, friendship over na talaga!

"Jamie naman . Intayin mo naman ako"

"Shanea ang tagal kong nag intay kanina nagreklamo ba ko sayo? Tapos mahuhuli ko lang kayong naglalampungan?"

Maglalakad sana uli ako ng hatakin niya ako at yakapin .

"Jamie. Pwede bang makinig ka muna sakin? Gusto mong masapok? Paglabas ko kanina nadulas ako . Sakto namang nandun si evan . Nasalo niya ko . Hindi ko inaasahang hahalikan niya ko"

Paliwanag neto sakin . Tsss. Dapat sinapak mo! Hina mo rin eh!

"K." Tinalikuran ko na siya. Naiinis parin ako!

Ilang linggo na ang nakalipas pero hindi ko parin siya kinakausap kahit anong gawin niya. Dapat lang pagbayaran niya ano! Para gumising na siya.

FYI mga bes! Lagi na niyang kasama si Adam! Kinikilig nga ako sa kaclose san nila e. Mission success.

"Babe. Grabi ang galing ng plano mo ha? Talagang desperada kang makalimutan ni sha yang evan na yan?"

"Oo! Kung hindi . Ewan ko nalang"

Dahil magkaibigan si Fafa Chris ko at si adam . Nagtulungan kaming mapalapit yung dalawa .

Kinausap ni Chris na samahan muna si shanea hanggat di ko kinakausap . Hindi naman makatanggi si adam dahil dakilang anghel siya . Eh mukha rin namang type niya .

Hindi naman nagtaka yung loko kung bakit siya yung napili namin . Sana lang ay wag mag assume ng sobra si shanea at wag pafall yung isa .

Shanea pov

Hays. Nakakalungkot naman . Namimiss ko na yung impakta. Hindi ko alam kung bat hindi niya ko pinapansin .

Ilang linggo parin ang nakakalipas huhu . Hindi ba niya ako namimiss ? :"<

"Nakasimangot ka na naman honeypie" nandito na naman yung asungot . 

"Honeypie mo mukha mo Adam . Eh alam mo naman e. Namimiss ko na si Jamieee"
*superPout*

"Sige tunapie nalang. Hehe" sinamaan ko siya ng tingin "biro lang sha. Ngumiti ka naman kasi . Para kang papatay e"

Nasa room kami . Itong lalaking to . Laging tumatabi sakin . Kung saan saan napapadpad.

Wala kaming teacher. Hindi na bago . Lahat ba naman ng teacher namin galit samin . Kesyo ang yabang namin, ang ingay purkit nasa mataas na section kami.

Well. Thinking niyo yan mga mister at misis. We're just ordinary students. Di namin keri mga lessons aber .

"Adam. Si honeybunch mo oh?" Sabi ko sakanya sabay turo sa labas ng room .

Tumingin naman siya . Pag ganto kasi puro mga ex namin napagtitripan namin .

"Hala si honeybunch ko" sabi niya sakin na ikinatawa namin .

Yung ex niya kase laging dumadaan sa room namin . Papansin masyado eh?

Sinayang niya si adam . Ang gwapo gwapo kaya niya! Gentleman,matalino, matangkad, chinito, magamda boses. ah! Basta full package na .

"Buti nalang iniwan ka niya no?"

"Bakit sha? Para may chance tayo?"

"Hindi. Ang malas niya sayo eh!" Inirapan niya ko. Abaaa! Tinawanan ko naman siya.

"Oh sha! Si byyyy oh?! Yieee hihi" tumingin ako sa labas pero wala naman! Hmmp! Paasa!

"Ayan! Spell Hindi pa nakamove on? S-H-A-N-E-A" grabe huhu bawing bawi . Kung alam mo lang adam. Unti unti na kong nakakamove on .

"I hate you mr. Scott" ilikeyou talaga yan hehe joke.
"I love you too Soon-To-Be-Mrs. Scott"
Sabay kindat sakin.

"Ang ew ha? Mandiri ka Adam . Hindi ako pumapatol sa mukhang galunggong"

"Aray ha! Eh sinong gusto mo ? Si Gray?"

"Oh bat nasali dito si Gray?"

"Sus shanea . Lagi kitang nahuhuling sumusulyap sakanya. Type mo no? Kahit masakit sakin . Ilalakad kita sakanya gusto mo?" With matching hawak pa sa dibdib na akala mo inaatake sa puso . Why so cute?

Bakit ba ko nagkaron ng mga kaibigang baliw? Waaah.

"Tumigil ka Adam ha? Diring diri na nga ako sa mukha mo . Idadagdag mo pa siya? No thanks"

"Ediwow shanea. Just ediwow! Babush na nga. Mapagalitan pa ko ni Ms. Terror"

Hinakbang na niya yung paa niya ng hinarang ko yung binti ko sa dadaanan niya .

Hindi ko inaasahan ang mga susunod na mangyayare...

You are MineWhere stories live. Discover now