7

28 4 2
                                    


Hindi pa rin ako makamove on kay Adam.  Hindi ko siya ex mga loka . Dahil hindi ko inaasahang magkaklase kami .

"Today, you're going to introduce yourself in front. Remember? Alam niyo naman. Kanya kanyang strategy kaming teachers niyo kung paano namin kayo makikilala. Sakin kung ano ang nakagawian . Name and talent"

Tumahimik naman kami para marinig ang nagsasalita sa harap . Para bang lahat kami interesado na makilala ang isat isa.

Ano nga bang talent ko? Wala! Di ako prepared huhu . Pero kakanta nalang ako . Haha WALANG AANGAL .

"Next . Ms. Morgan" lumunok ako ng mga bente . Ganon kase ako e. Feeling ko may nakabara sa lalamunan ko .

"H-hi? My name is sh-shanea M-morgan"

"Relax ms. Morgan . Walang nangangain dito" sabi ni mrs. Sanchez na ikinatawa ng buong klase.

Takot akong nasa harap . Kinakabahan ako . Ang mga labi koy nanginginig . Kinalma ko ang aking sarili bago uli magsalita

"Im sorry . Hindi lang ako sanay . Again Hi im Shanea Morgan . You can call me Sha . Since, im not prepared . Kakanta nalang ako"

"B-bahay kubo..." mahina silang tumatawa. Bakit ba :"< "kahit m-munti ang h-halaman doon a-ay sari sari" palakas ng palakas ang tawanan .

"Guys? Ganyan ba kayo rumespeto ng nasa harap?" Sabi ng lalaking tumayo . Aba pabida ka mr. Scott ha? Effective naman dahil tumahimik sila .

Umupo na ko bago ko pa sila kainin . Huhu pahiya 101 . Kasi bat pa talent eh :(

"Next . Mr. Scott. Todo rescue ah? Nako Adam . Ts ts"

"Hi classmates. You know me na siguro . Pero sige . Ako nga pala si Adam Scott . Hindi rin ako prepared hahaha. Kanta lang din"

"When I see your face
Its not a thing that I would change
Coz your amazing
Just the way you are~"

Nag bow pa sa harap at sabay kindat sakin . Flirt! Fave na fave yung just the way you are tss.

Pero parang may mali e. Hindi niya kaboses yung nandon . Hayaan na nga. Baka may mali lang sa lalamunan niya .

"Next . Mr. Young" isa pa to . Ngayon ko lang siya nakita.

Gwapo rin ang isang to pero mas gwapo si adam . Matangkad . Moreno . Parang ang sungit .

Ang daming side comments ng mga nasa likod ko . Kesyo mas lalo daw gumwapo . Landi naman .

"Im Gray Young . " pagkasabi niya non . Umupo na siya . Yun na yon?! Napakadaya .

Hindi man lang nagreklamo si maam at iba naming kaklase. Pwes ako ang gagawa . Tumayo ako at tinignan siya.

"Do you know what is the meaning of FAIR mr. Young?" Stupid. Tinignan niya ko ngunit dumiretso siya ng upo .

Great! Walang respeto!

"Ah Ms. Sanchez. Hayaan mo na. We used to it" nginitian ako ng mapait ni mrs. Sanchez.

"No maam. Lahat kami nagpakita ng talent tas siya wala? How stupid . Tas ano? Sasabihin niyong may posisyon sa school na to ang relatives niya? I dont care. Unfair na nga . Wala pang respeto"

Umupo na ko . Thanks man . Naagaw ko ang atensyon ng lahat dahil sa kabastusan mo .

Bawat subject . Nagpakilala kami . Ibat ibang strategy nga . Nawala onti ang asar ko . Paminsan ay sinusulyapan siya ngunit poker face.

"Uy shanea. Anong eskandalo ang ginawa mo kanina?"

"Scandal? Isa ka pang tanga e. Ang unfair niya e. Sobra! Ako napahiya ako sa harap . Kaya hindi ko hahayaang ganon ang ginawa niya"

Nasa locker kami . Magkatabi lang kami ng locker para may kasabay kaming kukuha. As usual wala na naman tao dito sa taas.

Pumunta ako sa dulong room . Dun lumabas si Adam nung nagkita kami . Recording room . Susyal naman . 

"Huy sha. Anong gagawin mo jan? Baka mapagalitan tayo"

"Hindi . Titignan lang naman eh"

Pipihitin ko na sana ang door knob ng may nagsalita sa likod.

"Mawalang galang ho? Bawal pong pumasok sa room na yan . Unless ay member ka ng recording team" ngiti nito sakin .

"Ay . Sorry naman. Nga pala, thankyou nga pala kanina nung sinuway mo sila . Mr. Pabida"

"Aww. Pabida talaga? Pwede namang babe nalang" sabay ngiti ng nakakaloko .

"Babe mo mukha mo . Diba kaibigan mo yung gray? Sabihin mo pangit na nga siya pangit pa ugali niya! Sige . Byeee"

"Biro lang . Adam nalang. Oo kaibigan ko . Ang hard ah! Purkit maganda ka? Tss. Baka magsisi ka . Ge ingat" magsisi saan? No way no . Manigas siya tsss.

Kumain muna kami ni Jam bago umuwi . Nag usap about sa nangyari tapos yung lovelife niya. Alangan sakin? Nananadya ka?

"Bes. Bet mo ba si adam? Ipapalakad kita kay Chris"

"Tigilan mo ko . Alam mo namang evan parin . Mamaya maging rebound bes. Tsaka bat naman kay Chris?"

"Kaibigan niya yung dalawa bes. Yung pinakalove mo? Si gray" tinignan ko siya ng masama. Humagalpak naman siya ng tawa .

"Tara na nga. Bago pa kita patayin jan."

Nag cr muna ako . Paalis na sana ako ng may bumangga sakin .

"ARAY NAM-"

You are MineWhere stories live. Discover now