10

18 2 2
                                    


Busy ang lahat sa pasahan ng projects at pagrereview sa darating na exam . Syempre highest section kami kaya expected ng napakacompetitive ng mga nandito .

Busy nga kami diba? Busy pero itong asungot na to kanina pako kinukulit!

"Shaneaaa. Sige na samahan mo na ako" sabay nguso. Hays. Ang kulit kulit!

"Hindi nga kasi pwede. Exam na sa friday oh? Madami pa akong tatapusin adam . Dun ka sa kaibigan mong asungot magpasama"

"Hindi naman ako sasamahan nun! Dali na please?"

"Pag ako bumagsak adam . Nako! Sisipain ko mukha mo hanggang sa Mabura yang pinagmamalaki mo"

"Eh after class naman kasi tayo aalis . Kaya makakapagreview ka parin tska saglit lang talaga tayo"

Ang kulit . Nagpapasama kasi siya sa mall . May bibilhin daw siyang regalo . Paki ko ba sa reregaluhan niya? Pwede namang siya nalang mag isa.

Tinanong ko naman kung para saan at kung sino ang bibigyan niya . Basta lang siya ng basta.

"Hay bes. Tapos kana ba sa lahat ng project?" Nandito kami sa canteen para kumain sa dami ba naman ng ginagawa.

"Ah Oo. Alam mo naman nakakahiya kung hindi ako magpasa diba."

"Buti kapa! Ako may kulang pa" pagmamaktol nito .

Sa aming magkakaibigan grade conscious kami . Tho, kaming tatlo ni sunny at jamie. Happy go lucky nandun parin yung kaba kapag bigayan na ng card .

"Ayan . Landi pa . Impakta ka talaga . Umayos ka nga. Sa susunod na taon baka malaglag ka. Bibitayin kita!"

Ayaw ko kaseng magkahiwalay hiwalay kami . Sanay na kasi kaming magkakasama . Kaya hindi kami sanay ng wala ang isa . Pano pa kaya kung dalawa?

Pagtapos naming kumain umakyat na kami para sa susunod naming klase . Grabe sobrang toxic. Ang hirap pala kapag sobrang taas ng expectation ng teachers sainyo .

Wala naman kaming ginawa hanggang sa matapos ang klase. Pinagawa lang kami ng reviewer at oral recitation para sa dagdag puntos sa exam . Ok na yun haha!

"Bes. Ready kana ba mag exam? Haha"

"Oo naman. Ready na ready" sabay ngiting tagumpay . Aba! Nagpuyat ako para sa exam namin .

"Ako hindi moko tatanungin? Hehe"

"Ready kana?"

"Oo naman! I am more than ready na bumagsak" sabay namin siyang binatukan ni Chris .

"Aray ha! Kayo kaya batukan ko ano?"

"Loko ka ba! Subukan mong ibagsak . makakatikim ka sakin!" Sigaw ko sakanya.

"Ewww ha ? Ewwww. Yung kay fafa chris nalang tikman ko . Hihi" wtf srsly .

Tinignan naman siya ng masama ni Chris kaya natigil na siya sa kahaliparutan niya. Umakyat narin kami para makapagreview .

"Ok class. Keep all your notes. I hope you will pass all the exams. Godbless"

Madali lang naman yung exam kung nag aral ka ng mabuti. Pinaghandaan ko ito ng mabuti . Eyebags to no! Huhu

"Bes . Ang bilis mo naman natapos" sabi ni jamie habang nagliligpit ng gamit .

"Ganon talaga . Nagreview ako eh!"

"Uy sha ano na?" Singit ni Adam sa usapan.

"Ay oo nga pala. Mauna na muna kami Jamie may pupuntahan pa kami"

Hinatak ko na si Adam bago pa magtanong ng kung ano ano tong si Jamie. Knowing her napakamalisyosa nung babaitang yun .

"San kaba bibili ? Para saan ba kasi? Para kanino? Anong meron?" Sunod sunod na tanong ko sakanya. Ayoko kasi sa lahat yung wala akong alam .

"Basta manahimik ka nalang jan. Malalaman mo rin! At isa pa. Ayoko ng maingay . Ang gagawin mo lang mamaya is sasabihin kung ok ba o hindi yung ituturo ko. Maliwanag?"

Oh ? Bossy ah? Siya na nga lang nagpapasama e. Sapakin ko kaya to ano?

JAMIE POV

"Ay oo nga pala. Mauna na kami Jamie may pupuntahan pa kami" paalam ng masungit kong kaibigan .

Lately. Napapansin ko yung closeness nung dalawa. Sabay kumain . Laging naghaharutan .

One time nga napagalitan sila dahil sa kakatawa . Sino ba namang hindi? Nagkaklase tapos sila daldal ng daldal .

"Babe. May napapansin ka ba sa dalawa?"

"Wala naman bukod sa naging close talaga sila"

Bigla naman akong napangiti sa naisip ko . Mission success!

"Sa tingin mo ba may namamagitan sa dalawa?"

"Ang bilis naman ata? Easyhan lang natin babe. Baka maging rebound niyan si adam eh"

Hays. Oo nga naman. Pero desperada na ko . Sana lang talaga nakalimot na siya.

"Hayaan na muna natin sila. Alam mo babe. Wag natin madaliin yung dalawa. Lalo na si shanea. Ayaw mo naman siguro masaktan kaibigan mo uli diba? Kilala ko si shanea. Madaling mapaibig. Kaya easy ka lang ha? Darating din sila don"

Napahiya ako dun ah . Hays sorry naman . Pero sige na nga. Hahayaan ko na lang kung anong mangyare edi go . Maging sila o hindi . Team adam parin ako!

Half day lang kami dahil nga exam kaya naoagdesisyunan naming umikot muna at tumambay sa teritoryo . Maya maya rin Nag aya na kong umuwi dahil napagod utak ko sa exam at sa kakaikot . Maygudnes ha? Ang hirap mag isip .

"JAMIE DAVIES! Bat ngayon ka lang?!" Paktay .

"Ah eh mameh! Nagreview kasi ako sa school . Para wala nakong gagawin dito . Alam mo naman masipag ang iyong anak hehe."

"Siguraduhin mo lang! Nako! Pagnalaman ko lang na may kalokohan ka. Baka mamaya may boyfriend ka na ha?! Papalayasin kita"

Jusme . Monster mode on . Tumango nalang ako at umakyat na sa kwarto . Kinwento ko kay Chris yung nangyare.

Hindi pa kasi kami legal dahil di pa ako pwede . Bukod sa nag iisang anak lang ako at babae pa . Eh bata pa kami .

Pero wala eh. Mahal ko . Tama nga si Shanea .

Once you're inlove. You will be a rule breaker and theres no turning back .

You are MineWhere stories live. Discover now