Kabanata VII: Pag-ibig

97 2 7
                                    

A/n: Oo tapos na ang Valentine's, pero pagbigyan na natin 'tong Chapyer na 'to.

Mika Raynir’s PoV

“Kanina?” taong ni Supremo. Tignan mo ‘to. Alam n’ya na kung ano ‘yung tinutukoy ko. At oo ‘yun ‘yung kasama n’ya si Rishna sa park. Sana pala hindi ko nalang naisipang pumunta doon.

Flashback

“Kuya Daniel, pupunta lang muna ako sa park ah” paalam ko kay Supreintendent pagkababang pagkababa ko sa hagdan. Kanina lang ako nagising at wala naman kase akong mapaglibangan dito kaya naisip kong pumunta nalang sa park, para manood ng sunset—ang favorite kong view sa lahat.

“Sige lang” sagot ni kuya Daniel nang hindi manlang ako nililingon, at busy sa pagmapit ng kutsarang may pagkain kay mama. Ayiiiee ang cute-cute talaga nila. Sana magkatuluyan sila. Alam ko namang nangliligaw na si kuya Daniel kay mama eh.

Matapos ko silang tignan dalawa, lumabas na ako, at naglakad papunta sa park. Nasa may bandang street light na ako no’n malapit sa park nung bigla akong makarinig ng boses.

“Oy, what’s with the sudden silence? Ba’t bigla kang nanahimik?”

Ay, may tao sa favorite spot ko? Sayang naman. Aalis na sana ako, nung bigla kong makilala kung sino ‘yung babaeng nagsalita. Si Rishna ‘yun ah...

Pero, ba’t kasama n’ya si Supremo?

“Paano bang malalaman kung ako na ba’y umiibig?” tanong ni Supremo kay Rishna.

Nang marinig ko 'yin ay parang hindi ko magawang alisin ang mga mata at tenga ko sakanila. Hanggang sa ang dami nang nabuong tanong sa isip ko...

Anong ibig n’yang sabihin sa tanong n’ya? Naghahanap ba s’ya ng explanation sa nararamdaman n’ya kaya n’ya tinatanong? Gano’n ‘yung mga napapanood kong singkit drama eh... Pero, kung oo, kanino naman s’ya may nararamdaman?... Hindi kaya… kay Rishna?

Hala, baka nga. Baka bago pa man ako makilala ni Supremo, magkakilala na sila, tapos inlove na talaga s’ya, at ngayon n’ya lang ipagtatapat. Baka s’ya talaga ‘yung gusto ni—“What’s with the sudden fall of tears?” Halos mapatalon ako sa gulat nung marinig ko si Crosser sa gilid ko. “’Wag ka ngang maingay” pabulong kong sabi at nagtago doon sa bush sabay punas ng luha ko.

Umiiyak pala ako… Pero bakit? Nagkakagusto na ba ako kay Supremo?

“Kapag Pareho kayong umuunlad, dahil nagiging inspirasyon n'yo an isa't isa. Kapag kaya mong isakripisyo lahat para sakanya, kahit ang ibig sabihin nito ay ang isakripisyo ang sarili mong kaligayahan. Kapag bawat ngiti n’ya nakapagpapasaya ng sobra sa damdamin mo. Kapag nararamdaman mo kung anong nararamdaman n’ya. Kapag pakiramdam mo hindi kumpleto ang araw mo ‘pag hindi mo s’ya nakikita…At kapag nabigyan mo na ng sarili mong depinason ang salitang ‘pag-ibig’” nakadinig ako ng sagot ni Rishna sa tanong ni Supremo. Hindi ko alam kung bakit parang may nabubuo nang senraryo sa isipko kung anong susunod na mangyayari.

“Umiibig ka. Tama?” dinig kong tanong ulit ni Supremo. Ito na ba ‘yun?Magkakaaminan na ba sila? Parang ayoko ‘atang marinig,… kase hindi ko kaya.

A Twist In Time TravellingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon