A/n: Super Balated Happy Valentines! 'Eto ang isang pag-ibig chapter para sainyo. XD
Superintendent Daniel Frawll’s PoV
“u29t 83ur3jfinwcj93 ur19”
“Priscila, honey, Ano ba ‘yang anak mo, Ba’t ganito mag-text?” tanong ko kay Priscila ko, habang kumakain kami sa dito sa pina-reserve kong restaurant. Mabuti na nga lang at hindi pa ako naa-assign ulit sa ibang investigation, kaya libreng libre ako ngayon. Ang kaso, ayan nga medyo panira lang ‘yung text ni Mika.
“Tigil-tigilan mo ako sa pagtawg mo ng ganyan, Daniel ah, nagde-date palang tayo, hindi pa tayo… Ano ba ‘yan? Patingin nga” sagot naman ni Priscila baby at inilahad ang kamay n’ya.
Pilyo kong inabot ang kamay n'ya at hinalikan.
Nakatanggap tuloy ako ng malutong na batok mula kay Priscila honey, at mga salitang “Para-paraan ka rin eh ‘no? Hinihingi ko ‘yung cellphone hindi ‘yang kamay mo” Kahit na tunog galit s’ya nang sabihin n’ya ‘yan ay nakangiti naman s’ya at namumula. “Ah, ‘yung cellphone ba? Haha, sorry na po. Oh, ayan na” pagmamaang-maangan ko at ipinatong sa kamay n’ya ang cellphone. Tinignan n’ya naman agad ‘yung parang ewang message ni Mika.
“Ano ‘to?... Code?” sabi ni Priscila baby pagkatapos n’yang mabasa ‘yung message.
“Code agad porket hindi maintindihan? Hindi ba pwedeng sandamakmak na typographical error lang?... Teka, nasaan nga ulit ‘yung batang… ” Then bang, nang dahil sa nasabi ko, bigla akong may naalala.
Nang mapagisipan ko kase ng mabuti kung bakit gano’n ‘yung text ni Mika ay biglang sumagi sa isip ko kung nasaan agad s’ya. At na hindi naman kase magte-text ‘yun kung hindi magpapasundo, o kaya pinapauwi na ako, pero wala naman akong mabasang kahit anong word sa text n’ya, at nakila Crosser s’ya kaya… possible kayang… “Anak ka ng Tokwa!” Agad akong tumakbo papalabas ng restaurant. “Hoy Daniel, sa’n ka pupunta?” pahabol na tanong ni Priscila baby.
“Pasensya na honey, pero babalik muna akong trabaho”
Humingi si Mika ng tulong, at mukhang nagmamadali s’yang itext, kaya random letters and numbers nalang ang nilagay n’ya. Ano pa bang magiging dahilan n’ya para magmadali sa pagte-text, kung hindi ang panganib. Wala naman nang iba. Kung makapagtext nga sa’kin ‘yung, kumpletong kumpleto lahat ng letra, kahit mga bantas kumpleto ‘yun, tapos ngayon ganito.Oo nga pala at hindi ako gano’n ka-libre ngayon, para ilaan ng buong araw ko sa pakikipag-date. Ginawa ko nga palang pain si Mika at mukhang kumakagat na ang isda.
Mahuhuli ko na rin s‘ya sa akto. Mabuti nalang, dahil sapat na ebidensya na ‘to, para mapatunayan ang mga agam-agam sa isip ko.
Gustong gusto ko nang sabihin kay Priscila ‘tong nangyari sa anak n’yang ‘to, pero ayoko namang madamay pa s’ya. Baka kung ano pang mangyari kapag mas maraming nakaalam, kaya tinatago ko muna ‘to sakanya, kahit na s’ya si Priscila Raynir, ang sariling ina ni Mika.
“Hay! Ano nanamang nangyayari ngayon, Mika?!”
--------
Sa isang room sa ikalawang palapag ng bahay ng mga Seigefried, natagpuan ko ‘yung dalawang batang dapat kong protektahan. Lalo na ‘yong binatang Supremo. Lalo't ngayon ko lang din napagtanto na minsan nang napag-experimentohan ni Yalter ang isang tao sa kasaysayan, at hindi malabong ulitin n'ya ito ngayon sa isang taong galing din sa kasaysayan, tulad ni Supremo.
Hindi ko manlang naisip ang pwedeng gawin sakanya nitong Kiro Yalter na ‘to. Simula pa no’ng dalhin namin ni Supremo sa bahay na ‘to si Mika.
BINABASA MO ANG
A Twist In Time Travelling
Fiction HistoriqueMaiintindihan mo kaya ang lahat kung sasabihin ko sa'yong hindi lang isang ordinaryong bagay ang ginawa ko noong araw na 'yon? -Kiro Yalter