Chapter 2

40 2 0
                                    


Ivan's POV

"I won't be able to attend the meeting" sabi ko sa aking pansamantalang sekretarya bilang substitute CEO ng Paradise Island. Tumayo ako mula sa aking swivel chair at pumunta sa terrace. Tinanaw ko ang buong isla. Kitang-kita mula rito ang kahabaan ng isla. Maririnig rin mula rito ang ingay galing sa mga tao sa ibaba. Nasa pinakamataas akong palapag kaya nakikita ko ang lahat mula rito. Napaka-init rin ng panahon na dahilan upang mapuno ang beach ng mga tao. Most likely of them are foreigners who wants to tan their skins.

"Miss Sy is looking forward for your presence, Sir Romualdez." Napapikit ako sa kanyang sinabi. Iyon nga ang eksaktong rason bakit ayokong dumalo sa conference na iyon.

"Tell her I'm fucking busy. So she can't fucking disturb me now, fucking obsess Sy!" sigaw ko sa aking telepono. Umuwi nga ako ng Pilipinas upang makaiwas sa kanya, tapos susunod-sunod pa dito!

"O-okay sir." Iyon na lamang ang nasagot ng aking sekretarya. Kaagad ko nang pinatay ang tawag. How I wish na sabihin nya talaga iyon kay Sisi. Sadly, duwag sya kaya hahanap sya ng napakagandang rason bakit hindi ako makakadalo.

"Magandang umaga po, sir." Bati sa akin ng mga impleyado the moment I got out from the elevator. Sunod-sunod nila akong sinalubong hanggang sa maka-abot ako sa main function hall. Tumayo ang lahat ng mga tao sa loob sa pagpasok ko. I glanced at them one by one. Lahat sila'y nakasuot ng kanilang uniporme basi sa kanilang departamento. Lumapit si Lola Tyansi sa akin at ipinakilala ang bawat department employees ng isla. Napatango-tango lang ako habang pinagmamasdan sila. Sa limang taon kong pagkawala ay pansin ko pa rin ang iilang impleyado namin na hanggang ngayon ay naririto pa. I gave them a smile.

"Papa is still on States. So he ordered me to handle the business for the mean time. I expect cooperation for all of you. Let's continue working hard and do our best for the betterment of the resort" nakangiti kong sabi sa kanila. Napatango naman silang lahat.

"There will be no further changes in our departments," pagpapatuloy ko. "Magandang umaga po, sir. Pero tungkol po sa Summer Indorsement natin..." wika ng isang impleyado na sa palagay ko ay nasa enhancement department. Tumango ako sa kanya upang ipagpatuloy nya ang pagsasalita. "Nasa labas po ngayon ang photographer at maging ang model para sa ilalabas natin na ad next week." Pagpapatuloy nya.

"Uh," yun lang ang naitugon ko sapagka't wala akong ka ide-ideya tungkol do'n. Siguro ay nai-schedule na nila ito, hindi pa ako nakakarating.

"Do you want to visit the shoot, sir?" tanong nya pa sa akin. Nagdalawang-isip pa ako pero pumayag rin. Sinamahan ako ng aking mga personal bodyguard na ini-hire ni papa. Ayoko mang tanggapin pero wala rin akong magagawa. Para iyon sa aking seguridad, hindi biro ang maging CEO nitong napakalaking isla.

"First photoshoot 'to?" tanong ko sa nag ha-handle nitong project. "Opo, sir. Last month pa po 'to naka schedule" sagot nya. Ibinigay sa 'kin ng aking body guard ang aking shades at kaagad ko naman iyong sinuot nang makarating kami sa buhanginan. Mas inilapit ng isa pang bodyguard sa akin ang kanyang hawak na payong. Ramdam ko na ang tirik ng araw dito. Nanatili akong nakatayo ng matanaw ko ang photoshoot na nasa hindi kalayuan.

"Sino 'yang model?" tanong ko. She looks familiar with her sexy white dress on. Naka curl iyong mahaba nyang buhok at may summer hat syang suot. Nakatalikod sya sa gawi namin at tila nakikipaghabolan sa alon na dumadapo sa buhangin. So childish. Iyon ba ang theme ng photoshoot?

"Pwede ba tayong lumapit?" tanong ko sa babaeng kasama ko. "O-ofcourse, sir." At nauna na kaagad ako na sinalo rin kaagad nung payong ng bodyguard. Sa paglapit ko ay unti-unti kong napapansin kung sino ang babaeng modelo. Napangiwi ako ng bahagya. Kaya pala ang childish.

We Never HappenWhere stories live. Discover now