Kwento ng isang Magtataho.

125 1 0
                                    

Ako si hulio, Isang magtataho na umibig sa isang estudyante. Estudyante din ako pero meron akong trabaho ang pag tataho sa umaga at pag-aaral sa gabi. 

May pwesto ako sa isang paaralan malapit sa bayan. May nakita akong isang babae, kaso hindi ko alam ang pangalan niya. Isa rin sa dahilan kung bakit gusto gusto ko sa paaralan na yun magbenta. Sa araw-araw na nakikita ko siya hindi ko maiwasang kiligin, hindi ko alam kung bakit ako ako kinikilig sakanya.

Isang araw bumili siya sakin ng taho.

" Pabili po ng taho. Yung tig sampong piso po.

Nilagay ko ng dahan dahan para medyo matagal siyang maghintay sa taho niya. At para narin matitigan ko siya ng matagalan. 

"Ito na oh yung taho mo.

Inabot yung bayad.

"Hindi sige wag na, ok lang marami narin naman ako nabenta.

"Sure ka sa sinasabi mo?

"Oo naman, sure ako.

Pagkalakad niya papalayo sakin, bigla akong sabi ng "Yes", Nakita ko rin siya nga malapitan. Yun ang una kong kita sakanya ng harapan. Sana lagi siyang bumili sakin ng taho.

Bago matapos ang araw na yun, sumaya nanaman ako. Nagkakaroon ako ng gana na magsikap sa pagtinda ng taho at mag-aral ng mabuti para makatapos. Gusto ko siyang ligawan kaso mukang sa katayuan ko sa buhay, mukang malabo na sagutin niya ako. Uuwi na ako, para makapag-aral narin ako at sana bukas makita ko ulit siya.

Kwento ng isang Magtataho.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon