Isang magandang araw para sa lahat, mukang maganda itong araw ko na ito ha. Papunta na ako sa paaralan ng taong mahal ko. Masyado akong naging mabilis na nahulog sakanya.
Ito nakatambay nanaman ako sa tapat ng paaralan nila. Siya lang ata ang gusto kong makita sa pang araw-araw na pagtitinda ko.
Sa kakahintay ko nagutom na ako, baka naman hindi siya pumasok o baka naman wala talaga siya sa mood na bumili ng taho ko.
Bigla may lumapit sakin, sa pagkakayuko ko hindi ko agad nakita mukha niya.
"Pabili po ng taho,
Pagtingin ko siya pala, biglang napatingin ako at hindi ko na agad naibigay yung taho niya.
"Ito na yung taho mo, Hindi wag mo na ako bayaran ipunin mo nalang yan.
"sure ka? diba dapat tanggapin mo ito dahil para makaipon ka? sige na tanggapin mo na ito.
"Hindi wag na, nakakaipon naman ako at marami naman din yung naibenta ko.
"Osige salamat ha.
Ngumiti siya sakin, grabe dati hindi naman siya ganun. Siguro nababaitan na siya sakin. Salamat naman at nakita ko na siya. Kumpleto nanaman ang araw ko. Mahal ko na talaga itong babae na ito. Makauwi na nga at makakatulog nanaman ako ng mahimbing nito.
BINABASA MO ANG
Kwento ng isang Magtataho.
Teen FictionIsang kwento ng estudyante na nagtataho sa umaga at nag-aaral sa gabi. Nainlove sa kapwa niya rin estudyante. Magkaiba sila ng mundong ginagalawan. May kaya sa buhay ang pamilya ng babae. Pero si hulio siya nalang mag isa ang gumagawa ng paraan para...