Pauwi na ako habang nag iisip asan na kaya si julia, sobrang tamis ng pagkakangiti niya sakin. Baka hindi na ako makatulog nito, pero sobrang saya ko talaga, sa wakas! nalaman ko na pangalan niya.
Biglang may sumigaw malapit sa park na dinaanan ko.
" Tulungan niyo ako! Wag po kuya!
Nataranta ako sino kaya yun, tatakbo ba ako o tutulungan ko? hay bahala na mas mabuti sana kung tulungan ko na. Binitawan ko muna yung Dala kong lalagyanan ng taho. Laking gulat ko inaagaw na pala ng sapilitan yung bag ng babae.
Binilisan ko sabay sabing " Hoy tumigil ka bitawan mo yan! Sabay lapit at umamba ng susuntukin ko siya. Pero sa totoo lang takot na takot ako nun baka gulpihin ako nung lalaki. At buti gumana yung ginawa ko. Laking gulat ko at binitawan ng lalaki yung bag na inaagaw niya sa babae, sabay tumakbo. Witweew! Buti nalang tumakbo.
Nilapitan ko yung babae, medyo madilim kasi yung lugar. Aba! paglapit ko si julia pala iyon. Nung nakita ko siya tumakbo siya papunta sakin habang umiiyak.
" Hulio! (tumakbo papunta sakin)
Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Nadala naman ako napayakap din. Kasi mahina ako sa ganyang bagay yung umiiyak sa harapan ko pati ako nadadala.
"Julia! Tama na! Wala na siya. Lumayo na siya, ligtas kana nandito lang ako. Hindi kita iiwan.
"Salamat hulio! Talaga hindi moko iiwan?
"Oo naman hindi kita iiwan. Lagi lang ako nandito para sa'yo.
Nagulat ako sa sinabi ko, edi parang inamin ko narin sakanya na may gusto ako sakanya. Pero parang ok lang sakanya. Kaya natuwa naman ako at medyo nagkaroon ako ng lakas sabihin sakanya yun.
Tumahan na siya sa pag iyak. At hinatid ko narin siya sa bahay nila malapit lang naman din ako dun, pero kahit malayo ihahatid ko parin syempre.
"Salamat talaga hulio! hulog ka sakin ng langit!
"Buti naman nasalo mo ako haha! biro lang tahan na ha?
"Oo ikaw talaga palabiro ka pala.
Sabay lumapit sakin at nagulat ako sa ginawa niya. Hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap.
"Salamat ulit hulio! Ingat ka sa pag-uwi ha.
Hindi ko malubos isipin na sobrang swerte ko, sobrang baet niya kasi at kilala pang isa sa maganda sa school nila. Isipin mo yun isang magandang babae humalik sa magtatahong katulad ko. Swerte ko nga o baka bilang pasasalamat niya yun sakin. Hay salamat! Pogi points yung ginawa ko na yun.
BINABASA MO ANG
Kwento ng isang Magtataho.
Teen FictionIsang kwento ng estudyante na nagtataho sa umaga at nag-aaral sa gabi. Nainlove sa kapwa niya rin estudyante. Magkaiba sila ng mundong ginagalawan. May kaya sa buhay ang pamilya ng babae. Pero si hulio siya nalang mag isa ang gumagawa ng paraan para...