Pagkalipas ng ilang taon.
Sobrang saya parin naming dalawa, minsan may dumarating na problema at pagtatampuhan. Pero matibay parin ang pinagsamahan namin naging mabuti nga siyang kaibigan sakin. Sabay kaming nagtapos ng kolehiyo sobrang sarap sa pakiramdam na nagtapos kami na magkasama bilang estudyante. Hininto ko narin ang taho ko kasi nakapaghanap na ako ng trabaho.
Nililigawan ko na siya at mukang malapit niya na ako sagutin pero nakakalungkot lang aalis na siya sa susunod na linggo. Papuntang Australia dun daw siya magtatrabaho, sabi ng magulang niya. Pero may tiwala naman ako sakanya. Sa tagal ba naman naming naging magkaibigan diba. Mag iipon ako para makasunod sakanya dun at para matuloy na yung inaasam namin na magkaroon ng pamilya.
Pagtapos ng isang linggo.
Hinatid ko siya sa Airport kasama ang lola niya.
Bigla siyang umiyak bago tuluyang lumakad papasok ng airport. Hindi ko na napigilan naiyak narin ako sabi ko nga diba mahina ako sa ganyang bagay. Ayaw ko na siyang bitawan, napamahal narin kasi ako sakanya sobra.
"hulio! (Sabay yakap habang naiyak) Magpapakabait ka ha? Pangako mo sakin na susundan mo ako sa Australia. Mahal na mahal kita!
"julia!(Nakayap habang naiyak din) Oo magpapakabait ako Pangako susundan kita dun magsisikap ako para makaipon! Mahal na mahal din kita!
Bumitaw na siya sa akin at sa kanyang paglakad papalayo sakin daladala niya yung Pagmamahal ko, na nagsasabing siya lang talaga wala ng iba. Ano man ang katayuan natin sa buhay kung mahal mo siya ipakita mo sakanya. Yan ang tunay na nagmamahal.
Panu ba yan abangan niyo nalang yung susunod na chapter namin ni julia. Salamat.
BINABASA MO ANG
Kwento ng isang Magtataho.
Teen FictionIsang kwento ng estudyante na nagtataho sa umaga at nag-aaral sa gabi. Nainlove sa kapwa niya rin estudyante. Magkaiba sila ng mundong ginagalawan. May kaya sa buhay ang pamilya ng babae. Pero si hulio siya nalang mag isa ang gumagawa ng paraan para...