Chapter 4: Umamin na si magtataho.

41 0 0
                                    

Andito nanaman ako sa harap ng school nila. Naghihintay sana lumabas na siya. Aba biglang lumabas nga. Naka ngiti siguro sobrang ganda ng araw niya ngayon.

" Hulio! May ibibigay ako sa'yo. (sabay ngiti at may inabot)

"Oh ano naman yan? (sabay ngiti)

Pagkabukas ko, nagulat nanaman ako dahil pagkain ang laman adobo na may kanin. Kinilig ako sakanya hindi pa nga kami ginagawa niya na sakin ito. Samantalang yung yakap niya kagabi sapat na iyon sa pasasalamat na ginawa niya sakin. 

"Ow! Salamat julia ha! (Sabay ngiti na parang nahihiya)

"Uy wala yun! Ikaw pa malakas ka sakin.(Tumawa) Sige na kainin mo na habang nandito ako gusto ko makita ba kinain mo talaga kasi luto ko yan nu! Baka itapon mo e. Biro lang(sabay ngiti).

Kinain ko na nga nakakahiya naman kay julia, pero tama talaga dating niya nun dahil gutom nanaman din ako e. 

"Wow! Sobrang sarap mo pala magluto nu? (Sarap na sarap sa pagkain)

"Nice! Aba! dapat lang nu, naging libangan ko na kasi ang pagluluto kadahilanan na ang mga magulang ko ay nasa ibang bansa. 

"Oh bakit naman malayo sila? At bakit kanaman iniwan dito?

"Dahil nagtatrabaho sila dun para sa akin, para makapag-aral ako. Pero kapag nakapagtapos na ako pwede na akong sumunod dun.

Bigla akong nalungkot sa nalaman ko, sana pala hindi ko nalang tinanong. Kasi aalis din pala siya pagtapos niya na ang kanyang pag-aaral. Saklap ano? hindi pa nga kami talagang nagkakasama iiwan niya na agad ako. Maglakas nalang kaya ako ng loob na sabihin sakanya nararamdaman ko. Wala naman sigurong masama diba, sa pag-ibig ko sakanya.

"May gusto akong sabihin sa'yo.

"Ano yun hulio?

"May gusto ako sa'yo. 

"Alam ko na yan, dati pa ramdam ko kasi pero ok lang naman sakin. Ok kanaman sa mga lalaking nakilala ko.

Grabe! alam niya pala, pero buti naman at ok lang sakanya natuwa ako dun. Pero nakakalungkot parin isipin na, iiwan niya ako pagtapos ng pag-aaral niya.

"Oh bakit ka tumahimik hulio?

"Hindi, Masaya ako kasi ok lang sa'yo. Wag ka sanang maiilang sakin ha? Pero nalulungkot talaga ako kasi aalis karin pala pagkatapos mo mag-aral. Sayang liligawan sana kita, kapag natapos mo na yung pag-aaral mo at kapag natapos ko narin pag-aaral ko.

"Oh yun ba hulio! hindi pa naman sigurado ang pag alis ko nu. Sigurado ka hihintayin mo talaga ako?

"Oo naman hindi naman hadlang ang kahirapan para makapagtapos ng pag-aaral diba? pag nakatapos na tayo liligawan na kita kasi maghahanap na ako ng trabaho nun.

"Aw ang sweet mo naman pala. Kakatuwa ka, sige magsikap ka tapos ligawan mo ako (Sabay ngiti sakin)

Natapos na ang araw na yun, sobrang saya dahil inamin ko sakanya nararamdaman ko, kahit magkaiba kami ng katayuan sa buhay nagawa niya parin ako tanggapin bilang isang kaibigan at sana soon to be boyfriend niya kakakileg itong araw na ito sana patuloy-tuloy na.

Kwento ng isang Magtataho.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon