[2] Lost Her Memories

200 10 0
                                    

[2] Lost Her Memories




[Shaira's POV]




"This is your room from now on ate Mio. Don't worry lahat ng kailangan mo andito na kaya wala ka ng poproblemahin. From clothes to shoes, bags, beauty kit, and also to your personal hygene stuff ay nandito na sa magiging kwarto mo." 




Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ni ate Mionette. And I just realized na pwede na pala kong maging interior desinger in the near future. Kung hindi niyo tatanungin ako lahat ang nag-design ng kwartong 'to. Magmula sa mga appliances, cabinets, sofa, and either the bed sheet and curtain ako rin ang pumili at bumili. Plus iyong color ng wallpaper ako rin ang nag-decide kung anong klaseng design ba ang maganda at mukhang kaakit-akit sa mata tignan. Buti talaga napapayag ko si kuya Jansen na ako na lang ang mag-decorate ng kwartong 'to kaya nga lahat ng best ko binigay ko para hindi naman mapahiya iyong buong pagkatao ko.




I looked at ate Mio. She's still standing in front of the door, still staring at me with a sad look expression. "Hey! Ate Mio, are you alright? Bakit nakatayo ka pa diyan sa labas?! C'mon. Pumasok ka na para makita mo iyong itsura ng magiging kwarto mo dito sa bahay." Nang hindi pa rin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya ay nilapitan ko na siya para hilain papasok ng kwarto. "Okay ka lang ba ate Mio?! Bakit mukhang matamlay ka? Hindi mo ba nagustuhan iyong kwarto mo? Gusto mo ipalipat na lang kita sa ibang room. Ano? Gusto mo ba?"




Umiling siya tapos nagulat ako ng bigla siyang umiyak. Agad akong nataranta. May nasabi ata akong mali. "Parang sobra-sobra na ata 'tong ginagawa niyong tulong sa'kin Shaira. Nahihiya na talaga ako sa inyo. Kayo na nga ni Jansen iyong sumagot sa pagpapagamot ko sa hospital tapos binigyan niyo pa ko ng sariling kwarto dito sa bahay niyo. Pwede naman sa'kin na maging katulong niyo na lang ako para kahit papaano makabayad ako sa pagkakautang ko sa inyo ng kuya mo." I hugged ate Mio to comfort her. 




"Ano bang pinagsasabi mo ate Mio?! Hindi mo naman kailangan magbayad sa lahat ng naitulong namin sa'yo ni kuya. And besides kami ang may malaking atraso sa'yo dahil kung hindi ka nabangga ng magaling kong kaskaserong kuya hindi ka sana nahospital at hindi ka sana nagka-amnesia." 





"Pero di ba sabi ni Jansen kung hindi ako basta tumawid hindi nila ko mababangga. May kasalanan pa rin ako sa nangyari sa'kin." Tuloy pa rin siya sa pag-iyak.





Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya tapos tinitigan ko siya ng napaka seryoso. "Stop crying ate Mio. Alam mo ba na bawal ang iyakin dito sa Romantic Estate kaya kung ayaw mong bugbugin ni kuya sa pagmamahal titigil na ko sa pag-iyak. Tsaka huwag ka ng masyadong mag-alala sa sitwasyon mo dahil sabi ni kuya hangga't hindi pa bumabalik ang alaala mo dito ka muna mags-stay sa bahay namin. Resposibilidad ka na namin ngayon sa ayaw man o sa gusto mo. Hindi ka namin pwedeng pabayaan."

Estate Cassanova (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon