A/N: Ganun pa rin naman iyong bawat chapters kaso may konting nabago lang. Sana suportahan niyo 'to. Maraming salamat =)
////~~~~~~~
[1] Escape
Patakbo akong nagtungo sa kwarto ko at ng makapasok ako ay kaagad ko itong nilock. Hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa rin iyong bilis ng tibok ng puso ko. Hindi na rin normal iyong paggalaw ko dahil sa panginginig ng mga kamay at tuhod ko. Totoo kaya iyong mga narinig ko kanina? Totoo kaya na balak akong ipapatay ni mommy sa hindi ko malaman na dahilan. Pero bakit? Bakit niya nanaisin na ipapatay ang anak niya?! May nagawa ba kong mali para humantong sa lahat ang ganitong bagay?
Pilit kong isinasaksak sa utak ko na nagkamali lang ako ng rinig kanina. Pero may bahagi ng isipan ko na nagsasabi na hindi ako nagkakamali sa mga narinig at nasaksihan ko sa pakikipag-usap ni mommy dun sa mga kahina-hinalang lalaki na sa tingin ko ay mga myembro ng sindikato. Kahit na nanghihina ay pinilit kong maupo sa gilid ng kama ko. Napadako naman iyong tingin ko dun sa family picture namin na nakapatong sa study table katabi ng kama ko. We're look so much happy sa picture na 'to. Kinuha ko iyong litrato namin at pinagmasdan ko ito. Me, Kerinn, mommy, and daddy is like a happy family na hindi mo aakalin na malapit ng masira dahil sa isang bagay na sa tingin ko magiging dahilan ng pagkawasak ng pamilya namin. Stella Montero is not my real mom, she's my stepmother. I remember when I was a kid, I'm seven years old that time when my real mom Anna died because of food poisoning. Sabi ni dad hindi niya raw alam kung paano nalason si mommy at hanggang ngayon malaking misteryo pa rin para sa'kin ang pagkamatay ni mommy. At ngayong malaki na pipilitin kong hanapin iyong dahilan ng pagkamatay niya.
After a several months dumating sa buhay namin ni dad sina Stella Montero kasama ang nag-iisang anak niyang babae na si Kerinn Montero. Nung una hindi ko tanggap iyong pagpapakasal ni daddy kay Stella pero narealized ko na siguro may purpose si God kung bakit niya binigay sa pamilya namin sina Stella at dahil siguro rin kung may nawawala may dumarating naman para gamutin iyong sugat sa puso mo at ang gamot na nga na 'yon ay sina stepmother ko na si Stella kasama ang anak niya. Mabait naman na stepsister si Kerinn, kung tutuusin nga magkasundo na magkasundo kami sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa mga korean pop at fashion. Kaya nga natutuwa sa'min si daddy kasi parang tunay na magkapatid iyong turing namin sa isa't-isa na 'yon naman ang totoo.
Kinuha ko iyong phone ko para tawagin si Kerinn, nasa kabilang kwarto lang naman siya pero gusto ko pa rin siya tawagan dahil eto ang trip ko sa buhay. Out of coverage area? Lowbat na naman siguro iyong cellphone ng babaeng iyon?! Naku naman kung kelan kailangan ko siya tsaka naman hindi macontact. Mapuntahan ko na nga lang siya sa kwarto niya. Lalabas na sana ako ng kwarto ko ng may marinig akong mga boses sa labas ng kwarto ko. Boses ito ng mga lalaki. Dinikit ko iyong tenga ko sa may pinto para marinig ko iyong pinag-uusapan nila.
"Magbantay daw tayo dito sa labas ng kwarto ni Ms.Mionette at baka matakasan tayo."

BINABASA MO ANG
Estate Cassanova (Editing)
Romance[Written By: Jade of TSW I'm Mionette. I found out that my mom is going to kill me so I tried to escape and I need to save my life by my own. Until unexpected happenings came to my life and I met those guys, and I realized that I'm in estate cassano...