Daseot ♥ (Stepsister)

172 7 3
                                    

Jadetsw ☆ Happy April Fools month ^__^v po sa inyo. First 3 days pa lang ng april feeling ko maloloko na ko ng tadhana ;DD hihi. Sobrang init no? Kaya ang sarap kumanta ng HOT SUMMER ng FX ;"3 Saan kayo magbabakasyon? Ako baka sa Dasma, Cavite lang tas sa katapusan ng april magsuswimming kami. Dakilang "singit" lang kami ng pinsan ko sa family swimming ng kaibigan namin ;">

Ayoko sanang sumama kasi natatakot akong umitim pero sabi sakin ni Ms.Angelhearts hindi ko raw maeenjoy yung summer kung takot ako umitim. May point nga naman sya ;)) Ang daldal ko ba? Pasensya na po. Sana magustuhan nyo yung update ngayon. Salamat ;"]

Vote & Comment na lang po -

-**

Daseot (Stepsister)

[Kerinn's POV]

"mommy wala pa rin bang balita? mahigit tatlong buwan ng nawawala si Mionette pero hanggang ngayon hindi pa rin sya nakikita. Sigurado ka po bang ginagawa talaga ng mga pulis iyong trabaho nila? naiinip na ko sa paghihintay sa wala, tatawagan ko na si daddy. Kailangan nyang malaman kung anong--" bigla akong sinampal ni mommy ng ubod ng lakas na sobrang ikinagulat ko.

"bakit mo tatawagan si Russel ha?" pinagtaasan ako ng boses ni mommy dahil sa sobrang galit. May nasabi ba kong masama? "huwag na huwag kang magtatangka na tawagan ang daddy mo Kerinn, dahil oras na malaman kong nakarating sa kanya na nawawala si Mionette hindi mo magugustuhan ang susunod na mangyayari."

Naiwan ako sa study room na umiiyak. Ano bang nangyayari kay mommy? Bakit ayaw nyang malaman ni daddy na nawawala si Mionette? May tinatago ba sya? Wala naman siguro. Pero may karapatan parin si daddy na malaman iyong nangyari, tatawagan ko sya.

Lumabas ako ng study room at nagpunta sa kwarto ko. Pagkapasok ko nakita ko na nagriring iyong phone ko. Sino kaya iyong tumatawag?

"hello Mr.Cruz may balita na po ba kayo sa kapatid ko?"

" kaya nga ko napatawag sayo Ms.Kerinn dahil gusto kong sabihin sayo na may impormasyon na kami kung nasan si Ms.Mionette. Kung pwede sana pumunta ka ngayon sa opisina ko para mapag-usapan natin ito ng masinsinan."

"sige po pupunta ako" pagka-end ko ng call agad akong nagimpake ng mga gamit ko. Sa tingin ko kasi matagal-tagal akong hindi makakauwi dito sa bahay.

Bago ako umalis ng bahay pinuntahan ko muna si mommy sa kwarto nya kaso pagkabukas ko ng pinto wala naman sya. Saan kaya sya nagpunta? Kinuha ko iyong phone ko sa may backpack ko na pang-mountain hike para tawagan si mommy.

"hello mommy magmamountain hiking kami ng mga kaibigan ko kaya huwag mo na kong hanapin. Matagal po akong mawawala kaya mamimiss kita, love you mom. Bye"

Umalis ako ng bahay na tanging mga important things lang iyong dala ko plus iyong mga damit ko na rin. Parang aakyat talaga ako sa bundok neto ;). Nagcommute lang ako papuntang opisina ni Mr.Cruz at pagkarating ko dun pumunta agad ako sa private office nya.

"nasa envelop na iyan lahat ng impormasyon kung saan mo makikita ang kapatid mo." may inabot sya sakin na brown envelop at binuksan ko to para tignan iyong laman. Ibinalik ko agad sa loob iyong mga laman pagkatingin ko.

"maraming salamat po Mr.Cruz at may favor lang po sana akong hihingin sa inyo. Sana huwag makarating kay mommy ang tungkol dito. Salamat po ulit, sige po mauuna na ko."

Pagkaalis ko ng opisina dumaan muna ko sa malapit na coffe shop na nadaan ko bago ako pumunta dito. Nag-order ako ng black coffee at pumwesto ako dun sa wala masyadong tao. Tinignan ko ulit iyong laman ng envelop.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Estate Cassanova (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon