Jadetsw ☆ Annyeonghaseyo ^______^ Musta na mga readers ko dito? Salamat nga po pala dun sa mga naglagay sa story na to sa kani-kanilang library. Thank you thank you po ;)
Pasensya na matagal iyong update ko alam niyo na naman kung bakit di ba? ((= B-U-S-Y kasi ako sa school kaya eto mabagal ang update.
Vote, Comment, and Follow niyo na lang po kami. Godbless Everyone!
-**-
Dul ♥ (Forster Academy)
[Mio's POV]
Busy ako sa paglilinis ng kwarto ko ng biglang may pumasok na mga nilalang na bago lang sa paningin ko. Isang lalaki na ang daming accesories sa katawan na may kasamang babae na nakasuot na Wolf Jacket 88. ExoStan kaya siya?
"are you Mio?" maarteng tanong sakin nung lalaki. Para naman siyang bakla. ^______^ Peace.
Tumango ako "oo ako nga, may kailangan kayo?" tanong ko dito.
"hinatid lang namin ang mga to" may inabot siya sakin na mga paper bags, sinilip ko kung anong laman. "dress, bags, and shoes ang laman ng mga iyan. Pinaorder iyan ni Jansen sa shop ko then eto pala iyong form mo para makapasok ka na bukas sa Forster Academy. Don't worry chiina wala ka ng poproblemahin, just bring that form at makakapasok ka na. At pakisabi pala sa pinsan ko na pakideposit na lang sa account ko iyong bayad sa mga iyan, sabihin mo walang libre sa mundo at oras na hindi niya ko bayaran makakalbo kamo siya." napatango na lang ako sa mga sinabi niya.
Marahan siyang tinulak nung katabi niyang babae "huwag mong pansin mga pinagsasabi ng baklang pipit na to" nginitian niya ko "hi, I'm Kelsi"
"hi Kelsi, Mio" sabi at pagpapakilala ko.
"at eto naman si Mavy ang baklang hindi bakla hahahahaha"
"hoy chiina tumigil ka nga diyan, ang daldal mo"
"bakit? ano naman ngayon kung malaman ni Mio na hindi ka talaga bakla? kilala niya ba si Tracy? hindi naman di ba? eto talaga paranoid minsan"
"shut up chiina" nagulat ako ng hilain ni Mavy iyong buhok ni Kelsi. Hala nag-aaway ba sila? awatin ko nga.
"Mavy huwag kayong mag-away" lalapit sana ako kaso binalaan ako ni Mavy na huwag lumapit.
"hindi kami nag-aaway, huwag mo kaming pansinin lambingan lang namin to" may lambingan bang may kasamang sakitan?
"aray Mavy masakit, ganyan ba ang pagtrato mo sa amo mo? isa tanggalin mo iyang pagkakahila sa buhok ko kundi alam mo na ang mangyayari"
"kasi naman chiina e, your so bad talaga" tinanggal na ni Mavy iyong pagkakahila sa buhok ni Kelsi. Si Kelsi maman tumakbo palabas ng kwarto.
"sasabihin ko na kay Tracy iyong secret mo" sigaw ni Kelsi.
Si Mavy naman kumaripas ng takbo palabas ng kwarto pero bumalik ulit siya. "Mio alis na kami" paalam niya sakin.
"salamat pala sa paghatid sa mga to Mavy, ingat kayo" nginitian niya lang ako at umalis na siya agad. Bakla kaya talaga siya? huwag naman sana kasi sayang iyong pagkapogi niya.
Nanatili lang akong nakatayo habang iniisip ko si Mavy at Kelsi. Nakakainggit sila tignan, buti pa sila nakakatawa at nakakapagkulitan, ako? eto mag-isa dito at pilit inaalala kung sino ba talaga ko. May kapatid kaya ko? e iyong parents ko kaya hinahanap ako? sana naman hinahanap nila ko. Hays! Ang dramo ko no?
Pinatong ko iyong mga paper bags sa ibabaw ng kama ko. Tinignan ko iyong mga laman, halos mapatalon ako sa ganda nung mga dress, simple pero eleganteng tignan. Iyong mga bags pang-sosyalin at iyong mga sapatos fit lahat sa paa ko. Teka nga lang, bakit nagpaorder ng ganito si Jansen? para sakin kaya ang mga to? kung oo nakakahiya naman kung tatanggapin ko. Ibalik ko na lang kaya to sa kanya mamaya?
BINABASA MO ANG
Estate Cassanova (Editing)
Romance[Written By: Jade of TSW I'm Mionette. I found out that my mom is going to kill me so I tried to escape and I need to save my life by my own. Until unexpected happenings came to my life and I met those guys, and I realized that I'm in estate cassano...