Talia's POV
Sa sobrang pag-iisip ko, bigla nya akong kiniss. Quick Kiss.
"Hey Eleven! You're such a pervert!" Sigaw ko sakanya.
"Hahaha. Sorry" sabi nya tapos lumabas na.
Tumawa sya. OMG tumawa sya. Napatawa ko sya. OMG first time ko syang nakitang tumawa. Ang cute nya tumawa!
Tumakbo ako palabas ng kwarto nya. Tapos pumunta na sa dining room. Lunch Time!
Uupo na sana ako sa usual na upuan ko nang narinig naming bumukas yung pinto.
Sinilip namin at nakita naming may kutong lupa. Apat sila!
Pink, Halley, Jeya and Uri.
"Hi babe!" Sigaw ni Uri kay Eleven sabay yakap.
"Hey" sabi nya nalang pero hindi nag hug pabalik.
How dare Pink and Halley na magdala dala ng mga kaibigan nila sa pamamahay namin? Kapal nila ah. Hindi naman nila pag-mamay-ari.
Uupo na sana ako sa tabi ni Hanz ng biglang umupo si Halley.
Sa tabi sana ni Lance kaso, Pink sumingit.
Sa tabi na sana ni Kenneth. Kaso aba anlandi. Tinira na nga boyfriend ko, pati naman kabarkada ng kuya ko. Tsss
Kaya No Choice. Nasa pinakadulo ako katabi si Aikko. This cute nerd. Kakambal ni Aikee.
"Hi Aikko. Di pa ata tayo nag-uusap ah" sabi ko
"Hello. Oo siguro I think" ngumiti din sya ng mapait.
Dumating na yung lunch namin tapos kumain na kami. After kumain umuwi na sila kaso naiwan yung apat na alam nyo na.
May pinuntahan si kuya. Sinamahan ata si Aikee. Manliligaw be like.
Pinauwi din namin ngayon yung mga maids. Day-off nila kahit Thursday. 4 days to go bago ang pasukan.
At naipit ako sa apat na bruhildang to.
"ATYO! Lutuan mo nga kami ng fries. Dalii!" Sigaw ni Halley.
Nasa kitchen kasi ako nagphophone kaya narinig ko.
"Hoy Talia! Tawag kita!" Sigaw ulit ni Halley
Pumunta ako dun ng nakapameywang.
"Ano?!" Sigaw ko
"Aba galit ka pa ha? Sabi ko lutuan mo kami ng fries" sabi nanaman nya
Sinunod ko nalang yung utos nya. May plano ako.
Habang nagluluto ako, nagcecellphone lang ako hanggang sa hinintay kong mangitim. Pake ko kung masayang. Sila naman ang nagdating. Mga PK's nga naman talaga. Di marunong bumili ng fries sa fastfood.
Tinignan ko at nangingitim na yung mga fries. Nilagyan ko pa ng maraming asin.
As in, halos maubos na yung asin namin.
Nilagay ko yun sa isang plato tapos tinakpan ko pa para special. Hahaha.
Binigay ko na sakanila.
Bubuksan na sana ni Jeya kaso
"Ahm teka! Papaalam muna ako ha? Lalabas ako eh. Maggrogrocery ako para sa inyo" sabi ko.
Nagsige malang sila kaya agad agad akong tumakbo sa labas.
Sumilip ako sa bintana at nakita kong binuksan na ni Jeya.
Di manlang nila tinignan yung itsura. Basta basta nalang silang kumuha. Tapos napansin kong biglang pumait yung mukha ni Pink at Uri.
YOU ARE READING
The Boy In Hood
RandomHaving an amnesia. Memories that have been lost. Trying to remember all the things you've passed through.