Neil's POV
Nagulat kaming lahat ng bigla akong tawagin ni Lia. Nagsisisigaw sya.
Tumakbo kaming lahat pataas founding her attacked by asthma.
Nagmadaling tumakbo si Nikko. Buti nalang nasalo nya si Lia nung sinubukan nyang tumayo.
Nataranta kaming lahat.
Inopen ko yung garage at nilabas ang sasakyan ko.
In-open ko yung engine pero ayaw.
"Please makisama ka naman" sabi ko sa sasakyan ko habang sinisipa sipa ko yun.
"Kuya labas dito daliii! Dala ni kuya Nikko sasakyan nya!" Sabi ni Yllia
Tumakbo ako sa sasakyan ni Nikko at pinakiusapan kong ako nalang ang magpapatakbo. Pinayagan nya naman ako.
Kaming dalawa lang ni Nikko ang magkasama ngayon. Yung iba naiwan sa bahay kumuha ng damit at pagkain.
Alam nyo naman mga utak nila.
Pinatakbo ko nang mabilis yung sasakyan. Over speeding nga kumbaga. Buti at walang pulis ngayon sa oras na ito.
Mabilis kaming nakarating sa hospital. Tinakbo ko ng mabilis si Lia hanggang nakaabot ako ng emergency room.
Nilagay ko si Lia sa stretcher at dinala na sya ng mga nurse sa loob. Di nila ako pinayagang pumasok.
"Ano bang nangyari sakanya?" Bulong ko sa sarili ko
Nakita kong nakaupo si Nikko sa upuan. Umiiyak sya.
Si Nikko. Aakalain mong cold pero madrama buhay nyan.
Ayun nga. Lagi nalang syang umiiyak pinagdadasal ang kalagayan ni Talia.
Nung nahimatay si Talia dati sa park, si Nikko ang nandun para saluhin sya.
Pinagkakatiwalaan ko ng malaki si Nikko. Umiyak rin si Nikko nung malaman nyang in a relationship si Kitt at Lia.
At nung nakipagbreak naman si Lia, sinabi ko kay Nikko. At nung nagpunta sa Canada si Lia, pinuntahan ni Nikko si Kitt.
Mabuting tao si Nikko kaya hindi nya sinubukang bugbugin si Kitt dahil magkapatid sila sa ama.
Naiintindihan ko naman si Nikko dahil seperated parents nya.
Ang drama ng buhay nya no? Ganyan talaga yan. Iyakin na bata. Mula bata hanggang ngayon.
After nung incident na nangyari kay Talia dati, umuwi silang lahat para kamustahin si Talia kaso nung sinabi ko sakanilang nagkaamnesia sya at nung nag-away sila ni Nikko, di na sila muli pang nagkita kaya di namin alam kung bati na ba sila o hindi pa.
Kaya dito nagsimula ang Oplan NEYO.
NE- Nikko Eleven
YO- Yessa OfelAt dyan nabuo ang NEYO
Kasama naman si Nikko sa plano na yan eh. Alam nya ang lahat. Alam nya ang totoo. Tulong tulong kaming mapabalik ang memorya ni Talia.
May lumabas na doctor.
"Her condition's okay. Inatake lang sya ulit ng asthma. Hindi ko lang alam kung gising na ba sya kanina oh ano dahil nagsasalita sya habang pikit ang mga mata nya. May sinasabi syang mga pangalan. Namemorize ko pa ata eh. Una nyang sinabi yung Hanz, France, Neil, Frances, Aikee, Ynna, Lance, Kenneth, Kendall, Aikko. Sila lang eh. Oo sampu lang sila. Sige thank you. Pwede na kayong pumasok" sabi nung doctor
Nagtaka ako bigla. Yun lang ba narinig nung doctor? Nakita ko yung mukha ni Nikko. Ni minsan di sya nagtanim ng galit kay Hanz kasi alam naman naming mga lalaki na may gusto sya kay Lia. Hindi naman kami manhid para hindi maramdaman yun.
Pumasok muna ako sa kwarto ni Lia. Mahimbing ang tulog nya. Napapanaginipan nya siguro kami. Siguro isa isa nya na silang maalala at pati narin ang nakaraan nya.
Umupo ako sa gilid ng higaan nya.
Tinignan ko ang mala anghel na mukha ng kapatid ko.
Hindi na ako magtataka kung bakit at paano nagustuhan to ng maraming tao. Napakaganda ng kapatid ko.
Si Kitt. Si Hanz. Si Nikko.
Sila ang tatlong umiibig kay Lia.
Alam kong may natitira paring pagmamahal sa puso ni Kitt. Nakikita ko yun kung pano nya tignan minsan si Lia.Nagising na si Lia at nilibot nya ang nga mata nya sa paligid.
"Hospital to?" Tanong nya
"Yes baby. Asthma attack? Haha okay ka na?" Tanong ko
"Yes kuya"
"You need to take a rest okay? Sige maiwan na kita dyan" sabi ko tapos lumabas na ng room nya.Nilapitan ko si Nikko.
"Pare okay ka lang?" Sabi ko sakanya
"Bat ba para sakanya andali ko lang kalimutan? Mas matagal pinagsamahan namin bakit hindi ko matanggap na nakalimot na talaga sya sa akin. Kuya bakit ganun si Lia?" Sabi sakin ni Nikko
Heto nanaman po sya.
Best award in drama goes to Nikko Eleven Dominguez.
"Hayaan mo na muna Nikko. Makakaalala din yan. Sisiguraduhin kong maaalala ka nya. Sabi mo nga dba?Matagal pinagsamahan nyo kaya siguradong madali ka lang nyang maaalala" sabi ko sakanya.
Nginitian nya lang ako tapos nag-manly hug kami.
Awkward kaya kumalas na ako. Para kaming bakla dito.
Talia's POV
What a nice night. Grabe inatake ako ng asthma ko at habang nakatulog ako nananaginip parin ako huhuhu.
"Parekoy! Musta? Haha ngayon lang ulit tayo nakumpleto dito sa tree house ah. Dahil alam nyo na. Busy sa kanya kanyang bakasyon. Hahaha" kuya
"Oh so pano ba yan? Baka nakalimutan na natin ang isa't-isa. Dalawang taon ba namang di nagkita haha." Kuya
"Sabihin nalang natin mga pangalan natin at isa-isa nating mememorizin tapos irerecall natin. Clear ba?" Kuya France
" Neil"
" France"
" Aikee"
" Frances"
" Hanz"
" Ynna"
" Lance"
" Aikko"
" Kenneth"
" Kendall"
" Lia"
"Nikko"Nasabi na namin mga pangalan namin and it's time to recall it all.
Unang nagrecall si Kuya Neil. Then kuya France.
Basta nakaarrange na yun pero mas nauna sakin tong katabi kong pinakahuli. Pinauna ko eh. D ko masyadong mamemorize.
Tapos na lahat. Ako nalang
" Hanz"
" France"
" Neil"
" Frances"
" Aikee"
" Ynna"
" Lance"
" Kenneth"
" Kendall"
" Aikko"
" And the most special oneeeee!!!"
Tinitigan ko muna sya ng matagal.
Nagngingitian lang kami.
Oh my gulay. His eyes were so hot. Burnnn.
"Nikko" sabi ko ng medyo pabulong.*booooooooooommmmmmm!!!!*
Bigla akong nagising at nakita ko si kuya sa tabi ko. Nilibot ko muna ng tingin tong kwarto.
"Hospital to?" Tanong ko
"Yes baby. Asthma attack? Haha okay ka na?" Tanong nya
"Yes kuya"
"You need to take a rest okay? Sige maiwan na kita dyan" sabi nya tapos lumabas na ng room ko..
ComVo
Vomment
YOU ARE READING
The Boy In Hood
RandomHaving an amnesia. Memories that have been lost. Trying to remember all the things you've passed through.