#TheFiveHotMen~Prologue

3K 108 23
                                    

Eksaktong isang taon na ang pakikipag break ng gago kong ex-boyfriend sa'kin. Nakipag hiwalay siya dahil sawa na daw siya, pagkatapos no'n bumalik siya sa ex-girlfriend niyang patikiman. Hype.

Gusto ko nang umuwi ng bahay at mag mukmok sa kwarto, oo, hanggang ngayon affected pa rin ako sa pangwawalang hiya ng ex ko sa nararamdaman ko dahil siya lang naman ang first boyfriend ko... siya ang unang lalake na nagparamdam sa akin ng konsepto ng boyfriend-gayfriend thingy. Ibinigay ko sa kanya noon lahat ng kailangan niya... oras, atensyon, loyalty at pati na rin pera pag walang-wala na talaga siya, partida college student pa lang ako. Tapos makikipag break siya dahil sa nagsasawa lang siya?

Ang unfair ng buhay... ang unfair niya.

"Gosh, isang subject na lang..." Bulong ko habang inaayos ang mga gamit ko papunta sa room ng last subject ko. 

Isa akong irregular student sa isang pampublikong paaralan, nagpa irreg ako dahil isa akong working student, though may magandang trabaho sila mama't papa nandyan rin naman sila kuya na nagtatrabaho din na pwedeng tumulong sa akin, pero simula nung lumaki ako ayaw ko nang umaasa sa mga magulang at kapatid ko. Gusto kong maging indipendent. Kaya lahat ng ipinangagastos ko sa ex-boyfriend ko dati ay galing sa sarili kong bulsa pero simula ngayon hindi na talaga ako gagastos sa lalake, promise, kahit super gwapo pa niyan.

It's our last class, major subject pa at sakto pang natapat sa pinaka nakaka antok na oras... 1 in the afternoon. Psh!

"Mr. Dela Fuente? please stand up." Tawag ni ma'am sa pangalan ko at ang mga intrigera kong classmate ay awtomatikong umikot ang ulo sa direksyon ng inuupuan ko. Mga froglets talaga, imbyerna!

"Yes ma'am?" Tumayo ako at alanganing ngumiti kay ma'am. Akala niya siguro hindi ako nakikinig sa kanya, well, hindi naman talaga. Wala kasi siyang effort sa pagtuturo, parang pinilit lang siya ng tita niyang professor na mag turo dahil malakas sila sa eskwelahang ito. 

"Are you bored? are you with us?" Totoo naman, puro kasi lovelife at kung paano ka nagtagumpay sa buhay ang idinidiscuss mo sa'min! anong kinalaman ng Marketing do'n? 

"Hindi naman po ma'am. Medyo inaantok lang po, galing po kasi ako sa work kanina." Pagsisinungaling ko. Wala talaga akong pasok tuwing monday hanggang Wednesday dahil iyon ang pasok ko sa school tapos simula thursday hanggang sunday ay nagtatrabaho ako sa coffee shop. 

"Okay. You may seat, next time kung hindi kayo makikinig sa akin pwede na kayong lumabas ng room. I don't want to see my students sleeping, yawning and not listening." Mataray niyang wika. As if namang marami talaga siyang itinituro sa amin. My God. 

After niyang ikuwento ang naging karanasan niya sa huli niyang boyfriend na medyo ikinabitter ko dahil may forever kay ma'am... nagbigay na siya ng individual projects for this mid-term. Bawat student ay bubunot sa fishbowl at sa isang maliit na yellowpad naka sulat ang project mo. Sana SWOT analysis na lang sa'kin para madalidali dahil wala naman akong free day para gumawa ng isang mahirap-hirap na project like interview with a business owner tapos gagawan ng report pa iyon at kung anu-ano pang akaartehan sa buhay... 

"Mr. Dela Fuente? it's your turn..." Wika ni ma'am habang hawak ang huling maliit na yellowpad paper. Habang naglalakad ako papunta sa direksyon ni ma'am ay unti-unti namang nanlalamig ang mga kamay ko. My God. 

Sana suwertehin ako this time...

Kinuha ko na sa kamay ni ma'am ang papel at muling umupo sa inuupuan ko. At nang bukasan ko ang papel...

Get to know Mr. Fordoson Salvatore in one month. 

Fuck sino ba tong lalakeng 'to na pang mayaman ang pangalan? "Leche talaga 'to si ma'am." Kung anu-ano na lang ang pinapagawang project, buwisit!

The Five Hot Men~Book 1 (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon