#thefivehotmen~Seven

1.3K 66 15
                                    

"Good morning Mr. Dela Fuente." bati ni ma'am nang makapsok ako sa room. Mukhang nasa akin ngayon ang korona ng pagiging maaga pumasok. Congrats to me.

"Good morning din ma'am." bati ko rin sa kanya saka inilapag ang bag ko sa plastic na upuan.

"By the way, may tanong ako about your project." kinuha niya yung folder sa malaki niyang handbag na pinasa ko sa kanya nung nakaraan. "Paano mo nagawa itong project mo in a short period of time? honestly it takes a month to finish this." wika ni ma'am na may tonong parang may gusto talaga siyang malaman.

"Mahabang istorya ma'am e." sagot ko na lang. Well, totoo naman na mahabang istorya at saka ayaw ko pang malaman niya na dahil sa hinalikan ako ni Rutherford kaya napa bilis ang pag gawa ko sa project. Baka isipin niyang isa kong baklang pokpok.

"Okay." ngumiti siya at napa buntong hininga. "Oo nga pala, in addition sa project mo. You have to get close with Mr. Salvatore and report everything sa tuwing magkakasama kayo." what!? nakakaduda na 'to si ma'am ah...

May gusto ba siya kay Rutherford? may balak ba siyang maging sugar mommy ni Ruther? grabe kasi 'to si ma'am sa mga pingagawa niya e. Kung alam niya lang na nawala yung first kiss ko at ang pinakaiingatan kong virginity. Sa totoo lang, hanggang ngayon medyo kumikirot pa tong pek pek ko sa likod. Mi gad.

"May problema ba Mr. Dela Fuente?" lumapit sa akin si ma'am at ngumiti. "Don't worry dear, I'm giving you an extra points after this." Tinapik niya ang balikat ko at tumalikod sa akin.

"Um ma'am..." sambit ko saka humarap ulit sa akin si ma'am.

"Yes Arsi?"

"Ay wag na lang po..." gusto sanang itanong kung may hidden agenda ba tong matandang 'to kay Ruther para naman naiintindihan ko ang mga pinapagawa niya sa'kin.

"Good morning ma'am." bati ng classmate ko na kakapasok lang ng room. Pareho kami ni ma'am na napatingin sa pinto.

"Tandaan mo yung sinabi ko sa'yo." wika ni ma'am bago siya bumalik sa desk niya.

Nagdaan ang ilang oras na discussion, surprise quiz at exam. Sa wakas, ito na ang panghuling subject. Makakatulog ako ng mahaba-haba ngayon dahil dayoff ako today. Hihi. Aayain ko kaya si Isha later mag malling?

"Class dismissed." Deklara ng aming professor sa Markerting Management. Inayos ko na ang mga gamit ko nang mag vibrate. May tu-ma-ta-wag.

"Hello ma?" sambit ko sa kabilang linya.

"Anak, kailan ka ba pupunta dito sa bahay? miss na miss ka na namin ng papa at kuya mo." nagaalalang wika ni mama sa kabilang linya.

"Uhhh... ngayon ma tutal wala naman akong pasok ngayon sa cafè." narinig kong natuwa si mama sa kabilang linya.

"Sige anak pinagluto kita ng favorite mong spaghetti na may cornedbeef na maraming cheese na naka patong sa ibabaw." kuwento ni mama. Parang nagutom tuloy ako ngayon. Masarap talaga mag luto ang mama lalo na pag spaghetti, pancit, palabok at pancit malabon.

"Sige ma, excited na akong kainin lahat 'yan hehehe." takam na takam na talaga ako. After almost one year matitikman ko ulit ang spaghetticon ni mama, every birthdays ko lang kasi linuluto 'yon ni mama, para daw hindi ako magsawa sa luto niyang 'yon.

"Magiingat ka ha."

"Sige po ma, bye!" at ibinababa na namin ang tawag.
_____

Pagkababa ko ng tricycle ay nagbayad na ako ng pamasahe. "Ma? pa?"

"Kuya?" nakangising epal ni kuya After. Hindi talaga nagbabago tong gurang na 'to.

"Che! nasaan ba sila mama?" untag ko sa kanya.

The Five Hot Men~Book 1 (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon