#thefivehotmen~Three

1.3K 79 12
                                    

Dahil sa excitement nagising ako ng maaga. Excited ba ako dahil titira na ako sa puder ng gwapong maldito na si Rutherford? o dahil naniniwala ako na may business trip si Rutherford ngayon at isasama niya ako?

Basta excited ako, period.

Habang hinihintay ko ang itinakdang oras ng aking prinsipe ay nagluto muna ako ng almusal dahil anumang oras ngayon ay lalabas na ang hampaslupa kong kaibigan at maghahanap ng pagkain. "Arsi!!! May pagkain na ba!?" Sabi na nga ba e. "Ang aga mo na naman teng?" Umupo siya sa silya. Tadyakan ko 'to sa panga e.

"Syempre teng gusto kong ipagluto ang mahal kong kaibigan ng isang masarap na almusal." Labas sa ilong kong wika. Umikot naman ang mata ng bruhildang Isha.

"Sus Arsi wag ako. Ang sabihin mo hindi ka na naman nakatulog kagabi dahil iniisip mo na naman yang Rutherford Salvatore mo!" natatawa niyang wika saka itinaas sa silya ang dalawa niyang paa, inilapag ko naman sa harap niya ang isang platito ng strawberry pancake. "Ang bango ng pancake mo teng. Pwede na kayong mag-asawa ni Rutherford."

"Tch! Isha wag mo nga akong inaalyiw. Kamusta na yung interview mo kahapon kay Fordson Salvatore?"  Untag ko habang nagsasalang ako ng pancake sa pan. For sure hindi na virgin si bakla. Chos.

"Ah-ahhh. W-walang nangyari." napatigil siya sa pag lantak ng pancake nang tanungin ko siya tungkol do'n. Humm mukhang tama ang hula ko.

"Bakit may sinabi ba akong may nangyari sa inyong dalawa?" pilya kong tanong at binaliktad ko ang pancake na nasa pan.

"W-wala..." umiwas siya ng tingin sa'kin at sumubo ng pancake. "Nag kiss lang kami... french kiss." well, hindi na ako nagulat dahil sanay na si Isha sa mga ganyang bagay. Sa aming dalawa, siya ang mas aggressive sa mga boys at ako naman yung baklang pa-demure.

"Sabi na nga eh..." Inilipat ko na ang huling pancake na linuluto ko sa plato saka nag tanggal ng appron at umupo sa mesa.

"Oy Arsi grabe ka sa'kin ha!" kumurot siya ng maliit sa pancake, binilog at binato sa'kin. Bastos.

Pagkatapos namin kumain ay naghugas na ako ng mga pinagkainan namin, usually siya ang naghuhugas dahil ako ang taga luto pero since malapit na siyang ma-late at ako naman ay naghihintay lang sa amo ko, ako na lang muna.

Nakakapag taka lang dahil sa unang pagkikita namin ni Rutherford alam na agad niya ang infos ko. Sa tingin ko giniblak ni ma'am lahat ng nalalaman niya tungkol sa akin sa lalakeng 'yon. Aanhin naman ng lalakeng yun ang mga detalye sa akin? souvenir?

"Bye teng aalis na ako!" nagmamadaling paalam ni Isha sa akin. Halatang gusto nang makita ang sugar daddy niya. Kaloka. "Mamimiss kita muwah! muwah!" pahabol pa niya.
-------
Alas nueve na pero wala pa ding Rutherford na dumadating para sunduin ako. Siguro joke niya lang yun para pakabahin ako kahapon. Mas maganda na rin dahil hindi ako mawawalan ng trabaho sa cafè at tuloy-tuloy pa rin ang tahimik kong buhay. Ibabalik ko na lang tong mga damit ko sa lagayan. Siguro napagisip-isip niyang kawawa naman ang isang baklang tulad ko.

"Beeep! Beep!"

Nagulat ako nang may bumusina ng malakas sa labas ng bahay ni Isha. Kumaripas ako ng takbo para tignan kung ano yun. Isang itim na kotse na naka park sa tapat ng bahay ni Isha. Bumukas yung pinto ng driver's seat, lumabas si Rutherford na naka white shirt, khaki shorts at susyaling tsinelas. Mas napa nganga ako nang tanggalin niya yung aviator shades na suot niya at isinabit sa shirt niya. Feel the heat of summer. Gahd.

"Let's go?" ngumiti siya at lumapit pa sa akin.

"Ang tagal mo, kanina pa ako naghihintay." wala sa sarili kong wika na ikinangiti niya. Bakit ba kasi siya ngiti nang ngiti? baliw na ba siya? eng gwepe nye kese.

The Five Hot Men~Book 1 (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon