#thefivehotmen~Four

1.2K 64 8
                                    

Baliw siya. Sobrang baliw. Hindi lang pala siya baliw kundi manyakis din. Pati ba naman bakla pinagtitripan niya. Hayop. Dalawang araw na ang nakakalipas matapos ang insidenteng 'yon, dalawang araw na din akong hindi makatulog dahil sa ginawa niya. Hindi dahil nagustuhan ko yung halik niya kundi kinuha ng lalakeng hindi ko gusto ang una kong halik. Baliw siya. Pero maganda nga't nangyari 'yon dahil hindi na natuloy ang kakaiba kong 'trabaho' sa kanya at natapos ko agad yung project ko, ipina deliver niya kasi dito sa bahay ni Isha lahat ng informations na kakailanganin ko. Pero kahit may 'sorry' letter na naka attach doon sa mga papel na pinadala niya dito, hindi ko pa rin siya pinapatawad. Kwinento ko na 'to kay Isha pero ang sinabi niya lang ay... ang arte mo naman teng, ikaw na nga yung hinalikan ng gwapo at mayamang boylet. E sa hindi ako sanay sa ganoon. Kahit yung una kong boyfriend hindi pa ako nahahalikan dahil hindi ko siya pinapayagan. Pretty ko naman pala.

"Class dismissed." parang pumalakpak ang tenga ko nang ideklara ni ma'am na tapos na ang klase. Ito ang last subject ko kaya didiretso na ako sa cafè para mag banat ng buto. Doon na lang ako sa store magpapalit.

"Magandang araw anak!" bati ni mang Ferns pagkapasok ko ng store. Siya ang tatay tatayan ko dito sa shop. Super close kami niyan ni manong, naaalala niya daw kasi sa'kin yung anak niya na katulad kong beki na namatay sa murang edad dahil sa sakit na cancer.

"Magandang araw tatay Ferns!" tugon ko sa kanya na may wide smile sa aking labi. Ngumiti lang si tatay bilang tugon. Siguro kung siya ang naging tatay ko lahat ata ng kabaklaan ko ay susuportahan niya. Naaalala ko pa nga nung birthday ko, rinegaluhan niya ako ng matte lipstick. Supportive tatay.

"Sige po magbibihis na ako, baka pagalitan ako ni ma'am." tumungo lang siya bilang tugon dahil may pumasok na customer.

Nagtungo ako sa c.r para mag bihis. Lumabas din agad dahil ilang minutes na rin pala akong late, next time hindi na ako maglalakad. "Magandang araw ma'am! Welcome to Kopi ng Bayan!" bati ko sa babaeng customer. May nakita akong isang bulto ng lalake sa labas ng shop pero ibinaling ko agad ang paningin ko sa customer na kausap ko. Nevermind.

Napa tingin ulit ako sa labas. Parang si Rutherford talaga e. "Thank you ma'am. Heres your change po." binigay ko sa babae yung sukli at order niya pero hindi ko na makita yung lalake sa labas.

Makalipas ang tatlong oras nag break ako. Lumabas ako ng store para mag yosi habang pinagmamasdan ang mga busi-busihan na tao na pabalik-balik ang lakad. Pagyoyosi lang naman ang bisyo ko pero hindi ako umiinom, ginagawa ko 'yon para mag bawas ng stress.

"Bading, pasindi nga." nagulat ako nang may mag salita sa gilid ko. Ay, bongga ang fes, gwapo. At mukha siyang band member dahil sa dala niyang gitara at porma. Sinindihan ko yung yosi niya gamit yung yosi. "Salamat ding." pasasalamat niya, ngumiti lang ako bilang tugon. "Andres." sambit niya. Hindi ko magets, pangalan niya ba yun o favorite hero niya? enebe.

"Arsi... Muñoz." biro ko pero mukhang hindi havey sa kanya dahil hindi man lang siya ngumiti o tumawa. "Joke. Arsi Dela Fuente." pagtatama ko. Bakit kaya ang seryo-seryoso ng mukha niya? siya ba ang reincarnation ni Andres Bonifacio?

"Alis na 'ko." nagulat ako nang bigla siyang umalis sa tabi ko. Sobrang korni ba talaga ng joke ko? may gad. Di bale, sa susunod na pagkikita namin sisiguruhin kong nakakatawa na talaga yung joke ko.

Parang bigla ko tuloy namiss si Rutherford. Parang biglang pumasok sa isip ko yung manyak na 'yon. Siguro kung hindi nangyari sa'min yung sa parking lot siguro sa kanya ako ngayon nagtatrabaho at puro paghihirap ang matatamo ko sa kanya. Mukha pa naman siyang psychotic na boss. Hindi ko naman inaasahan na himatayin ako sa kumpanya niya tapos bigla bigla na lang niya akong sisingilin sa mga ginastos niya sa akin. Tapos bibigyan na lang ako ng trabaho bilang pambayad sa utang ko pero babayaran niya daw ako ng triple sa sinasahod ko dito sa cafè. Tsk. Arsi, kalimutan mo na siya.

Pagkatapos ng break ko ay bumalik na ako sa loob. "Arsi?" tawag sa akin ni ma'am na naka tayo sa pinto ng office wearing her gorgeous smile. Nakuha ng atensyon ko ang hawak niyang bear.

"Yes ma'am?" tugon ko at ngumiti.

"May nagpapabigay nito sa'yo kanina." kinikilig na wika ni ma'am. "Alam mo Arsi ang swerte mong bading dahil may lalakeng nagmamahal sa'yo ng totoo. Samantalang ako babae, walang matinong love life." nagmamahal? Sino? parang wala naman.

"Naku ma'am may dadating pong lalake sa buhay niyo. Mag hintay lang po kayo. Tiwala lang, saka sa ganda niyong 'yan walang nagkakagusto?" ang napaka convincing kong cheer-up kay ma'am. Napa ngiti naman siya sa sinabi ko na mukhang nabuhayan siya ng loob.

"O, heto." inabit na sa'kin ni ma'am yung teddy bear. Tinignan ko yung naka sabit doon na card.

I'm really sorry.

Rutherford

Leche. Kikiligin pa naman sana ako. Impakto pala ang nagbigay nito, pero itatago ko na din dahil ang cute ng bear. Kasing cute nung nag bigay, eme.
----
Alas dyis na ng gabi nang matapos ang shift ko. Nakakapagod, pero kailangan dahil marami akong utang at may babayaran pa akong tuition fee. Kung mayaman lang siguro ang pamilya ko hindi na ako magtatrabaho para sa pang enroll ko at iisipin ko na lang ang pagaaral ko.

Napasinghap ako nang umihip ng malamig dito sa street na linalakaran ko. Bigla akong nanlamig at kinabahan dahi feeling ko may sumusunod sa akin. Liningon ko ang likuran ko, wala namang tao kundi isang susyaling pusa ang sumusunod sa akin. Ang cute. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, sabi pa naman ng mga taga dito maraming lumalabas na mga drug addict dito sa street tuwing hating gabi. Nanigas ang katawan ko nang maramdaman kong may taong naka tayo sa likod ko.

"M-m-m!" shit, may manghoholdap pa ata. Pinilit kong kumawala mula sa pagkakatakip niya sa bibig ko at pagkakayakap sa katawan ko. Napa tingin ako sa braso niya. Naka suot siya ng americana? ang susyal naman ng holdaper na 'to.

"Don't move or I'll twist your neck." mapagbanta niyang wika. At englishero talaga ang pashneang holdaper na 'to. Hinila niya ako pabalik. Sasayaw ba kami ng moonwalk? At nakuha ko pa talagang mag joke sa kalagitnaan ng sulianin?

"Ha... ha... ha..." binitawan na niya ang bibig ko. Impakto pala ang gumawa sa'kin nito. "Anong ginagawa mo!?" irita kong wika habang hinihimas ang panga ko. Feeling ko ma didislocate tong mga buto ko sa mukha.

"We'll having a dinner. Fucking like it or not. Let's go." Bigla niya akong hinila pabalik sa mga restaurant. Maglalakad lang kami?

"Hoy! Bitawan mo nga ako!" parang baliw kong wika habang sinusubukang kumawala mula sa pagkakahawak niya.
----
A/N : Salamat talaga sa inyo, sa votes at comment. Luv yah!

The Five Hot Men~Book 1 (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon