#thefivehotmen~Two

1.3K 69 2
                                    

"She's a girl."

"He's a boy."

"Girl"

"Boy"

"Can't you see, she's beautiful."

"Then why he has short hair?"

"Girls can cut their hair, duh."

"Basta lalake siya."

"Basta babae siya Ruther. Ang ganda nga o."

"Okay, ganito na lang. Tignan natin kung babae talaga siya o lalake."

"Huh? Paano?"

"Edi hubaran natin siya ng pants tapos tignan na..."

"Gago ka talaga Jackson!"

"Puta ang sakit no'n Marcus!

"Fuck, tahimik! gumagalaw na siya."

Punyaterang mga lalakeng 'to. Ang iingay, tinalo pa si ma'am sa kakadakdak. Kaloka. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, bumungad sa'kin ang tatlong nagwagwapuhang lalake. Nakangiti yung dalawa sa gilid ko samantala yung nasa kanan ko parang nalugi ng ilang beses. Anyare kuya?  Teka, siya yung anak ni Mr. Fordson saka siya rin yung may-ari ng Root's Tobacco. Oh my. Mas gwapo pala siya sa personal at ang bango niya, amoy na amoy ko siya kahit nandito ako nakahiga sa kama.

"How's your feeling?" Masungit na tanong ni Ruther. Yung totoo, concern ba siya o napipilitan lang? So siya pala yung lalakeng nakasalo sa'kin kanina sa ground floor ng Root's Tobacco nung himatayin ako. Gahd, ang pretty ko na!

"Medyo okay naman na ako. Thank you pala." Ngumiti ako sa kanya pero hindi siya tumugon sa sinabi ko, naka poker face lang. Ganito pala ang ugali ng lalakeng 'to, may pagka suplado. Pero ang hot niya sa ganoong attitude. Grrr!

"No problem." Sumagot yung isang boylet na bortang singkit with matching kindat." Kung hindi lang siya gwapo babarahin ko agad 'to. Pere meserep den siye e."Babe." Pahabol niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, totoo ba ang narinig ko? Babe daw.

"Ah, miss. Wag kang magalala, nag bibiro lang tong manyakis na 'to." Wika nung lalakeng makapal ang kilay habang naka yapos-sakal siya do'n sa leeg nung bortang singkit na tumawag sa'kin ng babe. Miss daw? gano'n na ba ako kagandang bakla at nagmumukha na akong babae?

Charot

"Enough Jackson, Marcus. Umalis muna kayo, may paguusapan lang kami." Seryosong wika ni Ruther sa dalawa na ikinalungkot ng mukha nung lalake na nag babe sa'kin. Sino kaya siya? Si Jackson o si Marcus? well kahit sino man sila dyan e gwapo silang pareho.

"Kita tayo mamaya miss!" Pahabol nung lalakeng 'miss' ang tawag sa akin. Ngumiti ako ng parang natatae sa kanya sinamaan naman siya ng tingin ni Rutherford. Feeling ko tuloy namula yung mukha ko.

"You have to pay me." deretsong wika ni Rutherford. Bigla naman akong pinagpawisan sa sinabi niya. Nagbabayad pa nga lang ako ng mga utang ko ngayon tapos sisingilin niya ako ng ganyan. Bigti na bes.

"Para saan?" maang-maangan kong tanong sa kanya na ikinakunot ng noo niya. Pinilit kong iangat ang katawan ko para pakinggan siya ng maayos pero biglang kumirot ang ulo ko kaya napahiga ulit ako.

"Tss. The hospital bills, medicine, gas, my time and effort. You have to pay those." nag ekis siya ng braso at tinignan niya ako ng taimtim. Gahd talaga, pati time at effort binabayaran pa talaga. Kaloka. "Dahil sa'yo pwedeng malugi ang company ko. I've lost three major meetings today."

"I-I'm sorry." paawa effect kong pag hingi ng tawad sa kanya.

He rolled his eyes then released a deep breath. "Walang magagawa ang sorry mo. Kailangan mo akong bayaran or else... babagsak ka sa project mo." Jusko, pati ba naman yung project ko pinaginitan.

The Five Hot Men~Book 1 (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon