#thefivehotmen~Eight

1.2K 60 8
                                    

Tinext ko sila mama at papa na bigla akong tinawagan ng boss ko kaya umalis ako baka kasi ma-windang sila bigla na nawawala ang diwata nilang anak. Tinext ko na rin kay ma'am yung mga ginawa namin ni Ruther last week saka ngayong araw para hindi na ako mahirapan na isipin sa mga susunod na araw ang mga ginawa ko.

Going back, halos masuka-suka na ako sa hilo. Paano ba naman... ang bilis-bilis magpatakbo ni mokong ng kotse, naihipan na naman siguro ng masamang hangin yung ulo niya. My goodness.

Kasalukuyang natutulog sa hita ko si Wenster na pinagalitan ng topakin niyang tito dahil kumakanta lang siya ng lullaby song. Tsk! tsk! Hindi pwedeng magkaanak 'tong si Ruther, walang mahabang pasensya sa bata. Well, lahat naman siguro ng lalake ganoon. Oh, may isang bagay pala na mahaba sa kanya. Hihi.

Oo nga pala, bakit kaya niya sinabi kanina na "I need you?" ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin? karat? service? blowjob for three rounds? edging ko siya?

Aish! Ang bastos talaga ng bibig mo Arsi!

Going back ulit, wala akong ka-clue-clue kung anong gagawin namin ngayon dahil simula nung natulog sa sama ng loob si Wenster hindi na kami nag-usap.

"Tik tok!" Nag reply si ma'am.

From: Ma'am

Good job. By the way, don't let Mr. Salvatore know about your extended project. :)

To: Ma'am
Okay ma'am. Thanks.

Actually, naguguluhan na talaga ako sa matandang 'to. Hindi man lang niya ine-explain ang mga bagay bagay. Nyemas.

"Buhatin mo na si Wenster." Utos niya. Salvatore Towers. Woah. Apelyido nila ang naka pangalan sa dalawang magkarugtong na naglalakihang building sa harap namin. Ganito ka-yaman ang pamilya ni Ruther? nakaka excite tuloy bigla malaman kung ano pa ang mga pagaari nila.

Binuhat ko si Wenster na tulog na tulog pa din at itong tito niyang gentleman ay nauunang mag lakad sa akin. Buset.

"Hoy! saglit lang!" Sigaw ko kay Ruther. Lahat ng mga empleyado na nag ba-bow sa kanya ay napa tingin sa akin. Problema niyo?

Tumingin lang sa akin si Ruther ng mapang asar at dumiretso ng lakad saka tumigil sa tapat ng elevator. Wala talaga siyang balak tulungan akong mag buhat kay Wenster. "You need help Arsi?" Nagulat ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ng
lalake sa likod ko. Nahirapan akong harapin siya dahil medyo malaki si Wenster at mabigat.

"Andres?" Namangha ako sa suot niya ngayon. Naka pormal siyang damit. "Anong ginagawa mo dito?"

"Empleyado ako dito." Simple niyang wika. Kukunin niya sana si Wenster sa akin pero iniwas ko ang bata.

"Naku, nakakahiya naman sa'yo. Pormal na pormal ka tapos pagbubuhatin lang kita ng bata?" Nahihiya kong sambit sa gwapong binata.

"It's okay. Nagbubuhat din ako ng mga pamangkin ko." Natatawa niyang wika. Buti pa itong si Andres, gentleman. E yung ugat na 'yon hindi man lang ako hinintay.

"Good evening manager." Bati ng grupo ng mga babae na nag bow sa kanya. Ngumiti lang siya sa mga merlat bilang tugon. Woah, manager siya dito? Bumaling ulit sa akin ng tingin si Andres nung umalis na yung mga babae. "Tulungan na kita." This time nakuha na niya sa akin si Wenster, wala na akong nagawa dahil medyo mataas siya sa akin at malakas.

Tahimik kaming pumasok sa elevator at hinintay na tumigil sa pinaka tuktok ng tower. Pinagmamasdan ko lang si Andres, may na-realize akong isang bagay. Ang gwapo pala talaga niya at mas lalo siyang guma-gwapo kapag naka suot siya ng formal attire. Sheyt. "Ate Arsi, why are you staring at mister manager? Is he pogi ba like me?" Fuck. Biglang nanigas ang katawan ko dahil sa biglaang tanong ni Wenster. Hindi ko man lang namalayan na nagising na pala siya sa balikat ni Andres, ganun na ba ka-focus ang mata ko sa lalakeng nasa harapan ko? nakakahiya ka Arsi.

The Five Hot Men~Book 1 (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon