Kedry P.O.V
"Nathan! NAAAAATHHHAAAAAN!"
Walang tigil sa pagsigaw si mama dahil sa sinapit ng kaisa isa niyang apo. Ako nama'y nanliliit ako sa sarili ko dahil sa nangyare dahil alam ko ako ang may kasalanan kung bakit niya ito ginawa. Siguro dahil sa pagmamaltrato ko sakanya. At di na niya nakayanan.
Napahagulgol na din ako sa iyak habang yakap yakap ko ang sarili ko na nakaupo malapit sa altar kung saan naroroon si Nathan. Ayokong makita ang anak ko. Ayaw kong makita ang bunga ng kasalanan ko. Sobrang sakit. Sobrang sakit. Bakit ganito? Pinaparusahan niyo po ba ako Panginoon?
Alam ko pong wala po akong karapatang humingi ng tulong pero... Ibalik niyo na po si Nathan. Ibalik niyo na po siya sa amin. Sa akin.. Sobrang nagsisisi na ako. Sobrang sobra. Galit na galit ako sa sarili ko dahil kelangan pa humantong sa ganito bago ako matauhan sa mga kasalanang nagawa ko sa anak ko. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Naguguluhan ako. Dahil sa ngayon para akong tinutusok ng milyong milyong mga patalim sa likod. At paulit ulit ang pagsakit at pagsikip ng dibdib ko.
Di ako makapaniwalang wala na ang anak ko. Ang kaisa isa kong anak. May nagabot sa akin ng panyo at tumingala ako para tingnan ito.
"Ayaw na ayaw po ni Nathan na nakikita kayong malungkot tita." Ang sabi ng batang babae na kaharap ko.
"Sino ka ba? At bakit kilalang kilala mo si Nathan?" Ang tanong ko dito.
"Classmate niya po ako. And at the same time, best friend na din po. Lumapit po siya sa amin para humingi ng tulong para sorpresahin kayo. Pero lingid po sa kaalaman ko na hahantong ng kamatayan ni Nathan ang mangyayare." Ang naluluha niyang sambit. Niyakap ko siya kaagad.
Naaalala ko si Nathan sa itsura niya. Sobrang cute na bata ni Nathan. Sobrang nakakamiss. Gustong gusto ko siyang yakapin at sabihin sakanyang mahal ko siya pero.. Now, I don't have the chance to tell him cause he's already gone.
"Anak pwede ba kitang mayakap ng mas matagal pa? Feel ko kasi ikaw si Nathan eh." Ang sabi ko sa bata. At saka ako kumalas.
"Opo. Pwedeng pwede po. Alang ala kay Nathan." At napaiyak na naman ako sa sinabi niya. At agad ko na naman siyang niyakap.
"Mahal na mahal kita Nathan." Ang bulong ko.
"Mahal na mahal din po kayo ni Nathan." Ang sagot nito sa akin kaya nagulat ako at napakalas kaagad sakanya.
"Anong sabi mo?" Ang di makapaniwalang tanong ko sakanya.
"Mahal na mahal po kayo ni Nathan. Walang araw po sa school na di ka niya kwinento. Pinagmamalaki ka pa po nga niya eh. Sana ganun din kalakas ang loob ko sakanya." Ang malungkot na sabi nito.
Di ko parin maiwasang hindi umiyak dahil sa dami ng kasalanang nagawa ko sakanya. Nagawa pa niya akong mahalin, At patawarin. Napahagulgol ako sa pag-iyak at agad naman akong niyakap ng batang babae.
"Mama. Tama na po please!" Ang pagmamakaawa ko kay mama dahil wala na siyang tigil sa paghagulgol at pagsigaw sa harap ng kabaong ni Nathan.
BINABASA MO ANG
The Story Of The Forgotten Child (Short story)
HumorA very sad story of a child. Let us witness the child's life. A short yet inspirational story. ~*~ Please support.