Chapter 29 - Old Fashion Frat-man

172 3 0
                                    

"Opo tita, paalis na po,"

Katawagan ko si tita, 9 am ready na ako para umalis at umuwi kila tita, alam niyo bang 7am pumunta dito si Devon? at tulog na tulog pa ako, tinadtad lang naman niya ako ng missed calls, kaya nagising ako ng tuluyan,

Hindi pa ako naliligo, kaya sinigawan ko si Devon na nakatayo sa labas, pero sabi niya, so what kung hindi pa daw ako naliligo, hidni naman daw siya mandidiri or what, o diba, hidni ko lang alam kung totoo ba yun o plastik lang haha,

Ganyan talaga ang boyfriend, loving the perfect imperfections,

Kinuha ko yung mga damit ko at sa banyo na ako nagdiretso magbihis, alam kong lalaki din to, baka atakihin ang alam niyo na,

Naabutan ko siya kanina sa kama ko nakahiga at mukang pagod bumiyahe hanggang dito, hello! 20 minutes lang naman ang layo niya dito no,

Nakapagimpake na rin ako kagabi kaya alis time na lang ngayon, 

Ginising ko nga si Devon kanina pero bigla nalang niya ako niyakap at nasa ibabaw niya ako, tumabi ko ng mabili ang puso ko, umagang umaga busog na ako sa abs na breaksfast ko haha,

"Surely, I'm gonna miss you." sabi niya pa habang nakapikit,

Kaya lang biglang tumawag si tita at di natuloy ang display of affection namin, 

-

Nasa kotse na kami at tinuturo ko yugn daan papunta sa bahay nila tita, malayo din ito mga 45 minutes away sa apartment ko

"Tell me, ilan ba relatives mo don?" 

"Hmm, tatlo tita ko don tapos limang bata, tsaka isang tito ko, yung dalawang tito ko nasa ibang bansa, tapos yung limang bata anak nila tita,"

"I see, so close naman kayo?"

Hmm, tinatanong pa ba yan?

"Oo naman, siguro ngayon baka batukan ako ni tito dahil sa pagkamiss sa akin, yung limang pinsan ko, mga bata yun eh, syempre ako ang unang apo at unang pamangkin kaya spoiled din ako sa kanila,"

"I want to meet them kaya gusto kitang ihatid,"

Dahil doon, napatingin ako sa lalaking nagdadrive at napangiti, WOW lang ang nasabi ko sa sarili ko, kala ko naman ang isang frat leader na katulad niya, hindi style ang gano pagdating sa pag-ibig, kala ko lahat patago,

 -

"Dyan sa gate na brown." sabi ko

Malaki tong bahay, naghati hati sila tita at tito, gusto nila sa isng bahay lang sila, para daw happy family, since wala na daw sila mama at papa, dapat sila ang kasama ko at hindi dapat hiwahiwalay, mahal na mahal ako eh,

Pagbaba ko ng kotse,

"MAMA!!!! ANDITO NA SI ATE!!!!!!!!" si Chichi nandun sa garden, naglalaro kasama sila Charmie, AJ, Dimples at Louise,

Destiny meets Devon (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon