Chapter 38

103 1 0
                                    

Hi pasensya na short update lang 'to, nagdadraft na kasi ako para matapos an eh HAHAHA, anyways, happy reading!

Please do comment and vote!

-

Nagising ako sa isang madilim na kwarto, wala akong makita, bumangon ako, at nakarinig ako ng boses mula sa labas.

"Kung iiwan ko ba siya, hindi nyo na siya idadamay dito?" 

T-Teka si Devon ba iyon? boses niya yun diba? alam ko ang boses niya kilalang kilala ko iyon.

"Devon?" tumakbo ako palabas ng kwarto.

Paglabas ko nakita ko siyang naglalakad palayo.

"Devon!!!" 

Hindi ba niya ako naririnig? 

Nilakasan ko na ang boses ko, "Devon!!!"

Huminto siya...at lumingon sa akin...

Pero sa paglingon niya, unti unting nag-iba ang itsura niya, bakit ganon?

"Bryan?"

Nagfade na lahat sa paligid ko..at.si Bryan, unti unting nawala...

"Hmhm.....Devon!"

T-Teka...panaginip lang? hindi totoo? panaginip lang....pero bakit ako nandito? Sa...sa bahay nila tita?

"Anong bang nangyari?" bulong ko.

Nasa kwarto ako. Ako lang mag-isa. Ano ba nangyari?

Tinignan ko ang orasan sa kwarto ko. 7pm? gabi na.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto.

"Destiny!" bungad sa akin ni Nam.

"Nam? Bakit ba ako nandito? Saka bakit ka nandito?" nasa sala siya at nandoon din sila tita at tito.

"Nahimatay ka kanina. Tama bang maglaro sa ulan ha?" sabi ni Tito Dee.

Ulan?. Hanggang ngayon pala malakas pa ang ulan.

Napakunot noo naman ako. Naglaro? Sa pagkakaalam ko...

Kasama ko si Ivan... kanina, at dapat susunduin ako ni Devon.

"Oh. Ok ka na?" nanlaki ang mata ko sa nakita kong pumasok sa pinto.

"P-pati ikaw Ivan?"

"Ayan buti na lang nakita ka niya. Kundi para kang basurerang naliligo sa ulan." sabi ulit ni Nam.

"Hinimatay ka kanina. Wala kang naalala? Hindi ko alam kung saan ka nakatira. Kaya kinuha ko ang phone mo at tinawagan si Nam, ayun sinundo tayo ng tito mo." paliwanag ni Ivan,

"T-talaga?" tumango ito.

Pumunta kami ni Ivan sa living room kila tito. Tumabi ako kay Nam at si Ivan doon sa solo na sofa.

"Ano ok ka na ba?" tanong ulit ni Ivan.

"Oo, ok na siguro."

"Tatawagin ko tita mo, nang makakain na tayo." tumayo si tito Dee at pumutang kwarto.

"Ano ka ba naman Des? Kailangan ba nagdadrama sa ulan? Alam kong depressed ka pero sana ilugar mo naman."

"Si Devon ba dumating dito?"

"Ha? hindi bakit?"

Napatingin ako kay Ivan. Umiwas siya.

"W-wala."

Hindi nga talaga siya dumating. Chineck ko ang phone ko. Walang bahid ng text o tawag niya.

"Gusto niyong kape?" alok ni Nam. "Kailangan mo yun Des." tumayo siya at pumunta sa kitchen.

Destiny meets Devon (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon