Chapter 30 - I'll Miss You

157 3 0
                                    

Dinner,

"Pareho kayong Psychology?" tanong ng tito ko, time check 7pm, nandito kami sa dining table, katabi ko nga pala si Devon, at nakauwi na rin sila tita By at Cee, ngitian nga pala nila ako kanina ng kakaiba parang.. hay nako kaloko talaga,

"Opo."

"Eh di naging crush mo siya ng 4 months Devon?" dagdag pa ni tito,

"Ano po?"

"Kasi psychology says that a crush only exceeds for 4 months , if it exceeds, you are already in love, edi June, July, August September, October, November nako, sumobra, edi inlove ka nga talaga dito kay kapalaran?" sabi ni tito Dee, abay bumilang pa talaga sa daliri ng buwan para bilangin,

"Tito? parang ewan eh." komento ko, edi siya na psychology ang course, oo psychology din siya, guidance counselor siya sa isang school,

"Totoo kaya yon," 

"Ewan ko sayo sayo tito." 

Nagkwentuhan pa kami matapos yun, ang dadaldal naman kasi ng limang bata dito, ang gulo kahit sa hapag-kainan, eleven kami dito, kaya hindi naman tahimik, itong si Devon medyo awkward pa, pero ang saya sa feeling na kilala siya ng mga tito ko, kilala naman siya nila mama at papa, 

"Kuya Devon! tara sa slide!"-Charmie

"Oo nga!"-Chichi

"Wag ka munang umuwi kuya!"-AJ

"Dito ka na matulog!"-Louise

"Uyyy tabi sila ni ate Destiny!!" Dimples

"Ayeeeeeeee!" sabay sabay nilang sinabi, dahil dun automatic siyang napatingin sa akin at umiwas naman ako, "Ayeeee awkwaaaaaard!" pang-aasar pa nila,

"Tama na yan, tapusin niyo muna yan bago maglaro," pagsaway ni tita By,

"Hindi ka pa uuwi Devon?" tanong ni tita Cee

"Uhm, maya maya na po siguro, makikipaglaro po muna ko," sagot ni Devon na nakangiti pa,

"Ikaw bahala iho, pahinga na kami, Destiny--"

"Opo tita, pahinga na kaya kayo, sure ako hanggang christmas hindi kayo makakatulog! ang ingay na dito, uuwi na kamag-anak natin,"

"Huuu, totoo ba yan kapalaran? nagmamaganda ka lang kay Devon eh" sabay tawa pa ni tito

"Nako tito itulog mo na yan, bwisit to, tita Ey oh!"

"Tigilan mo nga si Destiny, Dee"

Tumayo na sila tita para maglinis, at matulog, ako naman nag-ayos ng pinagkainan, ako na din mag-uurong, 

"Tara na kuya!!!" hila ni Charmie sa braso ni Devon, 

"Ha? eh wait lang, hintayin niyo na lang ako sa labas, tutulungan ko pa si Destiny eh" nangamot pa ito ng ulo,

"Ehh... sige na nga bilisan niyo ha!" lumabas na silang lima, salamat naman at wala ng maingay,

"Anong oras ka nga pala uuwi?" sabi ko habang pinagpatong patong ko yung mga plato at nilagay sa lababo

"I don't know, gusto ko ngang matulog dito, eh ayaw mo naman," sagot naman niya, aba't balak pa ata akong tulungan eh, nilagay niya yung mga baso sa lababo,

"Hindi nga pwede, saka baka nag-aalala mama mo, ako pa malagot niyan,"  nagsimula na akong mag-urong, binuksan ko yung gripo at hinugasan isa isa yung baso,

"Tss. she isn't home tonight." sabi nito at ipinatong ang braso sa gilid gn lababo,

"Ha?"

"Hindi ka ba nakakaintindi ng english? kailangan tagalog lagi? tss,"

Destiny meets Devon (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon