CHAPTER ONE

59 3 0
                                    

Note: biglaan lang po talagang nag pop out sa isip ko ang story na 'to, kaya di ko talaga alam kung maganda ba ang kalalabasan nito.

Some scenes in this story are a bit awkward and uncomfortable for me. Medyo nag mature na kasi yung mga words na ginamit ko compared with my other stories. Haha
But, for the sake of the this story's flow, pinilit ko parin, kaya baka medyo trying hard. Hahahahaha

Pero sana, magustuhan niyo parin.

Enjoy! :)

---

Em

I'm lucky I'm in love with my best friend...

Napapa-iling nalang talaga ako sa tuwing maririnig ko ang lyrics ng kantang yan.

Why?

Eh shempre! Sino ba naman kasing swerteng tao ang nainlove sa best friend niya? Ang malas kaya nun! Dahil bukod sa bawal ang maging kayo. Imposible pa.

Kasi di ka niya gusto... Dahil hanggang friends lang kayo.

"Huy Tanga! Tara na." Napailing akong bigla ng maramdaman ko ang pag akbay at pag gulo ng kung sino mang loko loko sa buhok ko.

Narinig niyo ang tawag niya sakin?

Tanga... Bagay na bagay ano? Isa kasi akong tangang nag mamahal sa best friend ko.

Kahit alam ko namang bawal...

Flashback

"May sasabihin ako sayo." Sabay naming sabi ni MJ sa isa't isa.

Siya mukang problemado, ako naman todo ngiti.

"Bakit MJ? Anong problema?" Tanong ko sa kanya.

Bigla naman siyang ngumiti sabay iling "wala. Ano na yung sasabihin mo?"

"Ah sige. Ikaw na muna." Sabi ko naman

"Ikaw na. Ladies first." Naka ngiti parin siya habang nakatingin sakin

Hayst. I took a very deep breath bago muling mag salita "Mj, wag ka sanang magagalit ha?"

"Ano ba kasi yun?"

"Wait lang. Mag promise ka munang di mo ako lalayuan."

"Imposibleng magawa ko yun sayo Em, ikaw? Layuan ko? Di nga kumpleto ang araw ko pag di ka nakikita."

I smile, and again, I took another deep breath "Mj, sorry."

"For what? Ano ba kasing nangyayari Em. Ano bang nagawa mo at nag so-sorry ka? Diretsahin mo nga ko."

"Oo na. Eto na! Sorry, okay? Sorry kasi mahal kita. Mj, mahal kita. Mahal na mahal kita. Higit pa sa pagiging kaibigan, at higit pa sa pagiging best friend ko."

"Anong sabi mo Em? Tama ba ang narinig ko? Mahal mo ako!?"

Gulat na tanong ni MJ sa akin.

I just nod.

"Pero bakit? Diba may boyfriend ka? Mahigit two years na nga kayo eh!"

Si Drix ... di ko parin maalis sa isipan ko ang lungkot sa mukha niya nung nakipag hiwalay ako sa kanya kahapon. Sorry Drix! I love you, pero si MJ talaga ang mas mahal ko.

"Wala na kami ni Drix. Nakipag hiwalay na ako sa kanya. Nagiging unfair na kasi ako sa kanya. Hindi na tama."

"Nakipag hiwalay ka sa kanya dahil sa akin? Dahil mahal mo ako?"

I just nod again.

"Pero hindi pwede." Sagot niya.

Eto na ata yung kinatatakutan kong rejection.

USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon