---
Em
"Kamusta ka?" Tanong sakin ni Drix
Kasalukuyan kami ngayong nandito sa isang mini pizza parlor sa may Airport.
Niyaya niya kasi akong kumain matapos naming magkagulatan kanina. And since mamaya pa naman ang work ko, sumama na lang ako sa kanya.
Muka kasing may importanteng bagay siyang gustong itanong sa akin... sana nga lang hindi ang tungkol sa amin yun.
"Okay lang naman ako. Eto, mahilig pa rin sa pizza." Pag bibiro ko naman.
"Haha. Kaya nga dito kita niyaya eh."
Pucha bakit ka tumatawa? Dapat galit ka sa akin diba?
"Ah. Hehe. Eh, Ikaw naman? Kamusta ka ba?"
"Eto, ayus naman. Right after the graduation, nag punta agad akong ibang bansa, and since then, four years na akong pinapadala ng company namin sa iba't ibang bansa para maging head engineer sa mga malalaking site sa mga countries na yun. Actually nga, eto palang ang unang beses na nag balik ako dito sa pinas mula nung... alam mo na."
Naka ngiti siya, pero... I can see that, there's still pain in his eyes...
Sheez! Eto na nga ba ang ayoko eh.
"Ohhh. So, b-buti naman pala at maayos ang lagay mo." Napatungo nalang akong bigla.
"Em, bakit nga ba?" Tanong niya sabay hawak sa isang kamay ko.
"What do you---"
"Bakit ka nakipag hiwalay sa akin nung araw na yun?"
Shoot!! Itinanong niya na! Wala na!
"D-diba s-sinabi ko n-naman sayo ang t-tunay na dahilan, Drix? H-hindi mo na ba naaalala?" Damn! Nauutal na ako.
"Alin? Yung dahilan mo na hindi mo kaya ang Long distance relationship, kaya ka nakipag hiwalay sa akin?"
"Oo Drix. Yun nga." I said sabay unti unting pag hila ko sa kamay ko.
He put his face in to his palm for a several seconds and 'sigh' "pero di parin ako naniniwala. I know na four years ago na yun, sa totoo nga lang, matagal ko ng sinabi sa sarili kong kalimutan na ang araw na yun. But this time came, dumating 'tong moment na ito, muli tayong nagkita. Tila gusto ata talaga ng tadhana na itanong ko sayo ang tunay na dahilan ng hiwalayan natin noon, kaya ayoko ng palagpasin pa ito, kaya sana lang Em, sagutin mo ang tanong ko. Please? Pag sinagot mo ang katanungan ko, baka sakaling mawala na sa isipan at sa puso ko ang apat na taon nang masakit na memoryang iniwan mo sa buhay ko." He said all of that while looking at me straight in to my eyes.
All of his words are full of true feelings, full of sad emotions and his eyes are begging me, it's like pleasing me to say what's real.
But how? How can I tell him? Paano ko sasabihin sa isang napaka buting taong tulad ni Drix, ang isang walang kakwenta kwentang katotohanang kaya lang ako nakipag hiwalay sa kanya noon ay dahil sa kadahilanang mahal ko siya pero mas mahal ko ang best friend ko, ang best friend kong hindi naman kaya ibalik ang pag mamahal na ibinibigay ko.
Tell me! Someone please tell me! Paano ko maaamin sa isang tao na minahal at inalagaan ako sa loob ng mahigit dalawang taon, isang ideal boyfriend na lagi ako noong pinapasaya at ang isang tulad niyang hindi dapat sinasaktan, ang isang ganung kabobong dahilan lang?
Diba, mahirap!? Di ba masakit!? Di ba ang tanga ko!?
"If it's hard for you to answer, then don't pressure yourself. I can wait, even if it takes another four years or more." He's now saying it with a smile.

BINABASA MO ANG
US
General Fiction"You, Me, US?" Is it really possible? #US (C) All rights reserved By: RaimieleneRD