CHAPTER THREE

31 2 0
                                    

Em

It's been a week since the day na muli kaming nag kita ni Drix.
Since then di pa kami ulit nag kikita, pero madalas na kaming nag kakatext, hiningi niya kasi ang number ko nung hinatid niya akong pabalik sa airport pagkagaling namin sa presinto.

Hindi pa kami ulit nag kakakita kasi para mag karoon siya ng time sa family niya na matagal niyang di nakasama at dahil na din dito kay MJ, bigla kasing naging weird ang isang 'to.

At isa pa, bakit nga ba iniisip ko kung bakit hindi pa kami ulit nag kikita? Bakit kailangan ba? Para saan? Para ba sa closure?

Well, Siguro nga.

Kasalukuyan kami ngayong nandito sa Favorite pizza store ko, si MJ umoorder ako nag tetext.

"Hoy! JESSY MHYLENN BARCELONA JALANDONI, kanina pa ako nag sasalita dito di mo man lang po ako pinapansin!" Sigaw ni MJ sabay kuha sa Phone ko.

Aba gago! Buong buo pa talaga ang pangalan ko!? Baka ii-stalk na nila ako sa Facebook! Bwiset ka MJ!

"Hoy MJ Alcantara, ibalik mo ang Phone ko, may katext ako."

Pero instead na ibalik niya ay binulsa niya pa ito.

Gusto ko din sanang isigaw ang buong pangalan niya, pero alam kong magagalit siya. Bakit? Pinag samang pangalan kasi ng nanay at tatay niya ang full name ni MJ, at ayaw na ayaw niya ang naaalala ang dalawang ito, kaya ayaw na ayaw niya ding naririnig ang full name niya.

"Akin na!" Sigaw ko sa kanya

"Ayoko. Don't worry, pinindot ko naman yung lock button kaya diko siya maoopen, mamaya ko na lang 'to ibabalik sayo kapag naihatid na kita."

"Loko, anong di mo maoopen? Naka save kaya fingerprint mo diyan, at isa pa, ikaw kaya ang nag set ng code niyan, kaya mabubuksan mo din yan, baliw!"

"Eh? Ako ba?" Maang maangan niya pang tanong.

Abnormal daw ako? Eh mas Abnormal nga siya! Badtrip! -_-

"Psh." I roll up my eyes.

"Bakit ba, sino ba kasi yung katext mo? Pansin ko netong mga nakaraang araw lagi ka ng may katext, samantalang dati di ka naman nag lo-load."

"Paki mo ba?" I roll up my eyes again

"Sino nga? Bahala ka, hindi ko ibabalik ang Phone mo pag di mo sinabi! Kaya sagutin mo ang tanong ko. At isa pa, tigil tigilan mo nga yang pag ro-roll eyes mo ha? Para kang nasasapian" pang aasar niya pang lalo sa akin.

"Tsk. Leche talaga! Si Drix!" Iritado kong sagot

"Aba aba! Naks naman. Bakit, kayo na ba ulit nung si Drix?"

Nyenyenye! Nang asar pa si gago. Paano kaya ako makikipagbalikan dun kay Drix eh siya nga 'tong mahal ko. Baliw talaga. Ugh! Nakakagigil namang talaga yang katangahan mo MJ aba! -_-

"Gago! Mag katext lang nag kabalikan na? Di ba pwedeng kailangan lang talaga namin ng closure?"

"Sus. Closure mo muka mo oy! Sa panahon ngayon, ang closure ay way na para sa Oplan, muling ibalik ang tamis ng pag-ibig, kaya di mo ako maloloko, tanga! Hahahahahahahahaha"

Tawa pa. Pag ako nabadtrip ihahampas ko sa mukha niya 'tong baso sa tabi ko.

Mag sasalita na sana ako ng lumapit sa amin yung waiter para ilapag sa table namin ang mga orders ni MJ.

Waaaaah! Pizzas!!! ♡

"Thank you." Sabi namin ni MJ dun sa waiter.

Nag simula na kaming kumain ng mag tanong ako "Hoy bobo, ano bang nangyayari sayo? Ang weird mo."

USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon