MJ
Nasa kalagitnaan na ako ng isang mahimbing na pag kakatulog, ng bigla akong magising dahil sa biglang pag galaw ng kamang hinihigaan ko.
Punyeta! Akala ko lumilindol!
"Arrgh! Ano bang gagawin ko!" Sigaw ng babaeng dahilan kung bakit ako nagising
Tumalon kasi siya sa kama.
Bastos! Di manlang ginalang yung natutulog.
Kasalukuyan siya ngayong nakadapa habang paulit ulit na hinahampas ang kama at sinasabunutan ang sarili niya.
Nabaliw na ng tuluyan ang isang to. Tsk. Kawawa naman.
Bumangon na ako at hinampas siya ng unan.
"Langhiya! Ano bang problema mo?" Iritado kong tanong sa kanya.
Tumingin naman siya sa akin with her teary-eyes.
Bigla naman akong nag alala.
"Hala. Bakit Em, anong problema?" Mahinahon ko ng tanong.
Bumangon naman na din siya at tumingin sa akin.
"Kasi si Drix."
"Aba bakit!? Anong ginawa niya sayo!?" Galit kong tanong.
Binastos niya ba si Em? Pag oo. Aba! Baka mapatay ko siyang hayop siya!
"Wala. Relax ka lang."
"Ano nga kasi?" Mas kalmado ko na ulit na tanong.
She frowned "Gusto niyang makipag balikan sa akin MJ." Halos maiyak na si Em habang sinasabi yan.
Di ko naman napigilan ang sarili ko at...
NATAWA AKO
"Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha! Sabi sayo eh! Hahahahahahahahahahahahahaha sabi na talaga sayo Em! Oplan muling ibalik ang tamis ng pag ibig yan! Hahahahahaha may pa closure-closure ka pang nalalaman diyan ha? Hahahahahahaha ayan! Balikan pala talaga ang gusto! Hahahahahahaha" napahampas pa ako sa kama habang tawa ng tawa.
Langya ang sakit na ng tiyan ko!
Pero isang napakalas na sampal ang nakapag patigil sa akin sa pagtawa.
I look at Em, at talaga namang ang sama ng tingin niya sa akin ngayon.
"Tinatawanan mo pa talaga ako ha!? Ang kapal ng mukha mo!" Sabi niya sabay hampas sa braso ko.
"Bakit ka ba nananakit diyan? Eh salagay nakakatawa kaya." Sabi ko habang nakahawak sa pisngi kong namamanhid dahil sa lakas ng sampal niya.
"Namo! Gago ka talagang hayop ka! Ikaw ang dahilan kung bakit nahihirapan ako ngayon, tapos tatawanan mo pa ako?!?" She said with her amazona look
"Anong ako. Bakit ako? Aba! Baliw ka na nga ata talaga. Wala naman akong ginagawa sayo eh, tapos ako ang sisisihin mo diyan."
"Argh! Yun na nga eh! Wala kang ginagawa pero ikaw ang dahilan." Sabi ni Em habang hinahampas hampas ang unan na hawak niya "nakakainis kasi eh! Bakit ba nagustuhan pa kita! Bakit minahal pa kitang bwiset ka! Pwede namang iba nalang, pwede namang si Drix nalang. Kaso hindi eh! Ikaw pa ang nagustuhan ko. Sakit ka lang naman sa ulo! Tapos ayaw mo pa sakin. Argh! Bobo nakakainis ka. I really don't know why I love you!"
Bakas sa mukha ni Em ngayon ang halo halong emotion. Kitang kita na naguguluhan talaga siya sa nangyayari
Kasalanan ko ba talaga na ako ang nagustuhan niya?
BINABASA MO ANG
US
General Fiction"You, Me, US?" Is it really possible? #US (C) All rights reserved By: RaimieleneRD