Suzielette's POV
"Hoy! Hindi ako halimaw! Pakawalan niyo ako!" Sigaw ko sa mga elves. Tinulak nila ako sa loob ng kulungan.
Ni-lock ng isang elf ang pinto ng kulungan! Jusko! Lulutuin ko sila kapag nakalabas ako dito. >_<
"Halimaw ka! Dyan ka nababagay!" Sabi ng isang elf at umalis na siya kasama ang isa pang elf.
"Bumalik kayo! Palabasin niyo ko dito!"
Pinipilit kong sirain ang lock. Pero bwisit! Sumasakit lang ang kamay ko!
Napaupo na lang ako sa sahig at sumandal sa pader. Hays. Sana nakinig na lang ako kay Prince Kaizer.
Waaaaaaaah! Sana naman tulungan nila ako dito. Ayokong mabulok dito sa loob ng kulungan ng mga elves! T^T
"Fairies, I need you." Sabi ko pero hindi sila nagpakita sakin.
Ano na ang gagawin ko ngayon?
Tumingin-tingin ako sa paligid. May napansin ako sa pader ng kulungan kaya lumapit ako dun.
May nakasulat kaya binasa ko yun.
"Sabihin ang salita, huwag kayong mabibigla. Sumpa ay mawawalang bisa---"
"Suzy!"
Agad akong napalingon at napatigil sa pagbasa. Nakita ko sina Venice at ang mga Prinsipe sa labas ng kulungan.
"Venice!" Tumakbo ako papunta sa kanya.
"Shhh, sshhhhh!" Sabi ni Venice.
"Ngayon, buksan mo na ang pinto ng kulungan." Sabi ni Prince Jayles at lumapit ang isang elf na parang robot maglakad.
Nagulat ako nung binuksan nga niya ang pinto ng kulungan.
"Oh my goodness. Paanong nangyari yun?" Tanong ko. Nakakamangha naman yun!
"Hypnotism." Sagot ni Prince Jayles. Ay oo nga pala! May kapangyarihan pala siyang Hypnotism.
"Salamat!" Sabi ko.
May narinig kaming mga tumatakbo at may nakita kaming mga anino ng mga elves sa pader.
"Tumakbo na tayo!" Sabi ni Prince Marrhieus.
Ayun, tumakbo na nga kami.
"Hulihin sila!" Narinig naming sabi ng mga elves na humahabol sa amin.
"Bilisan natin!" Sabi ni Prince Harold at tumakbo kami nang mas mabilis pa.
Si Venice ang nangunguna sa amin ngayon. Vampire eh. -_-
Bigla kaming napatigil sa pagtakbo nung may mga elves sa dadaanan namin.
"Wala na." Sabi ni Prince Kaizer.
Biglang may tumali sa mga kamay namin. At ang mas malala pa, nilagyan nila kami ng blindfold sa mata.
"Ito ang dapat na iparusa sa inyong mga higanteng halimaw." Sabi ng isang elf.
BINABASA MO ANG
Jewel: The Gem Princess (COMPLETED)
FantasyOnce upon a time, there was a Kingdom where all people lived happily. No problems. No harm. No war. The Queen gave birth to her first baby girl named Jewel. The people were overwhelmed. But sadly, the Queen was gone after giving birth to her child. ...