naranasan mo nang maligaw 'di ba—mapadpad sa isang lugar na kahit kailan man 'di mo pa nadadatnan—at hindi mo alam kung saan ka tutungo, 'di mo alam kung alin ba ang tamang daan; sa daang patag ba o sa daang baku-bako? nagtanung-tanong ka sa mga taong iyong nakakasalubong kung saan nga ba ang lugar patungo sa destinasyon na nais mong tahakin. sinundan mo ang kanilang mga payo at sa wakas narating mo na nga ang lugar patungo sa nais mong paroroonan.naranasan ko na ring maligaw—mapadpad sa isang lugar na kahit kailan man 'di ko pa nadadatnan—at hindi ko alam kung saan ako tutungo, hindi ko alam kung alin ang susundin ko; ang utak ko ba o ang aking puso. nagtanung-tanong ako sa aking sarili kung ano nga ba ang tama, ang mahalin ka o ang iwanan ka. ako'y naliligaw pa rin at 'di pa rin alam kung saan nga ba tutungo.
sinundan ko ang aking puso, pinili kong mahalin ka kahit na pinapaasa mo lang ako. pinili ko iyon dahil umaasa akong kaya ko pang tumungo sa ninanais kong paroroonan at iyon ay ang patungo sa iyong puso
ngunit mali pala ang tinahak kong daan. bumalik ako sa daan kung saan ako'y nanggaling. mahirap man, pinilit ko pa ring bumalik sa dati. sa dating ako na nagbibigay halaga para sa kanyang sarili.
nang ako'y makabalik, tinungo ko na ang kabilang daan. at sa wakas narating ko na rin ang aking nais na paroroonan. at aking napagtanto na mainam palang ako'y maligaw dahil ito'y nagturo sa akin ng mga tamang daanan at mga bagong lugar na hindi ko pa pinaroroonan.
BINABASA MO ANG
bukang-liwayway
Poesíabukang-liwayway simbolo ng panibagong yugto limutin na ang mga sakit at pait tayo'y magsimula ng panibagong kabanata na tanging ikaw lamang ang bida't 'di na lamang puro siya ----------- This book was inspired by R...