Lub....dub....lub....dub....lub.....dub
Ang bilis ng tibok ng Puso niya.
"Ang Ganda niya. Bakit ba ganto ang Nararamdaman ko?" Naisip ni Inigo.
Biglang bumangon si Sophie, dahil na alala niya si Dreigh.
"Inigo, It's nice meeting you. but i have to go" Nanghina bigla si Sophie sa pagtayo. Kaagad nman siyang sinalo ni Inigo pero nanghina din ang tuhod ni Inigo kaya bumagsak silang dalawa sa sahig. Laking gulat nila ng mapansing magkadikit na ang kanilang mga Labi!
Hindi makagalaw si Sophie, ganoon din naman si Inigo, namumula na sila pareho.
Dahan dahang tumayo si Sophie at sumunod nman si Inigo para alalayan siya.
"Im Sorry Sophie"
"Hindi, Pareho lang nman nating hindi sinasadya yon"
"uhmm. Lets just forget that accident. Let's start over again. Uhm. Friends?"
At nakipag kamay si Sophie kay Inigo. Hinatid ni Inigo si Sophie sa kanilang bahay. Natuwa nman ang mommy ni Sophie kay inigo.
"Iho, ang bait mo nman para ihatid ang anak ko. Ang amo pa ng mukha mo. Bagay kayo ng Anak ko:"
"Ma! Nakakahiya sakaniya!" Namumula nman si Sophie at napansin iyon ni Inigo.
"Uhm. No Problem Sophie. Tita, Mauna na po ako:)"
"Sige. ingat ka iho. Dumalaw ka ulit dito ha! :)" At nakangiting umalis ang binata.
"Ma, Hinatid lang niya ako dahil siya ang nakabunggo sakin. Hindi na kami magkikita pa."
"Sayang naman anak. Dahil kung titignan mo, parang tinadhana tlga kayong magkita. Para siyang Knight in shinning armo mo! Ayiiiii. Hahahahaha"
"Ma naman. Hay nako" Umakyat na sa kwarto si Sophie, pero di niya maitanggi na may punto ang sinabi ng kanyang ina.
Buong gabi iniisip niya ang nangyari sa araw na iyon.
"Hayyyyy. Akala ko ba Hindi kami magkikita ni Inigo, na hanggang Textmate lang kame? Aksidente lang ba to o....." Biglang tumunog ang kanyang Cellphone.