Inigo: "GoodEvening! Gising kapa? Di kasi ako makatulog eh"
Sophie: "GoodEvening too Inigo. Pareho pla tayo"
At inabot sila ng madaling araw, Nagkwentuhan at nagpalitan ng Sweet messages.
Simula sa araw na yon, Ang atensyon ni Sophie ay napunta kay Inigo.
Naging madalas namn ang pagdalaw ni Inigo sa bahay nila Sophie na laging may dalang Bulaklak.
"Inigo. paano mo nalamang Jasmine ang Favorite Flower ko?"
"Nagandahan ako nang makita ko sila sa Flower shop, kaya naisip kita at binili ko yan para sayo"
"Wow, what a coincident?"
Simula noon, kahit saan tumingin si Sophie ay tila ba puro tungkol sa pag-ibig at pangalan ni Inigo ang nakikita niya, lahat kulay Pink at Red at lagi nlang siyang Masaya at nakanginti.
Mahal na nga ba niya si Inigo?
Isang araw niyaya ni Inigo si Sophie na mag Picnic sa Park. Nagkataon nman na maraming bulaklak ang namumukadkad sa araw na 'yon kaya naging romantic ang pamamasyal nila.
Bigla nalang umihip ang malamig na hangin, kaya nilabas ni Inigo ang Kanyang Jacket at isinuot kay Sophie.
"Buti nalang pala at dala ko ang Jacket ko:)"
Nagkatitigan silang dalawa at biglang bumuhos ang Ulan. Tumakbo sila sa lilim ng puno para di mabasa, pero naisip ni Inigo "Bakit hindi natin subukang Magsaya sa ulan? :)" Hinawakan niya ang Kamay ni Sophie at nagsimulang magsaya kahit na basang basa na sila.
Naghabulan sila at nang malapit nang mahuli ni Inigo si Sophie nagkataon nman madulas ang daan kaya bumagsak silang dalawa.
Nasa ibabaw ni Sophie si Inigo, nagkatitigan sila ng matagl, namumula nanaman silang pareho.
Sa oras na yon ay bigla namang tumugtog ang isang Love song mula sa jeep na tumigil malapit sakanila. lumaks ng lumakas ang ulan pati na rin ang musika. At unti-unti, lumapit na ang mukha nila sa isa't isa, hanggang sa magkadikit nang muli ang kanilang mga labi.
Umihip ang hangin, humina na ang ulan at nasinagan na sila ng araw. Para bang umaayon ang panahon sa nararamdaman nila.
"Mahal ko na nga siya. Siya nga ang tunay kong Soulmate" Naisip ni Sophie