Chapter 4

263 10 4
                                    

Chapter 4

Second day ko na dito sa FBO. As usual parang hangin lang ako dito. Walang pumapansin. Ito ata ang trato nila sa mga katulad kong hindi biniyaan ng kaswertehan sa buhay. Parang wala silang pake at ang mga titig nila ay parang gusto na nila akong paalisin.

But at least may isang taong nakapansin sa akin. Pero in a jerk way.

Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. That kiss na nagpapatigil sa akin na para akong nahihypnotize. And at the same time makes me wondered. Maraming kahulugan ang mga halik niya na parang through kiss sinasabi niya sa akin na I should remembered. Remembered what?

Nabalik ako sa wisyo ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mr. Guevara ang adviser namin. Nagsimula na ang klase. Napatingin ako sa upuan niya...wala pa siya.. Aabsent ata.

Nabigla kami este ako lang pala dahil hindi naman natinag ang lahat sa biglang pagbukas ng pinto, napatingin lamang sila rito at iniintay kung sino ang taong pumasok. Pumasok roon ang isang lalaki na may nakasabit na headphone sa leeg. That headphone looks familiar. Tuloy tuloy lang siyang pumasok at umupo sa vacant seat na katabi ko. Transferee din ba siya? Nah. Hindi naman siguro, mukhang sanay na kasi sa ganung intrance eh 'yung hindi bumabati sa teacher pagkapasok.

"Why are you late Mr. Zannichi? Why are you absent for the whole week? Where have you been?" mahinahong sabi ni Sir. Oh? Akalain niyo 'yun hindi manlang pinagalitan siya ni Sir. It's so unfair! Ako nga sinigawan pa niya ko sa harap eh. Well..wala naman pala akong karapatan na magreklamo dahil hamak na scholar lang ako. Walang pera..hindi katulad nila..mayayaman.

Hindi sinagot nong Zannichi ang tanong ni Sir. Bagkus ay abala lamang ito sa pakikinig ng music sa headphone niya. Kaya pala hindi ko siya nakita in my first day dahil absent siya nun.

Hindi nalang ito pinansin ni Sir nang bigla na namang bumukas ang pinto at pumasok siya. Tinanong rin siya ni Sir ng malumanay kung bakit late din siya ngunit katulad din nong Zannichi eh hindi siya nakinig at prenting umupo sa kanyang upuan. Mga tao pala dito hindi naturuan ng galang...

---

Natapos ang first class at lunch break na. Umorder lang ako ng sandwich at naisipang pumunta sa garden ng school para doon kumain. Nakita ko kasi ito kahapon nong maupo ako sa tabi ng bintana don sa cafeteria. Napakaganda dito at maaliwalas. Maraming mga bulaklak at may isang puno. Pumunta ako sa ilalim ng puno at doon umupo. Parang nagpipicnic lang ako dito, ang ganda sa pakiramdam. Ang sarap matulog dito.

Inumpisahan ko na sanang kainin ang sandwich ko nang may bumagsak sa HARAPAN KO!!! FALLING ANGEL este falling devil pala... Anong ginagawa niya dito? At bakit siya bumagsak sa itaas?

"Ouch..." napa-aray siya sa sakit at hinimas himas ang bahaging napuruhan ng dahil sa pagkabagsak niya. Tiningnan ko siyang nanglalaki ang mga mata at nakanganga na may hawak na sandwich na dapat ay isusubo ko na sana habang siya naman ay busy sa pag-aasikaso ng katawan niya. Nang bigla siyang napatingin sa gawi ko. O__O

Nanglalaki ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. At dali dali siyang tumayo at naglakad papalayo. Oh? "Anyare don?" I muttered.

Napatingin ako sa itaas ng puno kung saan siya nanggaling at may nakita akong puting pusa roon. Eh? Anong ginagawa ng pusang 'to dito?

Bigla itong lumundag sa harapan ko, bago ito umalis lumingon muna ito sa akin at parang nag smirk siya. Ay ewan baka nababaliw lang ako!

Nang tanghalian na 'yun ay hindi ko na naubos ang sandwich ko at bumalik na sa classroom.

---

Natapos ang klase at ngayon ay nandito ako sa plaza. Dito kasi ako tumatambay, hinihintay ko kung shift kuna sa trabaho ko---malapit lang kasi ito sa fast food restaurant na pinagtatrabauhan ko.

Habang nakaupo sa bench at kumakain ng ice cream--- "Ate, penge po" sabi sa akin ng batang pulubi habang nakalahad ang mga kamay na nagpapaawa effect sa akin. At dahil mabait ako binigay ko sa kanya ang kalahati nalang na ice cream cone---wala na 'yang ice cream ah. Tinignan ako nong bata na nagtataka. Problema nito? Binigyan ko na nga ng ice cream, nagtataka pa!

"Ate, pera po hinihingi ko. Hindi po itong kalahating ice cream" sabi nong bata. Aba! May gana pang maging choose. Siya na nga 'tong binigyan, siya pa 'tong may ganang mamili! Aba. Aba. Aba. Bugbugin ko kaya to?! Tsk!

''Aba! Hindi kuna kasalanan niyan. Malay ko bang humihinga ka ng pera! Hindi ka naman nagsabi. Tsaka sa susunod completohin mo 'yung sinasabi mo baka mapaaway ka pa niyan. Buti mabait akong tao.. kaya ito oh.." sabay bigay ng piso. "Ayan umalis kana. Wala na tuloy akong makaing ice cream..." bulong ko sa huling sinabi ko.

''Kisha!!!" lumingon ako sa taong tumawag sa akin. Sus, siya lang pala. 'Yung GREEN kong kaibigan. Pa hangos-hangos siya sa harap ko. Parang sumali lang sa karera. "Ang ingay mo talaga Dana kahit kailan." sabi ko sa kanya. ''Sorry Kish..." pahangos-hangos niya paring sabi.

"Ba't ka ba nandito? Eh hindi pa naman oras ng shift ko" tanong ko. Huminga muna siya ng malalim. "Eh kasi Kish... May POGING lalaki ang naghahanap sayo!!! Wahh!!! Kish! Siya ba 'yung nakakuha ng perlas ng silanganan mo?! HUh? Huh?" WTF! Ito nanaman siya. Dana green minded mode ON. Napa face palm nalang ako. Can someone kill this girl? Salot lang 'to sa lipunan eh.

"Dan.." sabi ko sabay patong ng dalawa kong kamay sa mga balikat niya.

"Huh? Bakit? Hindi ka ba masaya Kish na may pogi na naghahanap sayo?"

"Try mo kayang uminom ng muriatic acid"-ako

"Huh? Bakit naman Kish? Di ba pag-uminom ako nun, mamamatay ako?"-Dana

"Yun na nga eh, para mawala kana" Sagot ko. Hindi naman po sa masama ako pero napipikon na ko dito sa kaibigan kong kakaiba mag-isip.

"Kish..*sniff* A-akala ko...*sniff* kaibigan kita *sniff* A-ang s-sama mo *HUHUHU*"

Best actress ang peg ni ate, umiyak eh. Napabuntong hininga nalang ako. Dumukot ako ng panyo sa bulsa ko at ibinigay sa kanya.

"Ayan, peace offering. Pupuntahan kuna 'yung sinasabi mong pogi" sabi ko sabay walk out papuntang fast food restaurant na tinatrabahuan ko.

"W-wait Kish *sniff* Hintayin mo ko!"

---

Pagkapasok ko sa fast food restaurant, nakita ko'ng may kinakausap si Sir James. Siya ba 'yung sinasabi ni Dana? Lumapit pa ako para makita ko 'yung sinasabi ni Dana. Ngunit hindi ko inaasahan na siya pala ang naghahanap sakin. Bakit siya nandito--I mean bakit niya ko hinahanap?




Author's Note

Sino kaya 'yung naghahanap kay Kisha?

Malalaman sa next chapter ng SCHOOL FOR BOYS. Tuloy tuloy lang po sa pagbabasa.

At sorry po dahil natagalan ng update 'to. Wala na kasi akong time sa pagwawattpad. Busy po kasi sa school tsaka minimimize ko kasi ang pagwawattpad dahil na-addict po ako, hindi ko na mafucos ang pag-aaral dahil palagi nalang akong nagwawattpad. Enjoy sa pagbabasa ^^

@JW | KPark


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

School For BoysWhere stories live. Discover now