Chapter 3: Paralyze
***Fast Food Restaurant***
"Haiyyy..." napabuntong hininga nalang ako. Aish! Naalala ko na naman ang ginawa ng lalaking 'yun! Sukat ba namang halikan ako! Arrgh! Kainis! 'Yung first kiss ko hindi ko na maibibigay sa magiging asawa ko huhu.
"Oh? Bat ka nakabusangot diyan? May problema ba?" I just look at her and release a heavy sigh.
"OH MY GHOD!" nabitawan niya ang mop na hawak niya at napatakip ng bibig. "Wag mong sabihing di kana virgin?" napaface palm nalang ako. Sa lahat ba naman ng pweding conclusion 'yun pa 'yung naisip niya?
Hindi ko nalang siya pinansin sa halip nagbilang nalang ako ng kita namin ngayon baka kasi may kulang. Mahirap na baka ako pa ang pabayarin ng amo ko, wala pa naman akong maipangbayad ngayon.
I'm working as a cashier here in a fast food restaurant. Matagal na ako dito mga two years na nga eh. Part time job ko ito para naman may kitain ako pangbili ng pang-araw araw na gastusin. Dito rin ako dati kumukuha ng pang tuition sa dati kong school, iniipon ko sweldo ko dito. May times nga na hindi ako kumain ng lunch at break time para lang maihulog ko lang sa inipon ko.
"5900, 6000, 6500---"
"Hep! Hep! Stop counting! Sagutin mo muna ang tanong ko!" kinuha niya ang pera at tsaka ibinalik sa lalagyan. Kakabilang ko lang nun binalik niya pa! Nakakayamot kayang magbilang! Uulitin kuna naman! "Hoy Kisha Anderson. May hindi kaba sinasabi saakin? Tutuo ba ang hinala ko na di kana virgin?! Sinong gago ba 'yang umano sayo?! Bat inunahan mo ko?! Akala ko pa naman Angel be like ka! May tinatago ka rin palang---" tinakpan ko na ang bibig niya. Over na. Hindi kuna makaya. Na over na sa ka OA-han.
"Alam mo... Linisin mo na yang utak mo. Grabe makaisip ng mga ganyang bagay. Alam mo namang wala akong panahon sa mga ganyan."
"Ehh? Sorry na akala ko kasi 'yun ang problema mo eh hehe. So bakit ka nga nakabusangot kanina?"
"Wala 'yun. May naalala lang ako..."
"Hmm...okay. Sabi mo eh" bumalik na siya sa paglilinis habang ako naman eh tinuloy na ang pagbibilang. Haiyyy... Ayaw ko namang sabihin sa kanya ang nangyari sa akin kanina sa school baka kuyugin ako niyan. Iba pa naman niyan baka nga kinilig pa 'yan imbis na magalit dun sa lalaking 'yun.
Anyway, siya nga pala ang nag-iisa kong loka lokang kaibigan. Si Dana Kim, nagtatrabaho din siya dito as cleaner paggabi at cashier sa umaga. Tuwing gabi lang kasi ako kaya siya muna sa umaga. Pansin niyo siguro ang apelyido niya. Well... Half Korean kasi yan. Hindi ko nga alam kong bat napunta yan dito. Sabi lang niya 'type niya daw magtrabaho at huminto sa pag-aaral.' Minsan nga napakamisteryoso ng babaing 'to. Pero as a friend, hindi ko na inaalam ang buhay niya baka gusto niyang private kaya I understand kung hindi siya magsasabi.
Napatingin ako sa orasan na naka sabit sa dingding. Ten pm na pero wala parin si Sir. Haiyy... Inaantok na ko. May quiz pa naman kami bukas, magsusunog ako ng kilay nito pagkauwi ko.
"Haiyy... Ang tagal naman ni Sir James! Nakakapagod na dito!"
Napahinto kami ng bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok si... Si Sir James! Patay kang Dana ka, mukhang nadinig ni Sir 'yung sigaw mo...

YOU ARE READING
School For Boys
FantasyWelcome to FBO Academy! A school na para sa mga anak mayaman. And a school FOR BOYS ONLY! Pero paano kung may isang babae ang makakapag-aral sa boys school na ito. Take note BABAE siya! Ano kayang gulo ang mangyayari sa pagpasok niya sa FBO Academy...