Chapter 1: FBO Academy

358 23 32
                                    

Chapter 1: FBO Academy





Before you proceed to the story. I will asked you a favor. And this is it, if you read my story and see typos or wrong grammars, kindly comment the wrong grammars or typos so I can change it. Thanks ^__^





***




This is the day na papasok ako sa isang boys school. I'm so nervous right now! Ikaw ba namang mag-aaral sa boys school na puro lalake ang nandon... for sure kakabahan ka rin!





Hindi ko pa nga maabsurb ang mga nangyari mula kahapon. Napapaisip tuloy ako kung alam na ba 'to ng school ko na matratransfer ako sa isang boys school. Mamaya pagmagkaharap na kami ng headmaster itatanong ko sa kanya. Malay ba namang hindi pa 'to alam ng dati kong school baka malagyan pa ng ako ng absent. Sayang 'yung pinondar kong perfect attendance!





Napatingin ako sa susuotin kong uniform. It was a black surcoat, white blouses, patterned skirt and tie. Kung titignan para itong uniform na usually makikita sa mga anime series.  Fan ata ng anime ang nakaisip ng style ng uniform nila. Naalala ko tuloy 'yung kagabi...





Flashback





*knock* *knock*





Eh?





Sino 'yun?





Nagdadalawang isip kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang tatlong lalaking naka formal suit. Wait! Sila 'yong mga lalaki kanina na nagbigay nong golden envelope! P-paano nila nalaman na dito ako nakatira?





"A-ano po'ng kailangan niyo?" I asked. Inutusan nong gitnang lalaki ang isa pang lalaki na nasa left side niya at may ibinigay sila sa akin. Nanaman?! Ano na naman kaya 'tong bagay na 'to?!





Nang makita ko ito ay isa lang palang uniform. "Yan na ang uniform na susuotin mo magmula bukas. Eight AM is the start of class so you better be earlier, strict ang pamamalakad ng Academy kaya pumunta ka nang maaga." Then they're gone. Grabe naman 'yung mga 'yun mga walang manners di manlang nagpaalam ng maayos. Ang tatanda na ang babastos, for sure walang mga love life 'yun!





Isinara ko nalang ang pinto at bumalik sa paglilinis.





End of flashback





Nandito na ako ngayon sa kusina,  kumakain. Nakasuot narin ako ng uniform na nagmumukha na akong anime cosplayer. Pagkatapos kong kumain at maghugas ng pinggan ay lumabas na ako ng bahay. Nang bigla ay napahinto ako at nanglalaki ang mata ng may tatlong lalaki nanaman ang nasa harapan ko. Ano nanaman kayang kailangan ng mga 'to?!





"Headmaster Zannichi ordered us to escort you into the school" sabi nong lalaki na nasa gitna. Pansin ko lang sa mga 'yan, 'yung lalaki na nasa gitna ang parating nagsasalita habang 'yung dalawa eh sunod-sunoran o taga bitbit lang!





Sumakay na ako dun sa kotse. In fairness ang ganda ng treatment nila sa mga scholar ah. Free uniforms, free rides. Ano pa kayang free ang ibibigay nila? Pero buti nalang may sumundo sa akin eh hindi ko kasi alam papunta dun sa boys school na 'yun. Kung hindi nila ako sinundo baka naliligaw na ako ngayon.





---






"FBO Academy..." Basa ko dun sa may gate na may pangalan ng Academy at may emblem na nakalagay. Ito pala ang emblem ng FBO, may nakalagay din kasing emblem sa may left chest ng uniform ko.





School For BoysWhere stories live. Discover now