Chapter 2: Kiss
***Lunch break***
Lumalamon ako ngayon dito sa cafeteria. Sarap na sarap ako sa pagkain. Hindi ko nga expect na free lang ang mga pagkain ko dito. Ang sarap pala maging scholar dito! Ang ganda ng treatment!
Flashback
"Mukhang mamahalin ang mga pagkain dito..."
"Kuya, magkano po 'yun?" turo ko dun sa isang ulam, ang sarap kasi nitong tingnan. Nang pagkakita ni kuyang tindero sa akin, bigla nalang siyang nabigla. Ehh? Nakakasakit ng damdamin si kuyang tindero ah. Mukha ba akong halimaw na kinakabigla. -__-
"Ikaw 'yung babaing transferee diba?" Kuyang tindero asked. I nodded in respond. "Free para sa 'yo ang mga pagkain dito."
O__O
"R-really? Bakit po?!"
"Isa sa mga treatment ng scholar ay ang free foods" kumuha ng tray si kuyang tindero at nilagay ang ulam na tinatanong ko kung magkano kanina. Nilagyan rin niya ito ng kanin. "Ano pa o-orderin mo?"
"Iyan lang po" sabi ko sabay kuha nong tray. Hindi na ako nagpalagay pa ng ulam. Hindi naman ako maabuso porket free foods ako dito...
End of Flashback
"Ms. Anderson" napahinto ako sa pagkain at tiningala ang tatlong taong nasa harapan ko. Sila nanaman?! Nandito kasi 'yung tatlong bodyguard nang headmaster na walang kamanners manners. "The headmaster wants to see you"
Headmaster? Omy ghod! Pinapatawag na 'ko! Ito na ang time para makausap kuna ang headmaster. Pero bakit ngayon pa na ang sarap sarap na ng kain ko. T__T
---
Binuksan nila ang isang malaking wooden door at bumungad sa harap ko ang isang napakagandang silid. Sa pagpasok mo palang dito, may makikita ka agad na golden chandelier sa itaas. May mamahalin din na mga bangang porselana na matatakot kanalang hawakan dahil baka mabasag. Meron din itong napakalaking glass window na umaabot na sa kisame. Ito ba talaga ang office ng headmaster? Ang ganda grabe!
Umupo ako dun sa chair na nasa harap ng headmaster's table. Wala pa naman ang headmaster eh. Nilibot ko pa ang tingin ko sa paligid nang magawi ang tingin ko dun sa malaking bintana. May nakita akong taong nakatayo dun. Nakasuot ng uniform at may suot itong headphone. Nakatingin lang siya sa bintana, hindi niya ata napansin ang presence ko.
I just stare at him nang i-down niya ang headphone kaya nasa leeg niya na ito. Suddenly, biglang bumukas ang pinto at napatayo ako. Isang naka formal na lalaki na sa tingin ko ay nasa middle age na ang pumasok. Ito na ata ang headmaster.
I greet him at sininyasan niya ako na maupo sa upuan ko kanina. As I sit, I also look at the huge window where the guy standing at, but I was taken aback when he's not there anymore...
Saan na 'yun? Nandito lang 'yun kanina ah.
Imposibleng nakalabas na siya, kung ganon nga edi namalayan ko ang paglabas niya o di kaya ng headmaster. Wag niyong sabihing imagination kulang 'yun?! O di kaya multo 'yung nakita ko? Wahh!!! May multo sa school na 'to!
YOU ARE READING
School For Boys
FantasyWelcome to FBO Academy! A school na para sa mga anak mayaman. And a school FOR BOYS ONLY! Pero paano kung may isang babae ang makakapag-aral sa boys school na ito. Take note BABAE siya! Ano kayang gulo ang mangyayari sa pagpasok niya sa FBO Academy...