Chapter 26 - Arrived

1.1K 36 4
                                    

Venus' PoV

"Attention ladies and gentlemen. We are now landing at Villaflor's Sacred Island. Please kindly put your seatbelts on." Naalimpungatan ako sa pagkaka-iglip ng marinig ko ang malakas na boses ng piloto sa mga speakers dito sa loob. Damn. Istorbo eh.

"Venus. Nasan ang medical team?" Nagulat ako sa tanong ni Shiromi sakin, teka bakit sakin nya tinatanong kung nasaan ang medical team?

"Malay ko. Bakit ba ako tinatanong mo?" Isang batok ang sumalubong sakin dahil sa sagot ko kay Shiromi. Aba.

"Athena assigned you to check the medical team! Aish." Hala. Sakin ba sila inassign? Eh pumasok lang ako dito sa loob ng eroplano, tapos ayun na nga nakatulog ako. Hala, lagot ako kay Casscass mamaya.

"We already safely arrived at Villaflor's Sacred Island." Hala sht. Bakit sinasabi ng piloto yung Villaflor?! Ang gago lang. Nagulat ako ng kalabitin ako ng katabi ko. Teka sino nga ulit to'? Rain? Yung sa Stalwart. Psh.

"Villaflor ba apelyido ni Empress?" Palihim na nanlaki ang mata ko dahil sa tanong nya. Geez anong sasabihin ko? Nakatalikod parin ako sakanya. Ngumiti muna ako bago sya hinarap.

"No." Sagot ko ng may ngiti. Syempre yung ngiti na halatang hindi fake. Pwe. Hirap naman nito.

"Eh sino yung Villaflor?" Puta. Ang daldal naman ng lalaking to'. Lalaki ba talaga to'?

"Bakit ba ang daldal mo? Bakla ka ba?" Tinaasan ko sya ng kilay kaya naman umismid sya. Huh. Pampagulo lang ng usapan yun, baka mamaya mabuking pa ako eh. Mahirap na. Venus Chrix nga pala. Pinaka-dyosa sa Deities.

"Gusto mo ba ng patunay na hindi ako bakla?" Sasagot na sana ako ng oo kaya lang bigla nya akong hinalikan. Putangina! My virgin lips! Tumayo ako at hinigit ang kamay nya at inikot palikod dahilan para mapa-aray sya.

"Bakit mo ako hinalikan?!" Lalo kong inipit ang braso nya kaya puro aray lang nya ang naririnig ko. Hayup na lalaki to'! Sino ba to'?! Nakatingin na samin ang mga ka myembro nya, hindi nila alam kung tutulong ba sila o hindi. Punyeta! Yung virgin lips ko hindi na virgin!

"A-aray! P-pwede bang b-bitiwan mo na y-yung braso k--! Sht!" Tinulak ko sya sa sahig at sinakyan. Damn this guy! Hindi ko papalagpasin yung ginawa nyang panghahalik sa virgin lips ko! Sinuntok ko ng ilang beses ang mukha nya dahilan para matanggal ang mask nya. Tangina! Pati yung mask ko nalaglag. Simula ng bumalik kami lagi na kaming pinagma-mask ni Empress. Kaya hindi kami kilala ng stalwart.

"Louie!?"

"Chrix!?" Sabay naming sigaw. Sht. Si Louie si Rain? Puta. Edi ibigsabihin.

"Venus Chrix." Patay. Sila Kuya pala yung bagong Royalties. Tangina anong gagawin ko?!

Jeydee's PoV

Kanina pa kami nakarating dito sa Sacred Island ng mga Villaflor. Dito kami dinala dati nung nagkaroon ng gyera sa pagitan ng dalawang organisasyon. At mukhang may paparating na naman dahil dito sasanayin ang mga gangsters na hawak ng AO.

"Bro' naka-set na lahat ng traps na nakalagay sa buong isla. Dumating narin daw yung eroplano na sinasakyan ng HP Gangsters." Sabi sakin ni Myron atsaka ako inakbayan. Tsk.

"Ice may ikukwento ako sayo. Tungkol kay Ash." Oh ano namang meron sa kapatid ko?

"Alam mo kasi Ice, binata na talaga si Ash eh. HAHAHAHAHA." Binata naman na talaga yun dahil labing-siyam na taon na yung nabubuhay sa mundo. Ano bang nahithit nitong si Luxius?

"Hoy pandak! Anong sinasabi mo dyan tungkol sakin?!" Sulpot ni Ash kasama sila Phoenix, Flakes at Flames. Jeydee Bron is the name, kaliwang kamay ni Empress sa pagpapatakbo ng organisasyon.

"Sinasabi ko lang naman na binata ka na Ash. Totoo naman diba?" Dagdag pa ni Fire at lalong dumikit sakin. Tangina bakla ba to'?

"Niloloko mo ba kami Fire? Binata naman na talaga yang si Ash." Pagsusungit naman ni Flames. Bahala nga sila dyan. Umupo nalang ako dito sa duyan sa may balkonahe ng rest house ng mga Villaflor. Villaflor Family is my second family kaya gagawin ko ang lahat maprotektahan lang ang kambal. Nanumpa na ako dati sa harap ni Tita Ria na hinding hindi ko pababayaan ang kambal nya at ipagpapatuloy ko ang paghahanap sa nawawala nilang bunso.

"Ano ka ba Flames. May hindi kasi kayo alam habang nandun kami sa EU eh. Diba Phoenix?"

"Oo! HAHAHAHAHAHA. Lagi akong may nadadatnan na live porn nila Ash at--." Hindi na natuloy ni Berlings ang sasabihin nya dahil agad na tinakpan ni Ash ang bibig nya. Ngayon na ako tuluyang na-curious sa gustong sabihin nila Fire at Phoenix.

"Ano ba talagang gusto nyong sabihin ha?" Sabi ni Flakes na mukhang aliw na aliw sa kagaguhan ng tatlo. Tsk.

"Pano kasi tong' si Ash naka-score na kay Dark Rose! HAHAHAHAAHAHAHA." Kita ko ang pamumula ni Ash kaya naman sabay sabay kaming humalakhak nila Kleiton at Harvey. Puta. Binata na nga sya! HAHAHAHAHA.

"Humanda ka sakin Luxius at Berlington. Magtago na kayo, dahil ako mismo ang papatay sainyong dalawa! Hayup kayo!" Resulta? Ayun nagtatatakbo yung dalawa pababa habang hinahabol ni Ash. Tsk. Mga isip bata talaga kahit kelan.

"Bro. Kelan mo ba balak aminin kay Empress?" Wala. Wala akong balak.

"Wala na akong balak umamin Flames. Masyadong madaming problema ang organisasyon at pati narin si Empress." Itinabing ko sa mukha ko ang braso ko at pumikit. Wala akong balak umamin dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi rin naman iyon masuklian.

"So magpapaka-tanga ka nalang ganun? Paano yung sinabi mo kay Tita Ria?" Maybe I should break that.

"Hindi nyo kasi naiintindihan eh. Oo sinabi sakin ni Tita Ria na isa ako sa gusto nya para kay Raziel. Pero come to think of it Bro', hindi naman ako gusto ni Raziel." Yes I admit it. I like, no I love Empress. Pero alam ko namang hindi nya kaya suklian yung pagmamahal na ibibigay ko kung sakali diba?

"Yan ang problema sainyong mag-kapatid eh. Conclusions agad ang iniisip nyo. Bakit hindi nyo subukan ng magka-alaman? Tsk. Naunahan ka pa ni Ashton mag-binata. Iba nayan Bro'." Bakit ba kasi namin pinaguusapan yun? Nandito kami para magensayo hindi para magbahagian ng kwento tungkol sa pag-ibig. Jeydee Bron, isang lalaking umaasang mapansin ng mahal nya na mahal nya ito. Tangina diba?

••••

Here's the UD! So I'll annouce your fandom name na. Char. Sooooo. I'll be calling every TUH readers as.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

POLARIS

Corny noh'? Yaan nyo na. HAHAHAHAHAHAHA. KEEP SUPPORTING TUH. ❤

Vote vote vote 🐻🐻
Comment comment comment 🐻🐻

The Undiscovered HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon