Chapter 8 - Sister's Love

2K 67 2
                                    

Ruzzel's PoV

"Razzy, marunong ka ba talaga magluto?" -Rose.

"Ate Raz, anong lulutuin mo??" -Ashton.

"Masarap ba yang ilu-luto mo Empress?" -Myron.

"Anong tawag dito Empress??" -Wallace.

"Hindi naman kami mamamatay dyan diba, Bitch?" -Lindsey.

"Will you all shut the fck up?! Gusto nyo bang kayo ang iluto ko dito?!" HAHAHAHAHAHA. Galit na si Razzy. Pano ba naman tanong kasi ng tanong yung mga nandito, kala mo naman ngayon lang nakakita ng magluluto. Agad naman na umupo ang lima. Pfft. Hahahahahaha. Mind telling you guys, Raziel is a good cook since then, bata palang kami marunong na syang magluto. Lagi syang nagpapaturo sa mga maids or cooks namin na magluto, para daw sa susunod sya na mismo ang magluluto para samin. Kaya lang isang beses nya lang kami napag-lutuan. The day when our father died. Papa was having a business trip way back then, kaya naman naisipan ni Razzy na magluto para sa lunch namin bago umalis si Dad. Ang saya pa nga naming kumakain nun eh. Tapos kinagabihan, malalaman nalang namin na dead on arrival si Dad ng itakbo sa hospital. Nawalan daw ng control ang limousine kaya nagpa-gewang gewang ito sa gitna ng kalsada. A ten wheeler truck hit our Father's limousine. Razzy said that it was a fool's play, na hindi lang daw yun isang pangkaraniwang aksidente. We all know how dangerous our life is because of our blood.

"Your spacing out." Binaling ko ang tingin ko kay Wallace ng tanungin nya ako.

"I think so. Sorry." Bahagya akong ngumiti atsaka ibinalik ang tingin kay Raziel. Raziel is a good sister to me, behind her cold attitude, merciless and ruthless personality. She never fail to show her care for me. Kaya handa akong gawin ang lahat para sa kapatid ko, kahit pa kapalit ng buhay ko.

"Lunch is ready. Get your ass up now and eat. Tch." Agad na pumanhik ang lima sa kanya-kanyang upuan at nag-sandok.

"Where's your manner? Pray first before eating." Agad na nabitawan ni Wallace ang sandok at pinagdikit ang mga kamay nya. Hahahaha. Lol.

"I'll lead the prayer." Singit ni Lindsey.

"Dear God, thanks for this meal you've offered today. Thank you for giving us the strength and intelligence for our every day needs."

"AMEN." -Myron. At ayun na nga, nagsimula na silang lantakan ang nilutong sinigang ni Razzy. Tumayo si Razzy at pumasok sa kwarto nya. Kaming dalawa ni Lindsey ang magkasama sa isang kwarto, si Rose at Ashton naman sa kabila. Habang si Myron naman at Wallace sa natitira pang kwarto. Busy parin sa pagkain ang lima kaya naman tumayo ako para puntahan si Raziel sa kwarto nya. I knocked three times before entering her room, but i can't see her. Didiretso na sana ako sa pagpasok ng banyo nya ng may marinig ako.

'I remember tears, streaming down your face. When i said i'll never let you go. When all those shadows almost killed your light.'

She's singing again.

'I remember you said, don't leave me here alone. But all that's dead and gone and passed tonight.'

'Just close your eyes,
The sun is going down.
You'll be alright,
No one can hurt you now.
Come morning light,
You and I'll be safe and sound.' Her warm voice, suits her angelic face.

'Don't you dare look out your window,
Darlin' everything's on fire.
The war outside our door keeps raging on.'

"Hold onto this lullaby,
Even when the music's gone,
Gone." Pinihit ko ang door knob at dinungaw si Raziel. She's having her warm bath while tears started to flow from her eyes. Agad nyang pinunasan ang mga luha galing sa mata nya at napalingon saakin.

"Anong ginagawa mo dito?" I smiled at her at pumunta sa likod ng pinto para kumuha ng robe. I walk towards her and handed her robe. Kinuha naman nya ang robe at isinuot.

"What are you doing here, Ruzzeliene?"

"You didn't finish your meal." Sagot ko sakanya. She's wearing this blank expression, she got.

"Wala akong gana." Umupo sya sa kama nya at sinimulang patuyuin ang buhok nya. Umiling-iling nalang ako atsaka kinuha ang suklay sa study table nya. Umupo ako sa tabi nya at sinimulang suklayin ang buhok nya.

"You don't have to do that, Ruzzel." Hindi ko sya pinakinggan at tinuloy lang ang pagsusuklay sa buhok nya. I miss doing this, noong bata pa kami lagi kong sinusuklayan ang mahabang buhok ni Razzy. Ganun rin naman ang ginagawa nya sa katamtamang haba kong buhok. Napangiti nalang ako ng kusa dahil sa inalala ko.

"I love you, Razzy." Sabi ko atsaka ko sya niyakap. Ramdam ko ang pagkagulat nya, pero hindi nya ako sinuklian ng yakap rin. Bagkus ay hinarap nya ako atsaka kinuha ang suklay sa kamay ko.

"Turn around." Agad kong sinunod ang sinabi nya, kaya naman nakatalikod na ako sakanya ngayon. Sinimulan na nyang suklayan ang buhok ko. It feels so comfortable.

"You know that i love you Ruzzeliene, right?"

"Yes."

"You love Ate, right?"

"Yes."

"Then please leave my world." I was taken aback by her words. I'm hurting. Why the hell would she say that? It fckin hurts.

Raziel's PoV

"Then please leave my world." Tumayo na ako atsaka kumuha ng teacher's attire sa dala kong maleta. Alam kong masasaktan si Ruzzel, but i love her so much. Ayaw ko syang madamay sa gulong tinatahak ko at tatahakin palang. I want to protect her in any ways. I want to spare her life, mas may silbi pa ang buhay nya kesa sa buhay ko.

"W-why?" Ayaw kong lumingon sakanya. Ayaw kong makita na umiiyak ang nagiisa kong kapatid. Kung nasasaktan sya, mas nasasaktan ako.

"Just leave. Forget about me being your sister." Ng matapos kong suotin ang damit, agad agad akong nagsuot ng flat shoes at akmang lalabas ng kwarto. Natigilan ako ng hatakin ni Ruzzel ang braso ko. Ruzzel, why don't you just follow my orders? You're making it hard for me.

"Give me a damn fcking explanation, Firen!"

"I DON'T WANT YOU AS MY SISTER!" Lumabas na ako ng kwarto ko at padabog na isinara ang pinto. Lahat sila napatingin sa gawi ko pero nagmadali lang ako sa paglalakad. I do love you as my sister, Firon. And i'm willing to spare your life if it costs my life.

-

Hi! So here's Chapter 8. Hope you like it. Anyway, my OP search is still open. If you're willing, just PM me on my facebook account (Faith Cabalquinto). Vote, Comment and Read ❤. Lovelots. Sorry sa wrong grammar at typos. Mahal ako nun eh 😂

The Undiscovered HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon