Chapter 31 - Flashbacks

1.1K 36 9
                                    

(This Chapter contains all flashbacks starting from Firen & Shairo's Birth, being Fiancè and such :). Ciao. This will be Third Person's Point Of View. Walang maarte kung maiksi lang bawat date ang flashbacks. Hngg.)

-February 14, 1995-

"Congrats Mr. & Mrs. Villaflor. It's a twin!" Labis na tuwa ang naramdaman ng mag-asawang Villaflor ng marinig ang sinabi ng doktor. They we're thankful to have twin as their first siblings. Labis ang galak at tuwa ang nararamdaman ng mag-asawa habang pinagmamasdan ang dalawang babaeng sanggol.

"What should we name them, Darling?" Umismid ng kaunti si Ms. Villaflor at wari'y nag-isip.

"I want to name the eldest, Raziel. Raziel the angel of secrets. Then Ruzzeliene for the youngest. Please put some second name, Darling."  Lumingkis si Mrs. Villaflor sa kanyang asawa habang pinagmamasdan ang dalawang maliit na anghel na ibinigay sakanila ng maykapal.

"Since it was named after you. Why not Raziel Firen? Then Ruzzeliene Firon." Nakangiting wika ng ginoo sakanyang asawa at hinalikan ang noo nito.

"I love you, Darling. Thank you for giving me these precious angels."

-

-February 27, 1995-

"Sht! Faust! Anong gagawin ko? Manganganak na ata si Shaira!" Parang baliw na paikot-ikot sa harap ng namimilipit na Shaira ang isang ginoong nag-ngangalang Eugene, habang kausap ang kumpareng si Faust Villaflor.

[Aba gago! Dapat dinala mo na sa ospital! Nag-aksaya ka pang' tawagan ako! Bilisan mo susunod agad kami ni Ria sa ospital!] Walang nagawa si Eugene kundi ibato ang cellphone nya kung saan at kinarga si Shaira papuntang sasakyan, at kumaripas patungo sa pinakamalapit na ospital.

Di nag-laon ay naipasok narin sa labor room si Shaira, at ihinanda sa panganganak nito. Paikot-ikot lamang sa labas ng kwarto si Eugene habang inaantay ang mga kaibigan.

"Bro'! Congrats! Manganganak narin ang misis mo, pano bayan. Kambal yung akin, sainyo kaya?" Tatawa-tawang salubong ni Faust kay Eugene habang karga ang bunsong anak, Si Ruzzeliene. Habang kay Ria naman si Raziel na mahimbing na natutulog.

"Kung sakali bang' lalaki ang anak ko, papayag ba kayo ni Ria na ipagkasundo sila?" Nagkatinginan ang mag-asawang Villaflor at sabay na ngumiti.

"Oo naman, Euge. Basta ba mahalin nila ang isa't isa, kasalan na agad!" Natatawang banggit ni Ria habang hine-hele ang nagising na sanggol. They look happy, no problems and worries. Hindi nila alam, nakamasid na pala ang isa pa nilang kaibigan sa paligid at minamanmanan ang mga kilos nila.

Nakangiting lumabas ang doktora sa loob ng kwarto kung nasaan si Shaira, tila ba mayroon itong napaka-gandang balita na hatid.

"Congrats Mr. Fukugawa! It's a twin! Nung nakaraan lang si Mrs. at Mr. Villaflor ang nagka-anak ng kambal na ako rin ang nagpa-anak. Ngayon kayo naman ni Mrs. Fukugawa. This will be a good blessing for all of you." Hindi napigilan ni Ria ang mapaiyak sa nalaman nya, Shaira is her bestfriend at sobra syang natutuwa sa balitang iyon. Sa sobrang dami ng pagsubok na dumating sa buhay nila, may mga biyaya parin talagang darating sa huli.

"Anong ipapangalan mo sakanila, Euge?" Tanong ni Shaira habang karaga ang isa sa mga anak nila.

"Shairo Hikaro. I want the eldest one to be named as Shairo Hikaro. Para sayo ipapangalan." Binigyan nya ng matamis na ngiti ang asawa bago ito ninakawan ng isang halik.

The Undiscovered HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon