Chapter 28 - 2nd Ordeal: Across That Bridge

965 37 2
                                    

Cassriel's PoV

Shit. Ilang oras na kaming naglalakad dito sa loob ng green land pero wala parin kaming mahanap na lintek na safe house yan! Paano ba yun naitatago ni Empress? Kainis!

"Athena." Tawag sakin ni Freya kaya naman pabalagbag ko syang sinagot.

"Ano?!" Agad na tumaas ang kilay at kamay nya, animo sumusuko sa kanyang kasalanan. Tch.

"Chill ka nga. Pinapunta na daw ni Fire si Damian dito para masundo tayo." Agad naman na nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Ngumisi sya ng bahagya bago tumawa. Leche tong bruhang to' ah?

"Bakit naman tayo pinapasundo?" Tanong ko bago huminto sa paglalakad, kaya naman napahinto rin ang mga kasamahan ko.

"Talo na tayo sa unang laro." Nabato ko ang bato na hawak ko. Argh! Sinasabi ko na nga ba eh! It's already 6:30pm!

"So nauna na ang Stalwart ganun? Tch." Singit ni Cassiopeia. Bakit ba ang sungit sungit ko ngayon?! Naiirita ako sa sarili ko!

Maayos naman kaming nakarating sa safe house, kaya lang kailangan naming magtayo ng mga sarili naming tent. Tch. Pumasok muna ako sa loob ng safe house para mag-cr. But in an unexpected happenings. Bigla akong hinila ng kung sino at dinala sa isang madilim na kwarto. Nagpupumiglas ako dahil una, hindi ko kilala kung sino tong' humila sakin at pangalawa sobrang dilim dito! Natigil ako sa pagpupumiglas ng maramdaman ko ang pagluwang na hawak sakin. Nagulat nalang ako ng mag-tagpo ang mga labi namin.

Biglang nag-flashback sakin lahat ng mga nangyari nung nasa Japan ako. Kung paano ako niligawan ng pinaka-unang lalaking minahal ko. Kung paano nya ako ipinagtanggol ng kidnappin ako ng Hayashi Clan. Lahat ng alaala ko kasama sya biglang bumalik ng ganun lang kabilis.

He's kiss was passionate and full of emotions. It was like he's trying to make me feel how much he missed me. That I'm the one that he loves.

Napapikit nalang ako habang may mga luhang lumalabas sa mga mata ko. I respond on his kisses, if he only knew how much I missed his kisses, touch and hugs. If he only knew how eager I am to hug him.

"I." Hindi ko sya pinatapos sa sasabihin nya at agad ko syang sinunggaban ng halik. I missed him so damn much kaya wala na akong pakialam kung mag-pinsan kami!

"T-thana." He groaned as I bit his lip. Damn. What are you doing Thana? Agad akong humiwalay sa halikan namin at napa-upo. Hindi ito ang tamang panahon para sa pagma-mahalan. Dahil alam naming lahat na may mga bagay na darating ng hindi inaasahan.

Yinakap nya ako ng mahigpit na tila ba ayaw nya akong mawala sakanya. Wag kang mag-alala Cole, hindi ko hahayaang mawala sayo. Masyado akong naging duwag kaya iniwan kita, pero ngayon alam ko na kung ano ang mas mahalaga.

"I love you." Hindi ko sya sinagot, bagkus ay hinalikan ko nalang sya at hinaplos ang kanyang pisnge. We'll get over this Draco. Gagawa ako ng paraan para pwede na tayo sa isa't isa.

Raziel's PoV

"Empress." Dumating na kami dito sa Sacred Island ni Ruzzel. Pero hindi ko parin sya makausap ng maayos, animo'y may malalim sya laging iniisip. Nababagabag na talaga ako sa mga ikini-kilos nya simula ng mailabas sya ng ospital.

"Ice, please call for the medical team. May mahalaga kamo akong ipapagawa sakanila." Agad namang umalis si Jeydee sa harap ko. Malapit. Malapit na magkaroon ng panibagong digmaan sa henerasyong ito laban sa kabilang organisasyon. And they really know how to start it. Damn, kumuha sila ng sample ng dugo ng kapatid ko! Nilagyan nila ng attached device ang katawan ng kapatid ko, nilagyan nila ng mga bomba ang loob ng katawan ng kapatid ko. At hinding hindi ko papalagpasin ang ginawa nilang lahat sa kapatid ko. I'll sue you Veronica, just wait and learn.

Agaran kong inihayag sa medical team ang gagawin nila kay Ruzzeliene na ngayon ay dinala sa labratory. Nalaman ko rin na hindi lang si Ruzzel, ang nilagyan nila. Some of my allies also have their fcking  devices inside them. And I'm really bothered for my peoples.

"Empress, handa na po ang menace bridge para sa susunod na task ng mga gangsters." Agad akong pumasok sa loob ng monitoring room para makita ang mga mangyayari sa pagitan ng Stalwart at ng grupo nila, laban sa Deities at ng mga mas nakakataas na gangsters.

Menace bridge is a dangerous bridge, from the word menace that means dangerous thing or person. Hindi lang basta bastang tulay ang tatawirin ng mga gangsters sa pagsusulit na to'.

Lahat ng madadaanan ng gangsters gamit ang tulay ay isa lamang na hallucinations, hindi totoong malalim ang baba nito, hindi din totoong sira sira ito. May device na nakakabit sa buong isla para sa mga ganitong pagsusulit.

Sa menace bridge mo mahaharap ang kinakatakutan mo sa lahat.

"Let them start in 3 seconds." Lahat ng nasa grupo nila Shairo ay organisado, pulido rin ang mga gamit na dala nila para sa kahaharapin nila ngayon.

Sa pagsapit ng isa, nagsimula ng gumalaw ang mga gangsters upang maglakad sa tulay.

"Show their fears now." Agad namang may nagsilabasan na mga computerized clone ng mga kinatatakutan ng bawat isa. Karamihan sa mga kinatatakutan nila ay tao, pero may isang umagaw ng atensyon ko sa scenario na ito.

Malapit na si Shairo sa dulo ng tulay pero may kaharap syang isang babaeng naka-maskara na kagaya ng akin. Teka, don't tell me.

"Empress! May nalaglag sa tulay!" Fck. Nabingi ako sa sigaw ni Rose.

"Sino?" Tanong ko ng walang bahid ng pagpahalaga. Tch. As if naman mamamatay sila sa tulay nayan. Of course I plan this all from the very start.

"Si. Si Cassriel!" What the? Binalik ko ang tingin ko sa monitor at kita ko na roon ang pagkakagulo ng mga gangsters. Sht. Anong nangyari? Bakit nalaglag si Cassriel?!

"Tawagan mo si Damian!" Sigaw ko at tumayo para lumabas at tignan ang nangyari. Sinuot ko muna ang maskara ko at kumuha ng katana. Tangina.

Kumpulan ng mga gangsters ang tumambad sakin pagkarating na pagkarating ko sa menace bridge. Damn. Naka-on pa pala yung fear device! May biglang lumabas sa harap ko na replica ni Ruzzel!

•••••••••

(Hi! Maraming salamat sa patuloy na nagbabasa nito kahit napaka-cliche na ng ganito. I'm not really good in writing. Pero sana isupport nyo yung isa ko pang story na ADULT-FICTION. It it entitled "REGRET" Jonaxx Stories inspired :) kaya may mga names na gaya ng sa stories ni Queen J. Err. Akin nga kasi si Rozen at Wade, char. Sana magustuhan nyo yun. Ibubuhos ko lahat ng efforts ko dun at dito sa TUH. Road to 2k views na tayo Polaris! Keep going. Mahal ko kayo ❤

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY RECOMMENDED.)

The Undiscovered HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon