Flashback(paano nga ba nag simula)

30 0 0
                                    

Marami sigurong tao ang naghahangad na makita ang kanilang idolo sa personal.

Lalo na kung isa kang kpopfan. Feeling mo maswerte ka kung nakapunta ka sa concert ng bias group mo, masaya ka kapag may kpop merchandise kahit na isa lang yan.

Masaya ka kapag nakikita mo yung mga poster ng bias group mo at ng bias mo na minsan mo ng hinahalikhalikan kaya pinagkakamalan kang baliw ng mga hindi kpop fan na kaibigan mo.

Pero ano kaya ang mararamdaman mo kung malalaman mong kasal ka na sa bias mo? Ngunit hindi ikaw ang kanyang mahal dahil may mahal siyang iba. Ngunit kung kailan sumuko ka na dun naman dumating ang araw na mamahalin ka din niya.

Isa lang naman akong ordinaryong babae na walang pakialam sa mundo pero lahat ng yun nag iba simula ng makita ko siya sa poster ng kaibigan ko

Hinangad kong maging asawa siya dahil for sure lahat naman tayo ganun pero di ako makapaniwala na magiging totoo.

Oo kasal nga kami pero hanggang sa papel lang. Hindi ko gamit ang surname niya dahil ayaw niya pero okay lang yun kahit na masakit sa akin.

Hindi kami tabi sa kama o mas magandang sabihin di kami magkasama sa kwarto dahil ayaw niya. Di din siya nagpapaalam pag aalis siya, di niya sinasabi kung saan siya pumupunta at kung anong oras siya uuwi.

Mahal ko siya pero....... hindi niya ata kayang ibalik sa akin ang pagmamahal na ibinigay ko sa kanya.

Lagi na lang niya ako sinisigawan tapos may pagkakataon na tinatapon niya sa harapan ko ang pagkain na pinaghirapan kong iluto para lang sa kanya.

Pero paano nga ba kami naging mag-asawa ? Paano ako nakapunta sa korea?
Paano ko siya nakasama sa iisang bubong?

*Flashback*

I'm Christine Dominique Aquino and I'm 19 years old 4th year high school late ako nagaral kaya ngayon palang ako 4th year high school.

Isang araw pumunta sa bahay ko yung isa kong kaibigan na kpop fan din at kakalase ko din at sinabi sa akin na naghahanap ng exchange student para ipadala sa South Korea ang kailangan lang daw ay I.D., Birth Certificate, Letter from Parent, at yung card na dapat may final average na 95.34 pataas ginawa ko ang lahat para lang makakuha ng final average na 95.34 pataas at mukhang nakikisama ang tadhana sa akin dahil  nakakuha ako ng 96.88 na final average kaya ayun naka punta ako sa korea at dun pinagpatuloy ang pag aaral ko.

Pero bago yun nag aral ako, nagsikap para lang matutunan ang kultura nila, pananalita,pati sa pagkain ng gulay pinag aralan ko para lang di ako mahirapan kumain pag pumunta na ako sa korea.

Pinaghirapan ko lahat para lang di ako mahirapan sa pagtira ko sa korea. Hanggang sa isang araw dumating ang araw na pinakahihintay ko ang pagpunta ko sa South Korea.

Kasama ang labing dalawang istudyante nakarating kami sa south korea ng matiwasay pagkababa pa lang namin sa eroplano nagunahan na kami papunta sa van na maghahatid sa amin sa titirhan namin.

Ngunit pagdating namin sa hotel hindi ko maimagine na makikita ko si chanyeol agad agad kong kinuha ang poster,album at iba pang merchandise sa bag ko.

Sinabi ko sa mga kasama ko na may pupuntahan lang ako di naman sa selfish ako pero ayoko lang naman na magkagulo kaya napagpasiyahan ko na hindi ko na lang sabihin at isa pang dahilan hindi ko alam kung siya ba talaga yun.

Papalapit pa lang ako sa kanila ng kasama niya para sana magpapirma ngunit narinig ko siyang sumigaw

"Wag niyong idamay ang pagiging artist ni Trisha kung kailangang magpakasal ako gagawin ko pero wag niyo aalisan ng label si trisha!!!"so totoong may relasyon sila ni trisha unnie? Ouch! Ang sakit bes T.T

"Sige deal ang gagawin ko na lang niyan ay hanapin ang mapapangasawa mo"pais na sana ako dahil ayoko ng makinig dahil wala naman akong mapapala

"Hey miss wait!!"ako ba yung tinatawag niya? Haist christine naman wag kang assuming

"Yah! Miss na naka off shoulder na baby blue wait!"wait hala ako nga naka off shoulder ako na baby blue so ako nga?!

Unti unti akong humarap sa manager ng exo sa pag harap kong iyon siguradong isinusumpa ako ni chanyeol kung bakit ako ang naging asawa niya dahil sa pagharap ko bigla na lang sinabi ng manager nila na MAGIGING MAG-ASAWA NA KAMI hindi man lang siya nakapagsalita o nakatutol o mas magandang sabihin na hindi KAMI nakatutol at dahil 3 araw na lang ika-kasal na kami wala siyang panahon para makasama si trisha unnie. At sinisisi niya ako dahil hindi sila ang nagkatuluyan at sinasabi niyang binayaran ko ang manager nila para lang mapakasal ako sa kanya pero lahat ng yun HINDI totoo pero AYAW parin niyang maniwala.

Kaya ngayon ganyan ang trato niya sa akin....

PARK CHANYEOL's Wife(on-going)Where stories live. Discover now