*Chanyeo Pov*
Nagising ako na nasa kama na ako at may basang bagay na nasa noo ko, tinanggal ko ito at nakita ko ang isang babaeng nasa tabi ko na tutulog ngunit ito ay nakaupo
Nakita ko din ang isang palanggana na may lamang tubig pati narin gamot mukhang nagkasakit ako ha
Tumayo ako ng dahan dahan para hindi magising si christine mahirap na baka mamaya eh hampasin ako nito pag nagising ko mukha pa namang masarap ang tulog
Pumunta ako sa cr para maghilamos kahit na nahihilo parin ako kailangan kong umalis at pumunta sa dorm sasabihin ko sa kanila na nakita ko na siya at hihingi din ako ng tawad kay lay hyung kahit na hindi ko alam kung bakit
Saktong pagtapos kong maghilamos nahilo ako kaya napahawak ako sa may pinto ng cr ng bigla nalang may humila sa akin at pina upo ako sa kama
"Bakit ka ba kase tumayo agad? Pwede mo naman akong gisingin para maalalayan ka yan kase problema sayo eh ang kulit mo"hindi siya nakatingin sa akin habang nagsasalita siya pero bakas sa tono niya na nagbago siya na hindi na siya tulad ng dati
Ang pananalita niya ang kilos niya lahat. Nagbago siya, nagbago siya ng dahil saakin? Wag naman sana hindi ko kakayanin
"Eh kase naman mukhang masarap ang tulog mo baka pag ginising lita hampasin mo ako"nakayuko at parang batang sabi ko, eh totoo naman kase eh
"Tss"yun na lamang ang sinabi niya inaayos na ang mga ginamit niya kagabi, habang inaayos niya ang mga ito nakita ko ang bag niya na nasa gilid ng kwarto ko
Pupunta sana ako dun para kunin yun kaso pinigilan niya ako
"Try mong bumangon ulit diyan ako na mismong papatay sayo"seryosong saad niya, bakit ba siya ganito? Bakit ba siya nagbago?
"Okay fine hindi na nga eh"pagsuko ko eh kase naman nakakatakot na kaya siya nagbago na talaga siya at kasalanan ko iyon
*Christine Pov*
Hindi ko alam kung bakit ganun yung nangyari sa akin ngayon kahit na labag sa akin yung ginawa kong pangtrato sa kanya ginawa ko parin
Lumabas ako ng kwarto niya para magluto ng pagkain kagabi kase hindi na ako kumain dahil pag uwi namin naramdaman ko agad na mainit-init siya
Kasalan din naman kase niya eh sino ba kaseng may sabing magligo siya sa ulan?! Eh alam naman niyang may posibilidad na mag kasakit siya
Nagluto ako ng almusal ko at pinagluto ko din siya ng soup para sana mainitan ang sikmura niya
Kasalukuyan akong naghahanda ng pagkain sa lamesa para pagbaba niya kakain na lang siya nang dumating sila xiumin oppa, suho oppa, lay oppa, chen oppa at sehun
"Anong ginagawa niyo dito? Makikikain na naman kayo?"pabirong saad ko, isa-isa silang lumapit sa akin at umupo sa lamesa ahahahah sabi ko na nga ba eh
"Syempre naman noona kami pa ahahaha"saad ni sehun habang tumatawa bigla naman siyang nilagyan ng tinapay sa bibig ni chen oppa
"Dakchyeo! Ang ingay mo lagi eh noh"sabi niya habang kumukupit ng hotdog
"Hay nako kumain lang kayo diyan tatawagin ko lang yung kapre dun sa taas"nagsitawanan naman sila
Paakyat na sana ako ng hagdan ng kausapin ako ni lay oppa hindi ko maintindahan yung sinasabi niya pero kase bakit ahh basta hindi ko maintindihan
------------------------------------------------------------
Short update sorry 😂
YOU ARE READING
PARK CHANYEOL's Wife(on-going)
Fiksi PenggemarPwede kayang ma-inlove ang IDOL sa isang FANGIRL? They say be careful what you wish for because you just might to get it. Kaya mo nga ba pangatawan ang mga naging desisyon mo? Ano ang gagawin mo kung malalaman mong asawa mo ang bias mo? Mag...